Kabanata 6

14K 473 49
                                    

Kabanata 6

Think

"May isang babaeng nagsusungit," panimula ni Ethan.

Tinaliman ko siya ng tingin bago humigop sa inumin.

"Ang ingay mo," pagrereklamo ko, may malalim na iniisip.

Narinig ko ang paghalakhak ni Ethan bago sumandal sa kinauupuan. Bumaling na lang siya kay Zelle at pinitik ang noo.

"Ouch!" She angrily glared at him. "E! What the hell is your problem with me?"

"Chill!" tumatawang sabi ni Ethan. "'To naman, highblood agad. May regla ka?"

"Shut up, will you?!"

Bahagya naman akong natawa nang makita ang pagkairita ni Zelle. Napawi naman 'yon nang tumingin sa 'kin si Ethan, nginingisian ako.

"Ano na naman ba?" iritable kong tanong, nauubusan na ng pasensiya.

"Balita ko rito ka na raw mag-aaral."

"That's why I'm enrolled?" I mockingly pointed out.

Ngumiwi siya sa 'kin at humalukipkip. Pinaglaruan niya ang straw ng baso bago umiling.

"'De... 'yung ano kasi." Nag-angat siya ng tingin. "Balita ko may gusto raw kumilala sa 'yo kaya ka nandito?"

Naningkit ang mata ko sa kan'ya. "Who told you that?"

He shrugged. "Nabanggit sa 'kin ni Tita Juliet. Sinabihan kasi ako na bantayan ka raw. May gagawin ka sigurong masama, ano? Magrerebelde ka?"

Binato ko siya ng French fries. "Ang ligalig mo!"

Biglang pumasok sa isipan ko si Cloud kaya binato ko ulit siya ng French fries!

Nagpakawala ako ng malalim na hininga at sumandal sa couch. I am thankful that this restaurant has a cozy aura, or else I'll be completely irritated with my cousin!

Inalis ko ang buhok mula sa likod at hinayaang dumantay sa likod ng couch.

"F, what is this about? Bakit mo kami tinawag?" pag-iiba niya ng usapan, tinatapos na ang kakulitan ng pinsan.

I stretched my hand and stroked the moist that's around the glass. "May idea ba kayo kung sino ang gustong kumilala sa 'kin?"

"'Kumilala' is such a heavy term," she pointed out. "Wala bang sinasabi sina tita sa 'yo kung sino 'yon?"

I shook my head. "Wala. Kapag tinatanong ko sila kung kailan ko pwedeng makilala, ang sagot nila, 'it's not yet the time.' Gano'n din sagot nina lola..."

I bit my lower lip when a suspicion arose inside of me.

I honestly wanted to risk addressing it to them, but I was too scared that they'd meddle with the judgment that had formed inside of my mind. That's why I didn't ask them anymore, so I'd be able to enjoy the anxiousness and fear in my chest.

"'La ring nabanggit sa 'kin, e," sagot naman ni Ethan.

My cousins looked clueless. I decided to drop it even though I still feel the confusion.

Pinitik ko na lang ang baso. Bahagyang umalog ang likidong nando'n.

"I want the both of you to recommend something to me," lakas-loob kong sabi, napagdesisyonan na huwag na muna pag-usapan 'yon.

Hindi ko muna pag-iisipan kung sino ang taong gustong kumilala sa 'kin. Hihintay ko na lang ang oras na sabihin nila na nakilala ko na. Ang poproblemahin ko muna ngayon ay ang pagbaling ng isipan sa kung saan-saan, gumagawa ng iba't ibang rason upang hindi na maisip pa si Cloud.

Beneath the Clouds (STATION Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon