Kabanata 35

7.3K 168 13
                                    

Kabanata 35

Ayaw

As my brother's departure drew nearer, my confusion grew, too.

I don't know why.

Dahil ba naguluhan ako? Dahil ba may pumasok na naman na ibang ideya sa utak ko?

Pinaka-ayaw ko pa naman 'yon sa sarili. Nawawala ang pokus ko. Nalilingat ang isipan ko patungo sa bagay na hindi ko naman dapat problemahin.

"Oh, you look down. Why are you sad, F?" bungad sa 'kin ni Zelle nang mag-video call. Day off raw niya ngayon kaya pwedeng makipagkwentuhan.

Her cat-shaped eyes looked worried as she looked at me.

I tilted my head as I watched the macarons to cool down. Nagpa-bake ng isang batch sa 'kin si kuya kasi hindi na raw niya matitikman ang gawa ko pagbalik niya ro'n. Medyo pihikan kasi sa pagkain. Kapag may ayaw sa nakain, hindi na raw niya susubukan.

Ang arte-arte talaga! Dahil sa kaartehan, siya tuloy ang tagaluto sa bahay. Ako naman ang tagahugas.

"May iniisip lang," sagot ko at nagpunta sa sala.

Nagbuntonghininga ako at inikot ang tingin sa paligid. Iniisip ko kung ano ang kalalagyan ko kung maiiwan akong mag-isa rito.

"Ano naman 'yan? Care to share?" she urged before she sipped from her drink.

I sighed. "I'm just wondering... kung ano ba 'yung naiwan ko na hindi ko gustong balikan."

Napakunot ang noo niya bago umiling. "I don't want to be a whistleblower pero... Madison?"

Napunta ang tingin ko sa kan'ya. "Madison?"

She grimaced before she shook her head. "Sabi na nga ba... you don't know it yet, 'no? Walang sinasabi sa 'yo kuya mo?"

Naningkit ang mata ko. "Iba ang pinagkakaabalahan ni kuya. Panigurado namang wala siyang balita r'yan."

"Or! Or! Meron, pero he chose not to tell you that kasi it will stress you out."

I chuckled humorlessly. "What's with Madison? Akala ko tapos na ang problema ko sa kan'ya?"

She stretched her neck before she groaned. May tinipa rin sa laptop, may hinahanap yata.

"Um... fresh from the oven pa 'tong chika pero..." Her grimace is back. "She's released from the rehab, information courtesy of Ethan Ishmael. And then! Si Thunder ulit ang sumundo sa kan'ya."

"So?"

"So? Ugh! Wala lang, chika ko lang. Don't you want to know any information about that crazy girl? Sinabi mo pa nga kanina, ano 'yung mga naiwan mo na hindi mo gustong balikan. Well, Madison fits that concept!"

"Hindi 'yan 'yon," saad ko.

"Then what? Who? Si Cloud?" She drew closer to the camera when I sighed. "Look, I don't know what happened between the two of you, or whatever the Q-tip did. We're not friends anymore, by the way. Pero she's heartbroken, again. Not that I care pero—"

"Sila ni Cloud, 'di ba? It was one of the issues that I left."

She puckered her lips. "Well... how do I say this? Ang gulo kasi, eh."

Bakit ba gusto ko pang pag-usapan si Cloud? I shouldn't concern myself with him, but why am I doing the exact opposite?

You're so funny, Freesia. Hindi ka pa rin talaga natututo.

"Technically, Cloud is just liability or whatever hindi ko naman 'yan alam kasi hindi ako accountant. But! He has no bearing in this. Ang main issue talaga is among Quinley, Elgene, and Brella. All right? Gets ba?"

Beneath the Clouds (STATION Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon