Kabanata 5

13.5K 455 98
                                    

Kabanata 5

Number

Umuusbong ang pamilyar na sakit sa dibdib ko sa bawat segundong ninanamnam ko ang malungkot niyang tono. Hindi ko alam kung bakit gusto kong pahirapan ang sarili tungkol sa bagay na 'yon.

I risked staring at him. I risked trying my best not to be shaken by his sad, gray eyes. But as much as I risked everything that's inside of me, I don't know why the pain that's inside him was relayed through my chest.

Pinalalaki na naman ng malulungkot niyang mga mata ang butas na nasa dibdib ko.

I let out a deep breath. "C-Can we talk somewhere? May gusto lang akong klaruhin."

Nagtagal ang tingin niya sa 'kin bago dahan-dahang tumango.

"Sige, pero 'wag mo na akong tatakbuhan." Tumawa siya ngunit may lungkot pa rin sa tono niya.

"Takbuhan?" I trailed off.

He shook his head before he chuckled.

Bumaling siya sa mga kabanda niya at nagpaalam. Kinuha ko 'yong tsansa na umuna sa paglalakad, binibigyan ang sarili ng oras para mag-isip-isip.

I mindlessly walked away from their table, the torn paper bag on my hand. Hindi ko na pinroblema pa 'yon dahil naibalik ko na sa may-ari ang jacket. Itatago ko na lang din ang sulat na ginawa ko dahil walang kwenta naman 'yon.

"Freesia!"

I stopped walking and looked at my back. Humahangos na si Cloud kaya nilapitan ko siya. Dahil sa paglapit ko ay naging klaro ang takot na nasa mata niya.

"I just walked?" I pointed out, confused about the fear that's in his eyes.

He clenched his jaw before he nodded. Tumabi siya sa 'kin at nagpakawala ng buntonghininga. Malalim yata ang iniisip dahil mariin ang pagkatititig sa harapan.

We were silent while we walked. Hindi ko alam kung saan kami papunta kaya ako na lang ang nagbigay ng direksyon.

Napadpad kami sa malawak na field kung saan may malaking puno. Malakas rin ang paghampas ng hangin kaya sinikop ko ang mahabang itim na buhok. Abala rin ako sa pagtanaw sa mga estudyanteng nasa field nang maramdaman ko ang presensiya ni Cloud sa likod ko.

Haharap na sana ako pero napigilan nang magsalita siya.

"Natakot ako..." Puno na naman ng takot ang boses niya. "You ran away from me before; something happened. Hindi ako papayag na tatakbo ka muli papalayo."

I touched my chest and felt the wild beating of my heart. The pain continued to grow, too.

"Please look at me, Freesia."

Lalong sumakit ang puso ko dahil sa tono niya. Alam kong hindi ko rin maikakaila ang katotohanang kilala niya ako noon.

"Humarap ka sa 'kin, please."

Trying my best not to look pained, I faced him.

I don't know why I expected to see a wide smile across his face, but what greeted me was his sad face. His gray eyes looked very pained, too, that's why I don't know what to act.

In the short minutes that I spent my time with him, I recognized the expressive nature of his eyes. It could effectively portray the happiness in it, but he's much better in portraying his pain and sadness.

I want to risk myself to know the reason behind it. Gusto kong isugal ang sarili ko para lang mapunan ko ang kuryosidad ko.

"Naaalala mo pa ba ako?"

Beneath the Clouds (STATION Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon