Kabanata 29

6.3K 154 9
                                    

Kabanata 29

Simula

Two years ago...

When I was a first-year college, my father was the governor of Batangas. Dahil 'yon sa utos ng mga magulang ni Daddy na tumakbo muna siya bago tuluyang lumipat sa Pampanga. Noong oras naman na 'yon ay nakatira kami nina lola sa Pampanga kaya si Daddy lang ang naiwan sa Batangas.

My brother and I used to live at my grandparents' house while we were studying. Si Mommy naman ay pabalik-balik do'n habang sinasamahan si Daddy sa Batangas.

Before the start of classes, I used to kill time by playing volleyball.

Nakapag-sign up ako sa tryouts ng Trinity noong summer dahil enrolled na ako. May naabutan din akong ilang nag-register nang pumunta ako ro'n. Nang matapos naman ang tryouts, nakapasok ako sa final selection. Nagkaroon ng daan upang maging captain ng varsity, habang si Adara naman ay naging vice captain.

"Nice game! Next time ulit," saad ng third-year college na kalaro namin.

"Nice game rin po! Thank you," saad ng kagrupo ko.

After we finished cleaning up the court, I immediately headed to the locker room. May naabutan akong nagpapalit ng damit. Nagpunas ako ng pawis sa katawan bago palitan ang pantaas. Inayos ko naman ang pagkatatali ng buhok bago ligpitin ang gamit.

I headed outside after I'm done with what I'm doing. Halos walang estudyante sa labas bukod sa mga naaabutan kong ilang lalake na may bitbit na gitara at iba't ibang instrumento.

Mga nagbabanda yata, hindi ko sigurado.

Nang makalabas sa gate habang hawak-hawak ang cellphone, bumigat ang balikat ko. Muntikan na akong mawalan nang balanse kung hindi ako inalalayan nang maayos.

"Quinley!" paninita ko nang makita siyang nakangisi.

"Hey! Nag-shower ka na ba?" Nang inamoy niya ako ay nandidiri siyang umalis. "Yuck! Hindi pala dapat kita inakbayan. You're smelly!"

I laughed at her and walked towards the waiting shed. Doon ko hihintayin ang susundo sa 'kin. Hindi rin naman mainit ang tirik ng araw doon dahil makulimlim na. Lumalamig na rin ang simoy ng hangin.

"Why are you here? Hindi ka naman taga-Trinity," saad ko habang naglalakad.

She walked beside me. "Kilala ako ni kuya guard! At tsaka, galing ako sa coffee shop kasi may mineet ako ro'n. Wala rin namang tao sa bahay tapos sinabi mong nandito ka kaya nagpahatid na lang ako rito."

Tahimik akong tumango at umupo na sa waiting shed. Dumistansiya siya sa 'kin, kunyari ay nandidiri sa amoy ko.

Tinawanan ko na lang siya.

"What's that?" I asked when she handed me a ticket.

"Ticket, of course!"

Nangunot ang noo ko. "Freshmen night?"

She nodded enthusiastically. "Yeah, sa Friday na!"

Itinagilid ko ang ulo, nagtataka. "Are you asking me to come with you?"

Nagningning ang mata niya. "Yes, please? Nando'n kasi 'yung crush ko—si Elg."

"Elg?"

Tumango ulit siya. "Elg! Elgene Donovan. Taga-Trinity siya, hindi mo kilala? Lately ko lang narinig 'yung tungkol sa band nila, STATION."

Tumango ako, kunyari ay interesado. "Ah..."

Inalog niya ako. "So, please, please, please? Samahan mo na 'ko, Freesia. Dali na! Once lang 'to, promise."

Beneath the Clouds (STATION Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon