Kabanata 21

7.7K 206 7
                                    

Kabanata 21

Wala

Ilang araw pagkatapos ng party ay hindi ko pa ulit nakikita si Cloud. Hindi rin siya pumapasok sa kaisa-isang course na pareho kami.

Wala naman din daw alam sina Quinley at Zelle nang magtanong ako sa kanila. Wala rin daw alam ang mga kabanda niya.

I was worried about him, but I couldn't do anything but text him. Nakapag-reply naman siya ng isang text ko. Sinabi niya na inaayos niya raw ang problema kay Kuya Thunder kaya hindi niya muna ako masasamahan. Pero kahit na wala raw siya sa tabi ko, mapoprotektahan pa rin ako dahil hawak nila ang taong gustong manakit sa 'kin.

I don't get it when he said that. I think there's an internal issue that's going between them. Malaki ang involvement ni Cloud. Malaki rin ang involvement ni Kuya Thunder kaya pakiramdam ko napakalaking isyu 'to.

But what is it about? I want to find reasons for it, but I don't know where to start.

I know that the woman I met back then was involved in this. Kasama siya ni Kuya Thunder na siyang involved din sa issue ni Cloud. Ang hindi ko lang alam ay kung gaano kalaki ang involvement ng babae sa isyung 'to.

Gusto ko nang malaman para matapos na ang paghihirap ko.

Sighing, I fixed the ponytail and jogged towards the court. Sa iba ko muna ibabaling ang atensyon dahil nararamdaman ko na naman ang kaonting pananakit ng ulo.

We warmed up for half an hour before we proceeded to the routines.

Pinractice rin ang pag-spike, pag-serve, pag-receive, at sa pagiging libero. Sa pag-spike ko nga lang talaga itinuon ang atensyon ko dahil iba ang pakiramdam ng kamay ko nang hinampas ko ang bola.

Kakaiba sa pakiramdam, ipinaaalala na madalas ko 'tong ginagawa noon.

I know what I signed up for when I decided to join Trinity's volleyball varsity. I know the risk that I'm taking as I involve myself in this matter.

Malaki ang tsansa na maibalik nito ang memorya ko. Malaki rin ang tsansa na mawala nito ang memorya ko dahil sa stress na dadalhin.

I'm gambling on a fifty-fifty chance, but I don't care. I chose to risk this that's why I'm going to live it.

Why am I so obsessed with risks anyway? It's because it gives me a sense of control in a way that I can be innovative with what I think. The probability of being happy after waves of anxiousness and fear gives me a sense of control.

When it comes to volleyball, I can risk my position to predict where the ball is—anxiety and fear. When it lands on my hand with a successful receive—happiness.

If it doesn't, it gives me another reason to risk my position, again.

That's why it's never-ending. That's why taking risks unconsciously became my drug.

I don't mind. It makes me, me.

I just hope that I won't lose all that I've risked for.

"Fuentabella, sa linya ka ng mga server."

Humugot ako ng malalim na hininga, handa nang umapila. Pero nang mapansin ko ang mapanantiyang tingin, hinahamon ako sa bagay na hindi ko gusto, natutop ang bibig ko.

Dumiretso na lang ako sa mga linya ng server, iniisip kung paano ko pababalikin ang memorya.

I don't want to be a server. Gusto kong maging spiker!

I hope that this server position would be only for today.

The next trainings proved me wrong. Gano'n pa rin ang posisyon ko—server. At kahit na labag sa loob ko, sinusunod ko pa rin ang mga trainings na ginagawa para sa 'kin.

Beneath the Clouds (STATION Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon