Kabanata 34
Rason
We justify a lot of things.
Gusto nating tumaas ang grado dahil ang rason natin, makatutulong ito kapag nagtatrabaho na. Mabibigyan ng iba't ibang oportunidad pagka-graduate at gaganda rin ang buhay.
Ngunit kung mababa naman ang grado, irarason natin na hindi 'yon ang makapagdedepina sa kakayahan. Ang katwiran natin, hindi lang sa mga simpleng numero nakabase ang lahat. Maitatawid pa rin naman ang buhay kahit na hindi nakamit ang pinakahahangad. Mabibigyan din naman ng oportunidad, nasa tao nga lang kung paano gagawan ng paraan.
Gusto nating magpakasipag pero tinatamad tayo. Bakit? Kasi walang motibasyon para gawin ang isang bagay.
Tinatamad tayo pero gusto nating maging masipag. Hindi natin magawa-gawa kasi ang hirap-hirap lang talaga ng buhay. Ano pa ba ang magagawa ko kun'di humilata sa kama, hindi makahinga nang maayos?
Wala namang problema kung hahanapan ng katwiran at rason ang lahat ng bagay. Hindi naman no'n ipinahihiwatig na ang isang tao ay puno ng pangangatwiran dahil ang katotohanan, ang mundo ay binuo ng rason. Ng eksplanasyon. Ng katwiran.
Bakit bilog ang mundo? Bakit pula ang kulay ng dugo? Bakit panis ang pagkain?
Ang lahat ng katanungan sa mundo ay may sagot, at kadalasan, nairarason nang maayos at epektibo ang sagot. Kung hindi naman, siguro ay dahil hindi pa natutuklasan kaya depende na lang sa pang-uunawa.
Pero hanggang kailan ba dapat unawain ang lahat ng rason na nasa harapan? Pwede bang balewalain na lang muna ang naririnig mula sa sinasabi nila? Nakapapagod kasing intindihin ang rason na sinasabi nila.
Nakauubos ng tiwala sa sarili. Nakauubos ng pasensiya at oras.
Pwede bang kapag sinabihan ako tungkol sa isang bagay, tanggapin ko na lang? Ang hirap naman ng gano'n ngunit mas mapadadali ang buhay.
Ano ba ang pakiramdam ng isang taong hindi na nanghihingi ng rason tungkol sa bagay-bagay? Hindi naman masasabing tanga ang taong 'yon. Maaaring pagod na talaga siya magtanong pa, o 'di kaya'y alam na ang sagot at gusto lang marinig ang opinyon ng iba.
Sa dinami-rami ng mga bagay sa mundo, paano nga ba malalaman kung alin dapat ang hanapan ng rason?
"Kakain na," dinig kong sabi ni Kuya Niel.
Tumayo ako mula sa pagkauupo sa sala. Inilapag ko ang hawak na cookbook at dumiretso sa kusina.
"Luto na, kuya?"
Tumango siya habang tinatanggal ang pulang apron. "Wala ka bang pasok sa café?"
Umiling ako habang kumukuha ng kanin at binagoongan. Hindi pa rin daw kasi siya sanay sa pagkain ng Germany kahit na ilang taon na siya rito.
"Nakipag-swap ng araw si Hannah. Bukas daw siya hindi available."
"Buti pumayag manager," komento niya, ang mata ay nasa pagkain na niluto niya.
I shrugged and started to eat on my plate. Siya naman ay may kinuha pang juice sa ref bago magsimulang kumain.
My life in Germany had always been like this.
I graduated as a cum laude from HRM a few years ago. Nakapagmartsa rin ako sa stage dahil pinayagan ako nina Mommy. Nagpadala nga lang ng ilang bodyguards na hindi naman bago sa paningin. Base sa kwento ni Zelle, ilan sa mga anak ng politiko ay nagpadala na rin ng bodyguards pagkatapos ng nangyari.
Luckily, Cloud and I didn't cross paths. Nakita ko siyang umakyat ng stage ngunit hindi ko sigurado kung pinagtuonan niya ako ng pansin nang umakyat. Cum laude rin siya at kasama ang mga magulang nang umakyat sa stage. Hindi ko nakita si Kuya Thunder, siguro ay abala.
BINABASA MO ANG
Beneath the Clouds (STATION Series #1)
Romance"Look at the sky and remember me." Yearning had always filled the heart of Freesia Fuentabella. Ever since she returned to her hometown to continue her studies, she felt the place had more to offer, particularly for her memories. Backed by longing...