Kabanata 26

7.3K 181 18
                                    

Kabanata 26

Sakit

Madilim ang paligid. Malawak ang pwestong kinaroroonan ko, parang walang katapusan dahil sa pagbalot sa katawan ko. May liwanag din sa dulo ngunit tinitigan ko lang ang daan patungo ro'n.

I looked around even more and saw no hints of light aside from the one at the end of the path. Katulad kanina ay dinaanan ko lang ng tingin at naglakad papalayo.

I'm tired. I don't want to face whatever's going on right now.

Naglakad ulit ako at may nakitang memorya sa isang gilid.

Mula 'yon sa pinuntahan namin ni Cloud na Concrete Wall Exhibit, ang unang beses na inimprenta ang kamay sa slab ng konkreto.

May humaplos sa puso ko habang tinitingnan ang malabong memoryang 'yon. Nang makita ko ang pagngiti ng dating memorya ay humapdi ang dibdib ko, ipinahihiwatig na nanghihinayang sa nangyari.

Sunod ay ang ilang gigs na pinupuntahan ko tuwing tumutugtog ang STATION.

Hindi ko mamukhaan kung sino ang madalas kong kasama dahil kay Cloud lang nakatuon ang atensyon ko. Lumapit din siya sa 'kin at hinalikan ako sa pisngi. Ngumiti rin bago balutin ako sa mahigpit na yakap.

Malabo ring nagpakita ang eksena ng mga araw na kasama ko si Cloud. Nagpunta kami sa iba't ibang lugar. Ilan din ang mga memoryang 'yon kaya napansin ko na madalas din kaming lumabas.

Humugot ako ng malalim na hininga nang manikip ulit ang dibdib ko. Umaamba na naman ang luha sa mata na sinasabayan ng pananakit ng lalamunan. Nagbabara na naman ang ilong ko.

Naglakad pa muli ako at nadaanan ang ilang memorya—mga oras na naglalaro ng volleyball, ang pagsama kina Zelle at Quinley sa university, ang pag-aaral sa mga classroom, at ang pag-iyak tuwing nahihirapan sa isang course...

Wala akong ibang naramdaman kung hindi panghihinayang.

May parte sa 'kin na gusto nang bitiwan ang mga memorya. Alam kong ilang beses ko na 'yong sinasabi sa sarili at naghahanap lang ako ng rason para kumapit.

Mukha namang wala akong maririnig na rason dito kaya...

Nilingon ko ang pinagmumulan ng liwanag nang may tumawag sa pangalan ko. Masyadong mahina sa pandinig kaya pinigilan ko muna ang hininga, sinusubukang marinig kahit ang pinakamahinang bulong.

"Balik ka na..."

Babalik... pwede bang huwag na? Napapagod na 'ko.

May narinig ulit akong pagtawag ngunit binalewala ko na lang.

Naglakad ulit ako papalayo, ang liwanag ay unti-unting nawawala. Patuloy kong tinalikuran ang reyalidad habang nilulunod ko ang sarili sa panaginip. Dahil sa panaginip, maliit ang tsansang masaktan ako dahil sa nangyayari.

Kung masaktan man, hindi ako pisikal na masasaktan...

Sa memorya nga lang.

Natigilan ako sa paglalakad nang may maaninag 'di kalayuan.

Naramdaman ko na naman ang malakas na pagtibok ng puso.

Ang pamilyar na kaba sa dibdib. Ang pagmamahal na humaplos sa katawan. Ang paghigit ng hapdi sa mata. Ang paninikip ng lalamunan dahil sa memoryang hindi na naman matandaan.

Dahan-dahan akong naglakad, ang mata ay naniningkit habang minimukhaan ang lugar na nasa kalayuan. May kaonting pag-asa sa dibdib na sa paglapit ay maging klaro kumpara sa mga nakaraang memorya. Binabalewala na ang kagustuhang isugal ang sarili kun'di ibenta ang sarili sa takot.

Beneath the Clouds (STATION Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon