Kabanata 20

9.3K 225 22
                                    

Kabanata 20

Date

I was unable to focus while I'm preparing for the gala. Nakakain naman ako bago ayusan pero ang isipan ko ay napunta sa kung saan. Muntik na rin akong mamali ng mapuntahang room number na nakareserba para sa 'min.

Alas tres ng hapon dumating ang gown kasama sina Mommy at isang makeup artist na family friend daw. Aattend na rin daw sina Kuya Daniel at si Daddy pero hindi sila sasabay sa 'min. Mamaya raw sila darating dahil may inaayos pa.

"Hija, how are you?" bungad sa 'kin ng makeup artist at nakipagbeso.

I tried my best to smile at her before I hugged her back.

Humiwalay ako sa pagkayayakap at inayos ang pagkatatali ng roba. "Ayos lang po."

"Kumain ka na, anak?"

Tumango ako at umupo sa makeup seat na itinuro sa 'kin. "Opo, kanina pa po. Kayo po ba?"

"Oo, kumain na kami noong sinundo ko si Cecil."

Nakuha na ni Tita Cecil ang atensyon ko dahil sinisimulan na niya akong ayusan. Inuna niya ang pag-clip ng buhok ko.

"Si Cloud ba ang escort mo?" tanong ni Mommy.

Nahihiya akong tumango. "Opo."

She nodded, satisfied with my answer. Pagkatapos no'n ay may inasikaso sa cellphone niya.

"I like you dress, hija. Pina-customize mo ba 'yon?" panimula ni Tita Cecil habang nilalagyan ng primer ang mukha ko.

"Magpapa-customize po sana pero naubusan na po kami ng time. Naghanap na lang po ako ng ready-made gown tapos pina-fit sa size ko."

She smiled at me. "Naku! Sisiguraduhin kong ikaw ang pinakamaganda sa gala. Makukuha mo ang atensyon ng lahat ng mga ka-edaran mong anak ng politiko!"

I smiled at her, skeptical because of what she said.

Nawalan ako ng rason para magustuhan ang sinabi niya. Nagbigay lang 'yon ng kaba.

Tita Cecil worked on my face for an hour or so. She switched from brushes to brushes. She also used different makeup brands to envision what she has in mind on my skin. Pinapipikit din ako tuwing nilalagyan ng eyeliner at fake eyelashes.

In the middle of putting on the fake lashes, my phone vibrated. Hindi ko matingnan ang notification na nando'n dahil tinutuyo pa ang glue sa talukap ng mata ko. Dahil do'n ay naging sunod-sunod ang pag-vibrate hanggang sa marinig ko ang tunog ng pagtawag.

"Hija, sasagutin ko ang tawag para sa 'yo," saad ni Tita Cecil. Naramdaman kong may pinindot siya sa cellphone ko. Pagkatapos no'n ay inilagay ko na sa tenga.

"Hello?"

Bumungad sa 'kin ang tunog ng blower. Hindi ko ma-recognize kung sino ang tumawag hanggang sa marinig ko ang background music.

Toothbrush by DNCE.

It's my cousin, Zelle.

"F! Hello! OMG! 'Di makapupunta si Quin?"

I sighed and decided to scold her. "Naka-replay na naman ang favorite music mo? Hindi ba naririndi makeup artist mo?"

She chuckled. "I love DNCE so of course it's on repeat!"

Kinanta niya ang lyrics ng Toothbrush pagkatapos.

Tumawa ako. "Tumawag ka lang ba para kumanta?"

"Well, half-half! Pero gusto ko rin mag-ask about E. Attend ba siya? And anong room number mo?"

"Ethan?" Umayos ako ng upo habang inaayos na ang buhok ko. "I'm not sure if he's going to attend. At tsaka, hindi naman interesado si Ethan sa business nina Tito Redentor, 'di ba?"

Beneath the Clouds (STATION Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon