Kabanata 11

10.1K 284 39
                                    

Kabanata 11

Pagkilala

I heard some shouts. The place seemed to be in chaos. Someone panicked from afar.

May papalapit ding babae sa 'kin, ang mukha ay hindi ko maaninag. Nakasuot siya ng varsity uniform mula sa isang university. Nakapuyod ang kan'yang buhok at may katangkaran. Ramdam na ramdam ko ang galit sa kan'ya habang nagsasalita. Parang may ipinamumukhang bagay na hindi ko alam.

May ipinakita siya sa 'kin, isang bilog na bagay. Bago ko pa makumpirma kung ano 'yon, naidilat ko na ang mata.

I silently stared at the ceiling and tried my best to remember what was in my mind. It was a sudden memory, a very hazy one. At alam kong kahit anong titig ang gawin ko sa kisame, unti-unti na namang nawala sa isipan ko.

What was that? Ang bilis niyang mawala sa memorya ko. Nanghihinayang ako.

When can I trigger it again?

Nagbuntonghininga ako at inikot ang mata sa paligid.

Nasa ospital pala ako. Siguro ay dinala ako nina lola dahil sa nangyari sa 'kin.

This is bad... I've been stressed too much.

Natigilan ako nang mahuli ko ang abong mata ni Cloud na nakatingin sa 'kin, nag-aalala.

"Freesia—"

"I think I know you..." panimula ko, malakas ang tibok ng puso. "Were you part of my past?"

Nanatili ang titig niya sa 'kin, nagdadalawang-isip kung sasagot. Pansin ko rin ang pag-aalanganin niya habang sunod-sunod ang paglunok. Nanginginig din ang kamay bago dahan-dahang lumapit sa 'kin at inokupa ang upuan sa tabi ko.

"P-Pwede ko bang... hawakan kamay mo, Freesia?"

Tumango ako at umupo mula sa pagkahihiga. Inalalayan niya ako bago humingi muli ng permiso upang hawakan ang kamay ko.

I stared at our hands and felt a familiar feeling in my chest. Ang butas na namuo sa dibdib ay biglang napunan. Hindi na ulit siya mabigat sa pakiramdam.

"Anong..." He sighed. "Okay ka lang ba, Freesia?"

I stroked his hand. He froze. "There's a hollow feeling in my chest..."

"Bakit?"

I met his stare—it was soulful. "I dreamt of something... kaso nawala agad sa isipan ko. I think it's part of my past."

"Ano ang naaalala mo?"

"Wala." Nagbuntonghininga ako. "It's sad, Cloud. Wala akong maalala sa nakaraan ko..."

Saglit akong natawa at tinagpo ang tingin niya. Nararamdaman ko na naman ang paghila no'n sa kaluluwa ko.

"Were you a part of my past? Nakikita ko ang mata mo sa panaginip ko..."

Pumungay ang mata niya. "Akala ko hindi mo maalala panaginip mo kanina?"

Nag-iwas ako ng tingin, ang dibdib ay unti-unti na namang bumibigat. "Madalas ko namang napapanaginipan ang mata mo. It hurts me because the gray eyes in my dream looked jolly, while yours... was sad."

I had a judgment in my mind, but I don't want to risk acknowledging it.

Gusto ko pang damhin hanggang sa pinakamalakas na lebel para mawala na ang kuryosidad ko—kuryosidad na ano kaya ang mararamdaman ko kung sagaran na ang pangamba at takot ko? Mapipigilan ko na ba ang kagustuhan kong isugal ang lahat ng mga bagay? O magpalalala lang 'yon?

Gustong-gusto kong malaman...

"Lahat tayo may nakaraan, pero 'di tayo sigurado kung naging parte ba talaga tayo ng nakaraan ng ibang tao o hindi," saad niya.

Beneath the Clouds (STATION Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon