Kabanata 40

9.8K 163 25
                                    

Kabanata 40

Yacht

Naalimpungatan ako dahil sa ngalay sa leeg. Naramdaman ko rin ang hapdi sa paa at kamay na mistulang nakagapos. Ngalay na ngalay rin ang balikat ko dahil nakatali yata 'yon sa likod.

Ang naalimpungatan kong wisyo ay nagulat nang gumalaw ang kinalalagyan. Nanlaki ang mata ko at mabilis na inikot ang tingin sa paligid. Naningkit ako sa liwanag na nanggagaling sa maliit na bintana hanggang sa malamang nasa isang barko ako.

Is this even a ship? I think it's a yacht.

I squirmed under the tight rope on my hands and feet. It gave me nothing but red marks.

Ang higpit ng pagkatatali sa 'kin!

I groaned when I felt the numbness in my back and my thighs. Gustong-gusto kong makagalaw nang malaya para maibsan ang pangangalay ng katawan!

Pinabanayad ko ang paghinga habang pinakikiramdaman ang paligid. Mukhang medyo malakas ang hampas ng alon, o baka lumalakas dahil umaandar ang yate. Nararamdaman ko rin ang bahagyang ugong kaya nakumpirma ko ang hinuha ko.

Mariin kong ipinikit ang mata, sinusubukang isipin kung ano ang nangyari.

The victory party. Cloud's injured arm. The chaos and the pushing of the bodies. A man with his suit. Trojan Mondejar and...

Gone.

Ilang araw na ba akong nandito? Maliwanag na rin sa labas kaya masasabing ilang oras na akong hostage nina Madison.

I mentally scolded myself when I realized that a small part of being a risk-taker was still there.

Bwisit. Akala ko ba naalis ko na 'yon sa ugali't galaw ko? Nando'n pa rin pala kahit na sabihin kong gusto ko lang iligtas sina Cloud!

I just hope that they won't search for me anymore. Hayaan na nila ako rito para hindi na sila malunod ng responsibilidad na nagngangalang Freesia!

The door swung open revealing a tall man. Ang sinag ng araw ay nasa likod niya kaya hindi klaro sa 'kin ang mukha niya. Nang tuluyang makapasok at maisara ang pinto ay tsaka lang ako naliwanagan.

Thunder Brenner.

His eyes make me shudder by just a glance.

Kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin. Hindi nga lang nakalagpas sa paningin ko ang tiim-bagang niyang paglapit sa 'kin, ang kalkuladong mga hakbang, at ang maiksing tikhim nang makapunta sa harapan ko.

Ibinaba ko ang tingin sa semento at sa paang namumula.

"Kuya Thunder," I murmured when he stopped in front of me. Nilakasan ko ang loob upang tagpuin ang tingin niya. Lalo ko pang nilakasan nang maintinmida dahil sa igting na panga at madilim na abong mga mata.

Ibang-iba talaga ang dating niya kay Cloud. Mas gugustuhin ko ang kay Cloud dahil kahit papaano'y may laman ang mga mata niya.

Kay Kuya Thunder naman ay parang may barikada.

Hinding-hindi mabasa. Hinding-hindi rin matitibag. Kaya nakatatakot makipag-usap sa kan'ya.

"Nasaan ako?"

"You're at my private yacht," tipid niyang sagot, ang tono ay nagpahihiwatig na hindi niya gusto rito.

"Why?"

How he acted made it look as if he doesn't like being here. Mukha siyang isang tao na wala nang pagpipilian pa.

"If you own this yacht, then shouldn't you be the one who's piloting this? O may kasama ka pang iba, kuya?"

Beneath the Clouds (STATION Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon