Kabanata 27

7.6K 180 13
                                    

Kabanata 27

Kaibahan

"Love."

Nanatili akong nakatungo habang ang kamay ay nakahawak sa dibdib. Masyado pa ring masakit 'yon dahil ang maliit na butas ay lumaki na. Kung dati ay napupunan pa ng paonti-onting pangangalaga, ngayon ay hindi na.

Wala nang tsansa pa.

"What are you doing?"

Lalo akong napahagulgol dahil sa pag-aalala na nasa boses ni Cloud.

Niyakap ko lalo ang sarili, inilalapit ang tuhod sa dibdib at inub-ob ang mukha ro'n. Naramdaman ko naman ang paglapit ni Cloud, ibinabalot ang braso sa likuran ko.

"Love..." tawag niya ulit, ang boses ay nagsusumamo na.

Wala akong ibang ginawa kun'di umiyak, inaasahan na mapagagaan no'n ang dibdib ko.

Inaasahan! Puro na lang pag-asa.

Kailan ba ako gagawa ng paraan?

"Cloud... bakit kahit anong tago ko sa totoo, iyon naman ang pagpapakita sa 'kin?"

Tinagpo ko ang tingin niya.

Nagbuntonghininga siya at niyakap ako nang mahigpit.

Naramdaman ko ang init niya sa noo ko, bahagya akong pinakakalma.

"Kasi—"

"S-Si Madison..." Natigilan siya. "S-Si Madison, hindi ba? Ang may gawa nito sa 'kin."

Nagbaba siya ng tingin.

Napaiyak ulit ako dahil sa bigat ng dibdib.

Napuno ako ng iba't ibang emosyon. Sa sobrang dami ay hindi ko na alam kung paano papangalanan pa. Wala rin namang rason sa presensiya nila ro'n kaya pwede bang umalis na sila?

Ang sakit na kasi sa dibdib. Hindi ko na kaya pang itago ro'n dahil baka umapaw na.

"Sorry... Sorry, love, s-sorry..." Pumiyok ang boses niya sa dulo. Sumunod ay ang pag-iyak, ang tono ng hinagpis at pagsisisi.

Bakit ba nangyari sa 'min 'to? Bakit pinahihirapan kami nang ganito? Wala naman kaming ginawa kay Madison. Labas kami sa galit niya kaya bakit kailangan niyang mandamay?

"Ako ang may kasalanan nito. Ako ang may kasalanan ng lahat kaya—"

"Kaya tapusin na natin 'to."

Humikbi ako dahil sa panibagong kirot sa dibdib.

Dahan-dahan ko siyang itinulak paalis. "T-Tapusin na natin 'to, Cloud. Hindi ko na kaya."

He looked at me, pained and confused.

Nakaawang ang bibig habang ang mata ay pulang-pula dahil sa pag-iyak. Iritable rin ang pisngi at ilong na kumokontra sa moreno niyang balat.

"L-Love..."

Umiling ako. "A-Ang sakit-sakit na kasi... bakit hindi mo man lang sinabi sa 'kin? You didn't even tell me about Madison... why? Kaya ko namang umintindi pero hindi ka nagtiwala sa 'kin!"

Hinawakan niya ang kamay ko. "Freesia, ang dami-daming beses na gusto kong bumitiw pero hindi ko ginawa. Kumapit ako, eh. Kumapit ako kasi mahal kita pero bakit? Kulang pa ba ang ginawa ko?"

Suminghap ako, nasasaktan. "Sobra na..."

Natigilan siya.

"Sobra-sobra na, Cloud. Sobra-sobra ka nang nagsakripisyo k-kaya—"

Beneath the Clouds (STATION Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon