Kabanata 4
Table
Sa paggala sa Trinity ay hindi ko maiwasang makaramdam ng pangungulila sa dibdib. Pilit ko mang alisin sa dibdib, hindi ko magawa-gawa.
Kaya hinayaan ko na lang.
Humugot ako ng malalim na hininga nang makarating sa classroom. Pinihit ko pabukas ang pinto at sinalubong ng malamig na aircon. Nang makapasok naman ako sa loob ay pansin ko ang mapanuring tingin ng iba sa 'kin. Ang iba naman ay nginitian ako at nagdadalawang-isip kung babatiin ako o hindi.
Nilagpasan ko na lang sila dahil hindi ko naman sila kilala. Kumuha na lang ako ng pwesto at inilabas ang cellphone, doon ibinabaling ang atensyon upang hindi na problemahin pa ang tingin nila.
Zelle:
Cous! We're at the same university! I'll try to find you later!!!
Ako:
Okay
Hanapin ka rin namin ni Quin
The professor arrived after a few more minutes. Ang ibang mga kasama ko sa classroom ay bumalik na sa maayos na pwesto. Ang iba ay kinausap pa ang isa't isa bago manahimik.
Mula sa gilid ng mata ko ay may nakita akong nag-okupa sa katabing upuan ko. Inayos niya muna ang gamit bago bumaling sa 'kin, nakangiti.
"Hey, I'm Maxinne! And you are?" tanong niya habang ang kamay ay nakalahad.
Maxinne...
What's her surname? I'd like to ask.
"I'm Freesia," pagpapakilala ko at tinanggap ang kamay niya. Binitiwan ko na rin pagkatapos dahil bumaling na ako sa professor.
"So... you're new here? Transferee?"
I nodded. "Yes, I'm new here."
"Sa'n ka galing?"
"From Batangas. De La Salle Lipa."
Her mouth formed an 'O'. Akala ko ay matatahimik na siya dahil nagsisimula nang magsalita ang professor sa harapan pero nagpatuloy pa siya.
"Are you a varsity of volleyball?"
Naningkit ang mata ko nang mapalingon sa kan'ya. May ekpresyon siya sa mata na hindi ko maintindihan.
"Oo. Dati. Sa La Salle."
She nodded. "Do you plan to join the tryouts?"
"Are you a recruiter?" balik ko sa kan'ya, naguguluhan at bahagyang naiirita na.
Mabilis siyang umiling. "Ah... hindi naman. Medyo interested lang sa mga transferees."
Weird.
"I have plans," sagot ko na lang.
Hindi na siya umimik pagkatapos. Tahimik ko 'yong ipinagpasalamat dahil makapag-fo-focus na ako sa pakikinig sa professor.
The orientation went for a few more minutes before it ended. He left the classroom after a short goodbye. Nang magsitayuan na ang mga estudyante ay tumayo na rin ako.
Sakto namang nakatanggap akong text message mula sa cellphone kaya binasa ko ang laman no'n.
Quinley:
Where are you?
Nasa cafeteria kami nina elg, zelle's here too
I slid the phone into my bag and didn't bother myself to reply.
BINABASA MO ANG
Beneath the Clouds (STATION Series #1)
Romance"Look at the sky and remember me." Yearning had always filled the heart of Freesia Fuentabella. Ever since she returned to her hometown to continue her studies, she felt the place had more to offer, particularly for her memories. Backed by longing...