Kabanata 9
Boses
Sunod-sunod na ang pagdating ng mga tao. Umingay ang paligid dahil sa pagdating nila, isama pa na medyo malakas ang tunog na lumalabas mula sa speakers.
I let out a sigh to relax my tensed shoulders.
"Ms. Fuentabella, is everything going well? There are five minutes left before it starts," bungad ng professor nang lumapit siya sa 'kin.
I smiled at him and nodded. "Yes po, Sir. Wala naman pong problema. Na-check ko na po ang dapat i-check."
He smiled at me. "Okay. Good luck! I'll see you all in our next class. Pakisabi na lang sa mga classmates mo."
Ibinaling ko ang buong atensyon sa venue nang umalis ang professor. Nakita ko ang pag-akyat ng dalawang MassCom students sa stage, naghahanda na para simulan ang event.
Nakaramdam ako ng pagtapik sa balikat. Lumingon ako at nakita ang isang MassCom student base sa ID lace na suot.
"Yes?"
"Hi! Sorry to intrude. I'm Maicah, a MassCom student. I want to ask you a simple question regarding the event, particularly the food. Sabi nila sa 'yo raw ako magtanong. You're acting as the one who oversees the system, right? Freesia, wasn't it?"
"Yes, I'm Freesia. Sure."
She smiled. "Isa lang 'to. Is there a problem about the food? Pinapagawa kasi kami ng article regarding this."
I stopped for a while to think.
From what I have checked, the flow of the food is continuous. Wala pang problema tungkol do'n kaya sana ay magpatuloy pa. Kung magkaroroon man, baka sa dami ng mga pagkaing ise-serve.
"Sine-serve na 'yung mga appetizers. Hindi naman din naituloy ang plano tungkol sa heavy meals kaya puro appetizers ang sine-serve. For the desserts, it will be served after the third band."
She nodded as she wrote down what I said.
"No problems?" Umiling ako. "At all?"
"I hope nothing would arise," nakangiti kong sabi.
She beamed me another smile. "Okay, thank you so much!"
"Um, pwede ba akong magtanong?" tanong ko bago siya umalis.
"Yes, what is it?"
"May idea ka ba kung bakit Battle of the Bands ang tawag? Gano'n din nakalagay sa ticket, eh. Ang dinig ko naman, parang gig lang siya ng iba't ibang banda for publicity?" tanong ko dahil wala ring ideya sina Zelle at Quinley tungkol dito.
She chuckled before she scratched her head. "Actually, 'yung mga advertising students nag-organize nito. Gig lang talaga siya, you're right. The Battle of the Bands was just for advertising so other people would watch the new bands."
My mouth formed an 'O' as I nodded. "Oh, I see. Thank you!"
"No problem."
Nagpaalam na siya kaya ibinalik ko muli ang atensyon sa stage. Katatapos lang magsalita ng emcee kaya umakyat na ang isang banda.
Sabi ni Cloud tutugtog daw sila. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung ano ang posisyon niya sa banda. Ang nabanggit lang ni Elgene ay gitara ni Cloud, wala siyang partikular na sinabi kung bass or electric ba 'yon. Kung makikita ko rin naman na bitbit niya ang instrumento, wala rin naman akong ideya kung ano ang tawag dahil hindi ko kabisado ang itsura.
I couldn't help wondering what type of songs they play. Rock or rock ballad? Indie? Pop? Chill?
Do they head bang when they play?
BINABASA MO ANG
Beneath the Clouds (STATION Series #1)
Romance"Look at the sky and remember me." Yearning had always filled the heart of Freesia Fuentabella. Ever since she returned to her hometown to continue her studies, she felt the place had more to offer, particularly for her memories. Backed by longing...