Wakas

16.9K 290 47
                                    

Thank you so much for giving this story a try! Maraming-maraming salamat sa inyong suporta. Mahal na mahal ko kayong lahat.

Wakas

Kung may taong walking encyclopedia, hindi ako 'yon.

Kung may taong walking dictionary, hindi rin ako 'yon.

At kung may taong naglalakad, s'yempre ako 'yon kasi hindi pa naman ako lumpo (okay lang, hindi ko naman idol si Apolinario Mabini).

Hindi naman sa shine-shade ko 'yung isa sa pambansang bayani ng bansa kasi hindi naman siya coloring book para shade-an. Hindi rin naman siya sketch o kaya box para fill in the...

Box.

Ang point ko lang, lahat ng bagay ay may punto. At hindi ako bagay—tao ako, kaya given na wala akong punto.

Kasi tao ako! At ang mga tao, wala talagang punto unless iba diyalekto mo!

Sasabihin nila, wala raw akong sense. Bakit naman ako mawawalan ng sense e kumpleto naman five senses ko?

Minsan hindi ko talaga ma-gets mga tao pati 'yung IQ nila. Masyado yatang mababa, e. 'Di ma-reach 'yung level ng humor ko.

Tsk. Tsk. Tsk.

'Di pwede 'yan, mga dude pare chong.

"Ano raw? Arson?"

Nagpintig tenga ko. "Arson? Ayan ba kapag kinidnap ka? Kidnap for arson?"

Blanko lang akong tiningnan ni Yuan.

Okay lang. Sanay naman ako. Para naman siyang bond paper.

"Ransom 'yon," sabat ni Zake na pagod na pagod na sa kalokohan ko.

Sino ba namang hindi?

"Alam niyo 'di niyo talaga ma-appreciate joke ko 'no?"

Ngumiwi si Eros at napa-buntonghininga. Umiiling-iling siyang nag-highlight sa short but stout niyang libro.

Hindi ba nag-wo-workout 'yon? Ang kapal-kapal ng... tabs.

"Cloud, imbes na magliligalig ka r'yan. Tumulong ka na lang sa lyrics."

Nag-make face ako kay Sebastian na nakaupo sa kan'yang trono. Ang mixing booth.

Sumalampak ako sa kama. "Ayoko. Okay na 'ko sa bass ko."

Umilag ako nang umamba siya sa pagbato ng bote ng tubig. Tinaas ko ang unan na nasa tabi at initsa sa kan'ya. Nakailag naman kahit na tama ang asinta ko.

Sayang!

Sinalo niya ang unan at inilagay sa hita.

"Haaay. 'Wag na nga," tipid na sabi ni Seb at humarap ulit sa trono niya.

Apakasipag din ng taong 'yon. Isipin mo—sana all may isip—nagbababad sa harapan ng mixing booth niya (hindi naman swimming pool para bumabad do'n).

Nagbuntonghininga na lang ako at nag-ikot ng tingin.

Ang boring naman nila! Ang tatahimik akala mo nasa kumbento e kung tutuusin, loko-loko naman mga 'yan.

Pero, mga viewers! Dahil wala akong magawa, mang-iistorbo po tayo ng mga kasama natin sa bahay. Hindi ako si Kuya para magpaka-Big Brother, pero magiging magaling naman akong host since mas bida-bida pa ako kay Jollibee.

Si Elgene ang unang target ng aking fancam. Wala naman siyang ginagawa kasi nagdududutdot lang ng kung ano-ano sa ere. At bilang isang tao na uhaw sa atensyon, magpapapansin ako sa taong nananahimilk.

Beneath the Clouds (STATION Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon