Kabanata 33

6.5K 159 7
                                    

Kabanata 33

Gising

Present...

The familiar sight of the hospital ceiling greeted me.

Bahagya 'yong nanlalabo sa paningin ko kaya kinusot ko ang mata. Unti-unting nagliwanag ang paningin ko hanggang sa maging klaro sa 'kin na nakabalik na ako sa kasalukuyan.

Those memories... they're back.

Wala na akong nararamdamang pangungulila sa dibdib. Wala na ring paghahanap ng katanungan. At wala na rin ang kagustuhang isugal ang sarili.

It felt like I'm a different person, but the truth was, I found what was missing.

Habang nakahiga sa kama ay inikot ko ang tingin sa paligid. Mariin akong napapikit nang dumaan ang kirot sa ulo ko.

I touched it with my free hand. Naka-swero ang kabilang kamay ko kaya hindi maigalaw.

I sighed when I felt a bandage on my head. Bumalik ulit sa 'kin ang nangyari pagkatapos ng Regionals noong isang araw.

Sa pagkatatanda ko, maluwag kong tinanggap ang ibinatong bola sa 'kin ni Madison. Natamaan ang ulo ko kaya sumalampak ako sa sahig. Pagkatapos no'n ay nawalan ako ng malay.

Nang mawalan ng malay, naalala ko ang mga memoryang nakalimutan. Nalaman ko na kung paano ako nawalan ng amnesia—sa pamamagitan ng pagbato rin sa 'kin ng bola. Nawalan ako ng memorya no'n at ngayon...

Madison did it on purpose, didn't she? Binato niya ako ng bola kaya nawalan ng memorya. Ibinalik niya rin sa pamamagitan ng pagtama ng bola.

Should I be thankful of what she did to me?

Pero bakit ko ba pasasalamatan ang isang taong... baliw?

Katulad ng nakasanayan, tinawag nila ang doctor nang makitang gising na ako. Nasanay na rin akong marinig sa sinabi ng doctor na huwag daw muna akong maggagalaw-galaw. Sensitibo pa raw ako lalo na't nangyari ulit ang dati.

Everything had become familiar to me that's why I knew how to act.

Sina Mommy't Daddy lang ang nandito sa loob ng hospital room. Hindi ko alam kung nasa'n si Kuya Niel. Hindi rin naman yata nila papayagang bumisita sina lola dahil nag-aalala para sa kalusugan nila.

"Anak..." naiiyak na tawag ni Mommy bago salubungin ako ng yakap.

I patted her back using my free hand.

Humagulgol siya sa balikat ko. Nginitian ko naman si Daddy nang makitang nag-aalala siya sa 'kin.

"Okay na po ako..." saad ko, mahina ang boses.

Ang pamilyar na panunuyo ng lalamunan ay nagpahiwatig na ilang araw na akong tulog. Bahagya akong naginhawaan nang ininom ko ang tubig na inabot sa 'kin ni Daddy.

Nag-aalala akong tiningnan ni Mommy. Pansin ko ang pagod sa mata niya habang nakatingin sa 'kin. Hinahaplos niya ang mukha ko habang ang mukha niya ay punong-puno ng luha.

"A-Ano? Anong pakiramdam mo?"

Nagbuntonghininga ako at ibinalik ang baso kay Daddy. Umayos naman ako ng upo nang ni-recline ang hospital bed.

Kinagat ko ang ibabang labi at tinapik ang daliri sa hita. Pilit kong pinakakalma ang sarili nang mapuno na naman ng takot at pangamba ang dibdib.

What's this for? Akala ko ay nawala na sa 'kin 'to.

"N-Naaalala..." Napasinghap si Mommy. "Naaalala ko na po ang lahat."

She stifled a sob by covering her mouth. I don't know why she cried even more—if it was for happiness or sadness. But I knew what I'm feeling.

Beneath the Clouds (STATION Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon