Kabanata 24

7.7K 190 15
                                    

Kabanata 24

Waiting shed

"P're, ba't 'di niyo hinawakan?"

"Gago ka ba? Nagda-drugs 'yon. At tsaka, Tarquez 'yan, bobo ka ba?"

"Hindi ko na kayo iimbitahan sa susunod!" dinig kong reklamo ni Therese. Nasundan pa 'yon ng pag-angal ng ilan kaya bahagyang umingay ang paligid.

"Come on, pumunta kami rito para mag-chill!"

Nanginginig ang kamay ay dumulas ang hawak ko kay Cloud. Mabilis naman niya akong sinapo habang hinahabol ko ang hininga.

"Tangina naman..." dinig kong mura niya.

Mariin kong ipinikit ang mata habang dumidiin pa rin sa isipan ang itsura ni Madison.

Ang takot na nasa dibdib ay hindi mawala-wala. Isama pa ang mga memoryang unti-unting bumabalik, hindi ko na alam pa ang gagawin dahil sa sakit ng dibdib.

"Freesia... Freesia..." dinig na dinig ko ang alarma sa tono ni Cloud ngunit wala akong lakas upang pagtuonan 'yon ng pansin.

Sa sobrang pagod ay hindi ko na alam kung paano ko pa tutulungan ang sarili. Hindi rin ako makahinga nang maayos dahil sa iba't ibang emosyon.

Natatakot ako... sobra-sobra ang takot ko pero gusto ko pa ring malaman ang totoo. Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang nangyari. At kung mabibigyan ng pagkakataon ang sarili, kumprontahin ulit si Madison kahit sobra ang panginginig ko.

Naiiyak ako sa sari-saring inis at prustasyon sa sarili.

Wala man lang akong ibang nagawa kun'di manginig at matakot sa kan'ya!

Gusto ko lang namang makahinga nang maayos, pero bakit ang hirap-hirap gawin? Ang simple-simple no'n pero dahil sa pagdating ni Madison, naging kumplikado!

Ayaw ko na. Gusto ko nang bitiwan ang memorya ko pero nanghihinayang ako sa mga memoryang 'yon.

Ang pinagsamahan namin ni Cloud... kung paano ko siya nakilala at kung saan ko siya nakilala...

Gusto kong maalala ang lahat ng 'yon sa pinakasariwang pakiramdam. Gusto kong namnamin ang mga 'yon, magsimula sa pinakauna, at balikan ang nakaraan para maitagpi sa kasalukuyan.

Masyado na akong nahihirapan para sa 'ming dalawa. Ang dami-dami naming sinasakripisyo at natatakot ako na baka sa isang iglap, mapunta 'yon sa wala.

Bakit? Dahil kay Madison.

Si Madison na naman!

Naramdaman ko na naman ang kagustuhang umiyak. Nagpaubaya na ako dahil masyado na akong mahina upang tumanggi. Hindi ko na rin naman maiaalis ang mahapding lalamunan at ang baradong ilong dahil sa nagsisituluang mga luha.

Mahigpit akong niyakap ni Cloud kaya lalo akong naiyak. Hinaplos naman niya ang likod ko habang bumubulong-bulong.

Ayoko na rito. Gusto ko nang umalis.

"Late ka na, kuya," mapait ang tono ni Therese nang sinabi niya 'yon. Hindi ko alam kung sino ang kausap niya.

"Sorry—"

"Kuya, maawa ka naman sa 'min!" halos sumigaw na si Therese. "Napaka mo, grabe... Bakit mas pinapanigan mo 'yang si Madison? You think you're controlling her? Guess what? Hindi! So, please? Paki-ayos naman kasi hirap na hirap na kami rito, o!"

"Cloud..." tawag ko nang makaramdam ng bagong kaguluhan.

Gulo na naman? Pagod na 'ko.

"Hindi. Kailangan kong pagsabihan si kuya."

Beneath the Clouds (STATION Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon