Kabanata 15
Babae
Hindi ako makagalaw sa pwesto dahil sa takot na mawala ang emosyong namumuo sa dibdib ko. Nanatili lang akong nakatitig sa jacket, pinakikiramdaman ang tela sa ilalim ng nanginginig kong mga kamay.
Why are they identical? Pati ang placement ng patches ay gano'n din.
Humugot ako ng malalim na hininga, ang mata ay hindi pa rin maialis sa cloud at smiley patches na nando'n. Iba't ibang bagay ang tumatakbo sa isipan ko, pinatataas ang mga pangambang nasa isipan ko.
Freesia... there it is. Cloud knew you from before.
But from what year? From what timeline? Noong oras ba na bago ako lumipat sa Batangas?
Itinago ko na lang ulit ang box sa pinagkuhanan, ang mata ay nakapikit habang inilalagay sa loob. Pagkatapos ay naglinis ng katawan at humiga sa kama, sinusubukang alisin mula sa isipan.
"'Wag mong pilitin. Baka mawala."
Naalala kong sinabi sa 'kin ni Cloud 'yon noong nasa volleyball court kami. Kaya kahit anong pilit ko na huwag marinig ang boses sa tenga ko, iyon naman ang pagbulong sa 'kin, nagdadala ng nerbyos.
That's why I was unable to sleep properly that night. Iyon ang tumatakbo sa isipan ko, dahilan kung bakit hindi ako makausap nang maayos habang nasa hapagkainan. Kinukumusta pa ako ni lola habang nakaupo ako pero simpleng tango lang ang nagagawa ko.
"Freesia, apo, okay ka lang ba? Parang hindi ka yata nakatulog nang maayos kagabi..."
Nagbuntonghininga ako at ipinikit ang mata. Inabot ko ang tubig at uminom mula roon.
"May iniisip lang po..." ang tangi kong nasabi, ang utak ay pagod na pagod na.
Nagsimula na akong kumain. Mabagal nga lang ang kilos dahil sa mga bagay na iniisip.
"Nga pala, Freesia, may social gathering tayong aattendan and I'm kindly asking you to stand in for us. Babalik kasi ulit kami ng Daddy mo sa Batangas dahil may hindi pa kami natatapos do'n," saad ni Mommy, iniaabot ang invitation sa 'kin.
Tinanggap ko ang invitation at inilagay sa gilid.
"Akala ko ba ayos na kaya bumalik po kayo rito?" hindi ko mapigilang tanong nang matimbang ang mga pagkakataon.
Hindi ko alam kung bakit pabalik-balik sa Batangas sina Mommy. Wala naman silang binabanggit kung tungkol ba 'yon sa angkan na pinagmulan nila. At kung tungkol man doon, wala naman akong maramdamang problema—mga baril na nakatutok sa ulo o 'di kaya'y mga misteryosong tao na sumusunod sa 'kin.
Matagal na rin namang umalis sina Mommy sa angkan nila kaya sobrang nabawasan ang mga kalaban nila lalong-lalo na kay Daddy na dating gobernador. Wala rin naman silang mapapala kung may gagawing masama sa kanilang dalawa dahil kalat naman ang katotohanan sa likod ng pamilyang 'yon.
That's why there was no reason for them to go around.
"May... inaayos lang tungkol sa kuya mo," sagot ni Mommy pagkatapos ng katahimikan.
Tahimik akong tumango at nagpatuloy sa pagkain.
"Wala ka bang tatanungin pa, apo?"
Napunta ang tingin ko kay lola, nagtataka. "Wala naman po..."
She nodded and continued eating. "Sigurado ka bang hindi mo tatanungin ang tungkol sa gustong kumilala sa 'yo, hija?"
Binalot na naman ako ng pamilyar na pakiramdam ng pangamba at takot, itinutulak ang sarili na magtanong tungkol sa bagay na 'yon.
BINABASA MO ANG
Beneath the Clouds (STATION Series #1)
Romance"Look at the sky and remember me." Yearning had always filled the heart of Freesia Fuentabella. Ever since she returned to her hometown to continue her studies, she felt the place had more to offer, particularly for her memories. Backed by longing...