Kabanata 12

9.2K 285 36
                                    

Kabanata 12

Tutuusin

Ang tatlong katok ang pumutol sa usapan namin ni Cloud. Sumunod do'n ay ang pagbukas ng pinto, ipinakikita ang bulto ni Kuya Niel. Sa likod naman niya ay ang natitirang myembro ng STATION, nakadungaw sa 'min ni Cloud.

"Yes, kuya?"

Tumalim ang tingin niya nang lumapat kay Cloud. Umigting din ang panga sa hindi malamang dahilan.

ibinalik ko naman ang tingin kay Cloud ay gano'n din ang reaksyon niya. May pagsisisi pa nga sa mukha.

What's wrong?

"I need to go, Freesia."

He stood up from his seat and gave me a smile. Pansin ko rin kung anong pilit niya na ngumiti kahit na punong-puno ng kalungkutan ang mga mata niya.

Ibinalik ko na lang ang ngiting 'yon, sinusubukang huwag ipamukha na nangangamba ako sa mga ngiti niya.

"Okay. Ingat..."

I watched him as he passed by my brother. Hindi nakalagpas sa paningin ko ang pagsama ng tingin ni kuya sa kan'ya.

"Bye, Freesia!" dinig kong sabi ng STATION.

Nginitian ko sila at kinawayan.

Nang mawala sila sa paningin ko ay siya namang pagpasok ni kuya sa kwarto, isinasara ang pinto sa likuran niya. Inokupa niya rin ang inupuan ni Cloud bago salatin ang noo at leeg ko.

My brother looked casual with his clothes. Hindi ko alam kung saan siya nanggaling kaya gano'n ang suot niya. Hindi rin naman niya suot ang relo, senyales na trabaho ang pupuntahan niya, kaya masasabing hindi nga nanggaling sa kumpanya si kuya.

"How are you feeling, Blythe?"

"I'm fine, kuya."

Nanatili pa rin ang tingin ko sa pinto, ang ulo ay puno ng katanungan. Gustohin ko mang sabihin 'yon kay Kuya Niel, hindi ko magawa-gawa.

"Do you know them?" bigla niyang tanong, dahilan kung bakit naibalik ko ang tingin sa kan'ya.

"Know who?"

Isinandal ko ang ulo sa headboard.

"Their band—Cloud's band... kilala mo?"

I felt a sudden rush of anxiousness and fear. Hinuhuli ba ako ni kuya? Pero paano kung wala talaga siyang alam? Imposible naman 'yon.

"Familiar lang ako kina Cloud at Elgene. Si Elgene kasi kasama siya ni Quinley noong sinundo ako para mamili ng school supplies."

He slowly nodded. "How about the rest of them?"

Suminghap ako nang may makumpirma sa isipan.

May alam si kuya sa nangyari sa 'kin.

"Ngayon ko lang sila nakita, kuya. At hindi naman ako lumalabas ng bahay tuwing nagbabakasyon tayo rito noon."

Hinuli ko ang tingin ni kuya. Parang nalagutan ako ng hininga dahil tagong-tago ang mga emosyong nando'n.

What is wrong with my brother? What does he want me to remember?

"Then you must've went to one of their gigs. Kinwento ni lola na inasikaso mo raw ang band event."

"Yes, because I was the head waitress. I oversee the system—"

"Sumakit ba ang ulo mo sa gig? Migraines? Any pain in the head?"

Nangunot ang noo ko. "What are you talking about? Is this about my head again? Are you going to use it as an excuse to stop me from pursuing HRM? Kuya, I thought—"

Beneath the Clouds (STATION Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon