Kabanata 25

7.8K 187 15
                                    

Kabanata 25

Kasalanan

"F... we're very worried."

Nagbuntonghininga ako habang iniikot ang straw ng inumin. Hindi rin ako makaimik dahil gulong-gulo pa rin ang isipan ko.

Gustohin ko mang mapag-isa, natatakot ako ngayon na baka mabaliw sa isipan. Baka mai-stress masyado ang sarili at tuluyan nang mawala ang mga memorya. Makalilimutan ang nakaraan—ang mga emosyon at pakiramdam na inilaan noon—para masapawan ng kalungkutan ang kasalukuyan.

Ang tagal ko nang iniisip kung bakit gustong-gusto ng mga tao na pag-aralan ang nakaraan. Pero nang ako mismo ang nakalimot, tsaka ko naintindihan ang importansya no'n.

May nakaraan upang balikan at alalahanin. May nakaraan upang malaman kung saan nag-ugat ang lahat. At may nakaraan upang manakit at ipamukha ang nawala sa kasalukuyan.

Sa akin, ang mga memorya ko ang pinaka-importanteng pangyayari sa isang tao. At kung wala no'n, nakaliligaw talaga ng damdamin.

"Unti-unti mo na raw naaalala?" tanong naman ni Quinley.

Inilipat ko ang tingin sa bintana at nakita ang paggalaw ng dahon ng puno. Inaasahan kong bahagya no'n mapapahinga ang utak ko, pero hindi ko alam kung bakit inintindi ko 'yon bilang isang unos.

"I remember some parts pero..." Suminghap ako, pinipigilan ang pananakit ng lalamunan. "P-Parang nawawala na 'yung iba."

Kinagat ko ang ibabang labi at marahas na lumunok.

Mula sa gilid ay niyakap ako ni Zelle at hinagod ang likod ko. Ang tingin naman ni Quinley ay kakaiba, ibang-iba sa nakasanayan ko noon.

May kaonting talim sa mga mata niya ngunit hindi ako sigurado kung para sa 'kin ba 'yon.

"Quinley?" banggit ko nang mapansin ang pagdilim ng mata niya. Bigla akong kinabahan.

She blinked and shook her head. "I can't do this."

Kunot-noo ko siyang tiningnan nang tumayo at walang pasabing umalis. Nagtataka kong sinundan ang papalayo niyang bulto. Gano'n din si Zelle na gulat na gulat sa pangyayari.

"What's wrong?"

Gulong-gulo niya akong hinarap. "She's having problems with Elg lately, eh. Wala siyang nababanggit sa 'yo?"

Umiling ako. "Wala. Siguro hindi rin sinasabi sa 'kin dahil sa kalagayan ko."

She shrugged and occupied Quinley's seat. Inipod niya nang kaonti ang naiwang inumin ni Quinley bago ayusin ang inumin niya.

"Anyway, I heard na malapit na 'yung Regionals." She peeked at me to see my reaction. It lasted for a while because of my silence.

"Wala akong naririnig," sagot ko nang magtagal lalo ang tingin niya. May inaalam yata mula sa 'kin.

"Oh, I think your coach won't let you join, right? Considering what happened before..."

"What happened before?" direkta kong tanong, ang kaba ay nasa dibdib.

Akala ko ba hindi ko na gustong isugal ang mga nararamdaman ko? Bakit ako bumabalik dito?

I don't understand myself anymore. Pakiramdam ko ay malaki ang nawala sa 'kin kasabay ng pagkawala ng memorya ko.

She looked at me, pained and confused. Nagdadalawang-isip yata kung sasabihin sa 'kin, pero idiniin ko ang tungkol sa bagay na 'yon kaya napilitan siya.

"N-Noong araw ng Regionals... a certain girl hit you."

Suminghap ako, nararamdaman ang kaonting kirot ng ulo. "A certain girl? Was that Madison?"

Beneath the Clouds (STATION Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon