Chapter 1

781 21 0
                                    

Chapter 1

Desisyon ng korte

Dumaan ang dalawang linggo at napagpasyahan ng korte na buksang muli ang kaso ng mga De Vera. At bukas.. bukas na gaganapin ito.

Alam kong kulang sa ibedensya ngunit nais ko pa rin mag salita ng sa ganon ay maibigay sa pamilya ng mga De Vera ang kahit ng kakarampot ng hustisya. Nabanggit din sa akin ni Mighty na gagawa at gagawa sya ng paraan para makulong si Rex.

Kahit na ganoon ay nangangamba parin ako na gumawa na ng hakbang ang Gang ni Rex. Natatakot ako sa nga maaaring mangyari. Walang kasiguraduhan ang mga buhay namin, kung safe na ba o ano. Pero tinutuloy parin namin ito.

Lumbas ako ng kitchen after kong uminom ng tubig at bumalik sa kwarto ko-- I mean kwarto namin ni Mighty.

Pansamantala kaming magkakasama ngayon sa Unit ni Mighty. Gusto nya eh. Babalik din si Mighty mamaya dahil pinapunta sya ng Dad nya sa opisina nito. Siguro paguusapan nanaman nila ay about sa business world.

Niyayaya niya ako pero agad akong tumanggi. Nung huli kasing nangyari iyon, nag dinner kami pero na out of place lang ako. Wala naman akong kaalam alam sa business na pinaguusapan nila.

Maya maya pa ay mag tumawag sa phone ko. Wala sana akong balak sagutin ito dahil nag t-twitter ako kaso nakita kong ang tumatawag ay si Hazuki. Sinagot ko ito agad.

"Hazuki? Natawag ka?" Bungad ko dito.

"A-Althea-- kasi-- a-ano..." kinabahan agad ako sa tono ng pananalita nya. Humihikbi ito at humahagulgol.

"Huh?"

"Althea, k-kasi..." nagulat ako sa sunod na sinabi nito.

Walang pagaalinlangan akong nag ayos. Nag bihis agad ako. Lahat ng kailangan tulad ng cellphone ay dinala ko. Ayokong maiwan ito gayong kailangang kailangan.

"Ok.."

Masaya ngunit malungkot na sabi ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa mga lumabas na salita sa bibig nya. Hindi ko alam ang gagawin ko ngunit pumayag akong makipagusap kay Hazuki.

Gustong tumulo ng mga luha ko dahil pakiramdam ko ay pinagtaksilan ako. Pakiramdam ko naging tanga ako sa loob ng napakaraming taon. Pero ayaw namang bumuhos nito sa hindi malamang dahilan.

Lalabas na sana ako ng Unit ni Mighty ng harangin ako ng mga unipormadong mga lalaki na sa pagkakaalam ko ay mga bodyguard na ipinadala dito ni Mighty para bantayan ako.

Nitong mga nakaraang araw kasi ay nag banta si Rex kay Mighty na gagalawin nito ang mga malalapit sa binata kaya todo nalang ang protekta nya sa akin na pati ang pag labas ko ng Unit ay bantay sarado ako.

"Ma'am, mahigpit na ipinagbabawal sa inyo ang paglabas ng Unit."

Matikas at matangkad ang isang ito na sa tantya ko ay matanda ito ng limang taon sa amin ni Mighty. Gwapo rin ito at sa pagkakaalam ko ay ito ang pinuno ng bawat guards ng pamilya ni Mighty.

"Alam niyo naman siguro ang dahilan kung bakit mahigpit kayong pinapaprotektahan sa amin ni Sir Kris." Matalim ko syang tinignan na ikinayuko nya. Tiklop sya kay Mighty ngunit mas tiklop ito sa akin.

"John naman oh, please. Kailangan kong makausap si Hazuki---"

Akma na akong lalabas ng pinto ngunit hinarangan na nila ito. Fuck! Kailangan kong makausp si Hazuki!

"John naman please! Kung gusto nyo ay samahan nyo pa ako."

Nagkatinginan sila. May sinsenyas ang isa. Oo, nag sesenyasan lang sila pero naiintindihan nila ang bawat isa.

Book 2: Where Everything Starts (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon