Chapter 37
Pag hihinala
Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko, nagising ako sa sinag na araw mula sa veranda. Inilipat ko ang tingin sa katabi kong mahimbing parin ang tulog.
Hinimas ko ang kilay niya gamit ang thumbs ko. Grabe! Saan ba nag mana 'tong lalaking 'to?! Para siyang greek god. Tama lang ang shape ng kilay niyang makapal. Ang mga mata niyang malalalim na lalong nadedepina dahil sa perpekto niyang kilay. Ang matangos niyang ilong at higit sa lahat... ang mapupula't malambot niyang labi. Binigyang pansin ko namang ang panga niyang perpekto. Agad mong malalaman kung iigting ang panga niya dahil sa sobrang ayos at perpekto nito.
Umusod ako ng konti pero lalong humigpit ang yakap niya. Nasa braso ko ang ulo niya at nakasubsob siya sa dibdib ko. As in yung mukha niya'y namamahinga roon. Napangiti ako. Ang cute niyaaa.
Unti unti kong inangat ang braso nya pero nagulat ako ng umangat siya para ipatong ang ulo ko sa braso niya. Ngayon ay ako naman ang nakasubsob sa dibdib niya. Hala shiitt! Ang bango niya! Bakit ganon? Ano kayang amoy ko ngayon? Tsk tsk tsk.
"Hindi ba tayo mag aalmusal? Bangon na~" malambing kong sabi.
Umangat ang gilid ng labi niya. Nag mulat din siya ng mata pero nakapikit pa ang kabila.
"Ako mag luluto." Ngumisi ako at kumindat sa kanya.
"Yeah sure, kumuha ka nalang ng shirt sa closet. Change your clothes." Sabi nya at muling pumikit.
Bumangon na ako at dumeretso sa closet niya. Iniisip ko palang na susuotin ko ang damit niya ay kinikilig na ko. Mag mumukha lang 'tong bestida sakin malaman.
Kumuha ako ng plain white shirt at nag palit agad. Mabuti't hindi nakatingin si Mighty. Kahit na nakita na nya ako ng buo, nahihiya parin ako. Hay ewannn.
Lumabas na ako ng kwarto at nag luto na. May narinig akong pagbukas ng pinto pero alam kong hindi mula sa kwarto iyon. Sinilip ko ang pumasok at nagulat ako ng makita si Zoe na nakakunot ang noo habang masama ang tingin sakin.
"Zoe..." sabi ko.
"Bakit ka nandito ha?" Kitang kita ang galit sa mukha niya.
"Because... we're together?" Pilosopong sabi ko sa kanya.
Aba kung mangaaway sya ng ganito kaaga e handa naman akong sabuyan siya ng kumukulong mantika.
Oh shit! Yung ni luluto ko nga pala. Binalikan ko iyon at inilagay na sa lamesa.
"Althea..." Narinig ko ang namamaos na boses ni Mighty kaya nilingon ko sya.
Hindi niya pa siguro nakikita si Zoe kase nasa sala iyon. Ha! Ibig sabihin sakin siya agad dumeretso.
"Mighty!"
Napawi ang ngiti ko ng tumakbo si Zoe palapit kay Mighty at lumambitin agad siya rito. Sarap hampasin ng pinggan e.
"Uhm... kain na t-tayo." Sabi ko sa gitna ng kalandian ni Zoe.
"Ahh! Hindi na, mag bbreakfast kami ni Mighty sa labas e." Sabi niya na nag pakunot ng noo ko.
"H-Ha?" Napatingin ako kay Mighty na hindi makatingin sakin.
"Z-Z, next time nalang. Wala naman importanteng paguusapan kaya, umuwi ka na." Sabi ni Mighty ng deretso kay Zoe.
Halata sa mukha ni Zoe na nagulat, nasaktan at nasupalpal siya sa sinabi ni Mighty. Buti nga.
Napayuko siya pero nagangat sya ng tingin sakin. Matalim ang tingin niya na sa ano mang oras ay mapapatay niya ako. Kinilabutan ako sa titig niya at nag flashback sa memory ko yung babaeng nasa dilim nung gabing iyon.
BINABASA MO ANG
Book 2: Where Everything Starts (ON-GOING)
RomanceAlthea is a strong and lovely woman. But how being hurt from the past can change her? She became more strong and firm. That strong girl became a strong lady. Years passed, her heart never changed. She's still madly in love with the man she left year...