Chapter 35

452 11 1
                                    

Chapter 35

Sundo

Nagising ako ng may maamoy ako na mabangong amoy. Agad akong napabangon sa kung nasaan man ako ngayong kama, ayyy nasa sofa pala ako. Sa suite niya ulit malamang, hayyy. Nilingon ko yung bandang kusina dahil may naririnig akong something. Naabutan ko si Mighty na topless at hinahalo ata yung noodles sa lamesa. Omgeee! Ano ba naman 'to!

"Gising ka na pala..." ang lalim ng boses niya at medyo husky pa. teka? kakagising niya lang din ba?

"Hmm-mm" tumango ako at sinilip yung ginagawa niya.

"Kumain ka na, gagawan kita sandali ng hot chocolate-- sandali, medyo masakit ba ang ulo mo?" Nagaalala niyang tanong bago siya magtungo sa kusina. Napansin nya sigurong nakahawak ako sa ulo ko. Sumasakit kasi at biglang umikot yung paningin ko nung tumayo ak agad.

"Ahhh, wala ito. mainit na sabaw lang at yung hot chocolate, ayos na to!" ngumiti ako at nag thumbs up sa kanya. nakita kong medyo tumaas ang gilid ng labi niya pero nag iwas na siya ng tingin.

Napatigil ako sa pag higop ng sabaw dahil may gusto akong itanong sa kanya. Paano nga pala kami nakapunta dito? tsaka paano niya nalaman kung nasaan ako?

"Uhm... Mighty. Ano nga palang nangyari kagabi nung sinagip mo ko? at paano mo rin pala nalaman kung nasaan niya ako dinala?" hindi ko na binanggit pa yung pangalan dahil ayokong lumalim pa ang usapan.

"Alam ko ang buong plano niya. At--- Oo nga pala. May kasalanan ka sakin." Lumingon siya at nag lakad patungo sakin. Ramdam ko ang pag kabog ng dibdib ko. Mas mainit pa ata yung leeg at pisngi ko kesa doon sa hot chocolate ng lapitan niya ako. "Tsk tsk sk..." sabi niya pa.

"H-Ha? A-Anong sinasabi mo..?" nilapag niya sa center table yung hot choco at tinignan ako sa mata. Nakatayo parin siya, ngayon ko lang napansin na naka jogger pants pala siya at naka black nike benassi slides. Shiit! Naa-out of focus ako dahil sa abs niyang naka balandra lang naman sa mukha ko teh diba.

"Haven't I told you to call me when you need me? Di mo ba nabasa yung sticky notes sa ref?" Sabay turo niya doon sa ref. Mukha na tuloy akong batang pinapagalitan ngayon.

"Sabi kase don, tumawag kapag GUTOM." I said emphasising the word 'GUTOM' since yun naman talaga yung naka lagay don sa sticky note. Umirap ako at nag iwas ng tingin. Lapain ko yang pandesal mo e! Rawrrr!

"Common sense, Althea. Hindi ako mag iiwan ng number doon just because I want you to call me 'only' when you're hungry--- hey! You listening?" Nakataas na ang kilay niya. Ginagaya ko kase yung sinasabi niya pero walang lumalabas na boses sakin. "Fuck!" Ginulo niya yung buhok niya at padabog na naglakad papasok sa kwarto niya. Hihi. Nainis ko ata si bebe ko!

Teka! Tumawag kaya ako! Oo nga pala... yung girlfriend niya yung sumagot, which is si Zoe. Hays. kakain na nga lang ako. Baka bangungutin pa ako ni Zoe at sabihing mangaagaw ako ng jowa ng may jowa e!

"HAAAAAAYYYY, makakain na nga lang. tinotopak nanaman yung gwapong unggoy." sisimsim na sana ako sa hot choco ng marinig ko ang boses ni Mighty mula sa likod ko.

"Unggoy, huh? Ano ka? Gorilla? Haha!" Humalakhak siya ng pagkalakas-lakas saka nag lakad patungo sa veranda nitong suite niya. Gabi na nga pala, masarap mag pahangin ngayon sa labas.

HOOOYYY! Hindi ko pa nalilimutan yung sinabi niya ah! ako?! gorilla! Kapal niya ahhh.

binilisan kong ubusin yung noodles pero di ko sinagad yung sabaw kasi maalat iyon. inubos ko na rin yung hot choco at uminom ng kaunting tubig. naisipan ko kasing samahan si Mighty mag pahangin.

Habang nag lalakad patungo sa veranda, hindi naman matigil tigil sa pagdadabog 'tong puso ko. YOU SHOULD KNOW YOUR LIMITS, ALTHEA. May girlfriend na iyong tao 'no! Grrr. Pero kahit na, sasamahan lang naman e.

Book 2: Where Everything Starts (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon