Chapter 4
Rex Monteverde
Nakarating na ako sa dapat kong puntahan. Hindi na ako nagulat ng pagbaba ko ay kasunod ko na pala si Mighty.
"Why did you leave me?" Walang lingon lingon ko syang sinagot.
"I just want to.." naiinis ako sa kanya kaya mas maganda na yung ganito. Baka mabungangaan ko lang sya.
"Baby... I dont love her anymore.. mas mahal na mahal na mahal kita."
Nahinto ako sa pag lalakad papasok sa korte at nilingon ko sya. Kitang kita sa mata nya na sincere sya. Bumuntong hininga ako at patakbo syang nilalapitan. Kinulong ko ang mukha nya gamit ang dalawa kong palad, tumingkayad ako at siniil sya ng halik.
Di ko matiis na ganto kami. Haysss.
"I love you too... Kris."
Iyon ang unang pag kakataon na binangit ko ang tawag sa kanya ng mga ka gangmates. Nafreeze si Mighty sa kinatatayuan nya ang kumalas sa halik ko. Kunot noo nya akong hinarap.
"Baby... wag mo akong tatawaging Kris lalo na sa harap ng maraming tao. Sa lahat ng nakakasalamuha mo. Kahit sa family or friends mo. Alright?"
Nagtataka man ay tumango na lamang ako at nginitian sya.
***
"Totoo po ang mga sinasabi ko." Nag ulap ang paningin ko habang inaalala nag mga pangyayari. Ayaw kong umiyak sa harap ng maraming medias kaya pasimple kong pinunasan ang luha na nasa mata.
"Imposible ang sinasabi mo hija." Sabi ng Hurado sa akin.
"Imposibleng isang Monteverde ang makakagawa ng ganyang klaseng krimen. Sigurado ka ba jan hija? Rex Monteverde? Pang apat ito sa pinakamayamang tao sa bansa. Pang apat ito sa mga sikat ng negosyante sa ating bansa. Nakasisiguro ka ba?"
Tuluyan nang nag landas ang luha ko. Pinunasan ko parin ito. Hinanap ko si Mighty at nakita kong syang nag aalala na rin. "Siguradong sigurado po..." di ko naman sila masisisi kung ayaw nilang maniwala. Pamilyang Monteverde lang naman ang inaakusahan ko.
Pangalawa kami sa pinakamayaman at sikat na negosyante sa bansa at nangunguna ang mga Li. Pangatlo ang pamilya ni Hikaru. Mga Yamaguchi. Pumapanglima naman sila Hazuki. Tiyak na timatabunan sila ng monkey business ng mga Monteverde kaya di ito makaalis sa pwesto. Abiog sila na dati ay kasunod lang namin nila Hikaru pero ng dumating ang mga Monteverde ay unti unting bumababa ang ilang sikat ng negosyante dahil sa monkey business nila.
***
Natapos ang hearing ng walang nangyari. Di pa ako sapat para doon, pero ang sabi ni Mighty ay gagawa at gagawa sya ng paraan para makulong si Rex.
Bumalik na kami sa Unit. Si Mighty naman ay dumeretso sa Hide Out nila ng dalawa pa nyang Gang. Tatlo ang hawak na Gang ni Mighty. Maliban pa dun sa sarili nilang SWAT.
Nahiga ako sa kama namin at tinitigan ang ceiling. Balak kong puntahan si Mommy bukas at kakausapin ko sya kung ano na ang plano nya.
Maya maya pa ay may tumawag sa akin. Unknown Number?
"Hello?"
"...."
"Hello? Sino to?"
"Mag handa ka na." Huh? Mag handa saan?
"Sino ito?"
"Padating na si kamatayan..."
"Who are you--" natigilan ako ng ibaba na nito ang kabilang linya.
Boses ito ng batang lalaki. Tila ba ginamitan ito ng voice changer.
May part sa akin ang natakot. Nasa masamang kalagayan na nga ako. Pero siguro prank call lang iyon. Kung sino man iyon ay sana itigil na nya ang pag paprank.
"Baby!" Narinig ko ang masiglang boses ni Mighty habang papasok dito sa kwarto.
"Why?" Nakangiting tanong. May hawak syang paper bag at nilapag iyon sa maliit na sofa dito sa kwarto nya.
"Nothingggg... namiss lang kita." Kiniss nya ako sa noo at inihiga ako. He started kissing my neck... down to my collarbone... tapos siniil nya ako ng halik saka sumisik sa leeg ko. Ihhh kinikilig ako.
Sabihin ko kaya sa kanya yung prank call kanina? Psh, malang naman wala syang pake dun kasi iisipin rin nya na prank call lang iyon.
Nakahawak yung kanang kamay nya sa baywang ko tapos yung isa ay masa leeg ko habang sinisiksik nya parin yung mukha nya sa leeg ko. Ang sweet nya hihihihi.
"M-mighty..." tawag ko sa kanya. Alam kong kahit nakapikit sya ay gising parin sya. Balak kong sabihin sa kanya na kapatid ko si Hazuki. Na sya ang tunay na anak nila Mama.
"Yes, darling?" Nakangiting humiga ito ng maayos at inihiga nya ako sa braso nya.
"N-nahanap n-na nila Mom yung tunay nilang a-anak, at hindi ako iyon." Kinuwento ko pa sa kanya ng buo iyon ba syang ikinagulat nya. As in mas gulat pa sya sa akin. Kunot noo syang tumayo at kinuha yung paper bag na hawak nya kanina. Iaabot na sana nya sa akin yung brown envelope na lanan nito ng may mag doorbell.
Sya na ang nag bukas nito habang hawak parin nya yung brown envelope. Ano kaya ang laman nun?
Pagbalik nya ay di na nya hawak yung brown envelope. Nakangiti ako habang pinagmamasdan sya. Tinitigan nya ako ng ilang segundo pagkatapos ay lumapit sya sa akin. Bahagya syang yumuko para abutin ang mga labi ko. Akala ko ay smack lang pero hindi nag tagal ay lumalalim na ang halik nya.
Dahan dahan nya akong inihiga habang hindi parin nag kakalas ang mga labi namin.
"I... love... you..." sabi ni to sa pagitan ng mga halik. Kumalas na sya at hinalikan ako sa noo.
"I love you more Baby..." naka ngiting tugon ko.
***
Nagising ako sa malakas na alarm ng phone ko. Marimba remix ito ng kantang Rolex. Tumagilid ako upang kunin ang phone ko sa bedside table habang ang braso ni Mighty ay naka yakap parin sa akin.
Monday, 7:00AM. May pasok! Tsk!
"Mighty... may pasok ngayon," inuga ko ang braso nya. Di ko maimagine na ang gwapong mukha ni Mighty ang lagi kong mabubungaran tuwing umaga. Ang kyut kyut kyut nya! "...gising na!"
Dinilat nya ang isa nyang mata at hinigpitan ang yakap sa akin. "5 minutes..." pumikit itong muli at isinubsob ang mukha sa leeg ko. Err! 8:00 am ang start ng class tapos ganto. Baka di na kami pumasok nito! Dahan dahan kong itinaas ang braso nya para tumayo.
"After 15 minutes maligo ka na ah... tapos bumaba ka na para kumain."
Paalala ko sa kanya. Mukhang inaantok pa talaga sya. Wawa naman ehhh, puyat ata. Laro kasi ng laro ng Mobile Legends, iyan tuloy napuyat.
Dumeretso na ako ng bathroom para maligo. Nagbihis, nag make up ng light at saka bumaba para mag luto ng breakfast. After ko mag luto ay umupo muna ako sa sofa at nag cp. Aantayin ko pa kasi si Mighty eh.
After 20 minutes ay bumalik ako sa kwarto at naabutan ko syang nakabihis na pero hawak ang phone habang nag titipa. "Diba sabi ko bumaba ka agad?" Tumingin sya sa akin at tumayo. He kissed me and then lumabas na. Anmeron?
Sumunod na rin ako sa kanya at sabay kaming kumain. May mali. Alam kong may mali. Pero aantayin ko syang mag sabi kapag handa na sya. Mag aantay ako...
BINABASA MO ANG
Book 2: Where Everything Starts (ON-GOING)
RomanceAlthea is a strong and lovely woman. But how being hurt from the past can change her? She became more strong and firm. That strong girl became a strong lady. Years passed, her heart never changed. She's still madly in love with the man she left year...