Chapter 40

493 12 2
                                    

Chapter 40

Jail

"A-Ano pong kailangan niyo?" dumadagundong na sa loob ng dibdib ko. Para bang gusto ng kumawala ng puso ko.

"Nais ho sana naming imbitahan sa presinto si miss Althea Athena Ysabel... Sanchez?" huminga ako ng malalim at nilakasan ang loob kong mag salita kahit halos mawalan na ako ng boses.

"P-P-P-Papasok po m-muna ako..." nag katinginan sila pero agad ring tumango ang pulis na kumausap sa akin.

Huminga ako ng malalim para tanggalin ang kaba at para na rin pigilan ang sarili kong umiyak. May nag babara nanamang something sa lalamunan ko, gustong gusto ko nang umiyak!

Oh my god! Dad save me please!

Sumama naman ako sa kanila. Hiyang hiya ako sa mga taong napapatingin ngayon sa kotse ng pulis na sinasakyan ko. Kahit hindi pa alam ng mga kaibigan ko o sina mommy ito ay pakiramdam ko pandidirian nila ako. Ohhh fuck!

Nakakapagtaka lang dahil hindi man lang nila ako pinosasan. Ganito ba talaga iyon? Ang mga napapanood ko ay pinoposasan agad.

Sa loob ng ilang taon kong nabubuhay sa mundong ito ay neveeer akong nakatapak sa mga kulungan o presinto, whatever you call it, never pa.

Nang makarating ay hindi man lang ako makagalaw sa kinakaupuan ko. Sinenyasahan akong lumabas na. Pinagbuksan pa ako ng pinto na mas ikinapagtaka ko.

"Sir, pwede po bang tumawag sandali?"

Gustong gusto ko nang tawagan si Daddy pero nagulat ako ng makita ko siyang naglalakad pababa nung parang hagdan. Nakahawak sa braso niya si mommy. Nasa likod naman nila si Mighty...

Hinalikan ko si dad at mom sa pisngi, binabalewala si Mighty. Hindi ko maintindihan kung bakit ba siya kasama nila Dad gayong ayaw ni dad sa kanya.

"What's this?" seryosong tanong ko kay Daddy.

"Nakulong na si Reixan."

Nagsalita si Mighty pero hindi ko siya sinulyapan man lang. Nasusuka ako kapag nakikita ko siya, ni bangitin ang pangalan niya ay halos ika duwal ko.

"Good for him." malamig kong sabi.

"Thank you, Mighty. I'm sorry for, you know..." nakangiti na si Dad ngayon at kinamayan si Mighty.

Nakapamulsa ang isang kamay niya at ang isa naman ay ang kashake hand ni Dad. Ano? Walang balak kumalas? By the way, attractive yung porma ni Mighty ngayon. Lagi naman Althea, ano di ka pa sanay?

Ang labo rin nang mga 'to. Halos mamatay matay ako sa kaba ng sunduin ako ng mga pulis kanina, 'yon naman pala ay gusto lang sabihin sakin na nakulong na si Rex. Sana naman mag bago na siya.

Ang OA rin naman kasi nung mga pulis kanina. Kala mo naman talagang may kaso ako kung makasabi ng 'pwede ho ba naming imbitahahin si' ablah blah blah

"A-Althea... can... can we talk?"

Sa sobrang misteryoso ng mata ni Mighty ay hindi ko na ito mabasa. Pero one thing is for sure, mixed emotions iyon kaya hindi ko matukoy kung anong sinasabi ng mga mata niya.

"Nag uusap na tayo." mag mamatigas ako ngayon. Tignan nating kung sinong unang kakalas.

"Alone?"

Tumikhim si Dad. "Mauna na kami ng Mommy mo, sweetheart. Sumabay ka nalang kay, Mighty." kumindat pa siya kay Mighty na ikinakunot ng noo ko.

Medyo humalakhak si Mighty na lalong nag pasimangot sakin. Aba! Nag papalakas siya kay Daddy. Nag tagumpay na siya!

TEKA! Diba dapat ay galit siya sakin dahil sa nangyari kay Zoe? Hindi kaya iyon ang gusto niyang pagusapan namin? Ipapakulong na ba niya ako? OMG NOOOO!!

Book 2: Where Everything Starts (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon