Chapter 34
Hunting him
Habang naglalakad sa lobby ng hotel ay may napapansin ako sa kilos ng mga staffs. Tahimik sila ngayon. Yun bang parang bawal mag saya dahil may masamang nangyayari. Ni hindi sila makatingin rin sakin.
Hindi ko nalang pinansin ang mga ito at deretso lang ang lakad. I was about to exit the auto glass door ng may marinig akong pagbagsak ng kung ano mula sa likod ko. May ilan pang napasigaw.
"Jusmio marimar, atatakihen ako nito sa nirbiyus..." rinig kong sabi pa ng isang matanda.
Galit na nag lalakad si Mighty patungo sakin. Bigla nalang bumilis ang pintig ng puso ko. Bakit siya galit? Niligon ko ang likod niya at nakitang may isang vase na basag. Iyon yung naka display malapit sa front desk.
"Althea!" Nagulat ako ng nakalapit na pala si Mighty sakin.
"Ha? Bakit?" Inosente kong tanong dahil hindi ko naman talaga alam kung anong problema nitong lalaking 'to.
"C-Can you not go out just... just only for today? Please. It's dangerous. Stay in your suite. b-but I think it's better kung sa suite ko nalang muna."
Naginginig pa ang boses niya habang sinasabi iyon. Hindi na rin maipinta pa ang reaksyon sa mukha niya. Ano bang nangyayari?
"Oh... alright. I'll explain it pero sumama ka sakin sa suite ko." Medyo kalmado na niyang sabi.
Nagdadalawang isip pa ako kung sasama ako pero tumango na lamang ako. Hindi ko alam kung papasok pa ba ako sa AIA ngayon o hindi. Itetext ko nalang si mom.
Nilibot ko ang paningin ko sa buong lobby. May ilang nakayuko. Yung iba ay hindi makatingin sakin. Yung iba'y umiiling at umiirap sakin. Hindi ko nalang pinansin at nag lakad na.
Nang nasa elevator na ay nag salita na ako.
"Kailangan kong magpunta sa AIA ngayon, Mighty. Ako kasi yung aapruba sa mga models. Ayaw kong imove nanaman iyon dahil naka ilang move na ng araw."
'Di ko alam kung paano ako derederetsong nagsalita gayong napakalakas ng pintig ng puso ko. Hindi nga ako humihinga nung nagsasalita ako.
Kinagat niya ang labi niya at dinilaan ito. Marahan siyang tumango at tinignan ako mismo sa mata ko. Shittt!
"I know, pero kase delikado. Ah basta. Ipapaliwanag ko sayo."
Bumukas ang elevator at lumabas na kami. May nakita akong janitor na sumisilip sa door hole ng mismong suite ko. Naka takip kase ang mouth mask at ang cap nito kaya hindi ko makita ang mukha.
Nag lakad kami ni Mighty patungo roon kaya tumigil ang janitor sa ginagawa at naglakad palayo. Nang magkasalubong ay nakita ko ang mata nito. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa malampasan niya kami.
Pamilyar ang mga mata niya. Maybe some mutual friend?
"Hey. C'mon." Hinili na ako ni Mighty kaya nag patianod nalang ako.
Pagpasok palang sa suite niya ay andami ko nang naalala. Mga alaala namin sa condo niya dati. Pareho ng disenyo rito!
"Sabihin mo na nang makaalis na ako." panimula ko. Ayokong magalit nanaman ang mga staffs sa AIA. Lagi akong wala nitong mga nakaraang araw kaya gusto kong bumawi.
"Hindi ka aalis ngayong araw. Makinig ka naman." Medyo may pagkairita pa ang tono niya.
"Okay, fine." Umirap ako at tumingin sa ibang direksyon. Hindi ko siya matagalan ng tingin.
"Sinabi sakin ng Zayn na aatake ang grupo ni Rex sa Wednesday. Alam na nilang naandito ka kahit na itinatago kita sa kanila. Pilit kitang tinatago at hinahawakan ng mahigpit... pero sadyang madulas ka. Laging kang kumakawala sakin."
BINABASA MO ANG
Book 2: Where Everything Starts (ON-GOING)
RomanceAlthea is a strong and lovely woman. But how being hurt from the past can change her? She became more strong and firm. That strong girl became a strong lady. Years passed, her heart never changed. She's still madly in love with the man she left year...