Chapter 28
No
Sobrang kirot ng ulo ko ng bumangon ako sa kama. Naduduwal ako kaya't tumayo ako at agad na nag hanap ng banyo.
Nag palinga linga ako para mag hanap ng banyo.
May nakita akong pintuan kaya binuksan ko iyon. Hindi na umabot sa toilet yung suka ko dahil pag bukas ko pa lamang ng pinto ay lumabas na lahat ng laman ng tiyan ko.
Ugh! Kadiri shit! Nag kalat pa ako. Dinilaan ko ang labi ko at halos masuka ulit ako ng malasahan ang natirang suka doon.
Nilibot ko ang paningin sa kabuoan ng kwarto. Malaki ang kama na halos puro puti lang.
Dark blue, white and black ang kulay ng buong kwarto. Nakaka relax at malamig sa mata ang kulay.
Napatingin ako sa higaang tinayuan ko at namangha dahil may ilaw pala itong blue sa headrest nito.
Nag hilamos ako ng mukha at medyo binuhusan ang suka ko.
Teka, nasaan na nga ba ako?
Napahinto ako sa ginagawa ng may marealize akong isang bagay... panlalaking panlalaki ang disensyo nitong kwarto--- Holy crap!! This room isn't mine! Kung ganoon, nasaan ako?!
Napahawak akong bigla sa katawan ko at sinilip kung ayos lang ba ako. Shit! Naka puting t shirt na ako ngayon at over sized ito. Nag mumukhang duster na nga ito sakin e!
I checked my undies at naka hinga naman ako ng maayos ng malamang meron pa naman.
Pero sinong nag palit sakin?!
Napaatras ako ng isang hakbang ng bumukas ang pinto nitong kwarto at iniluwa nito sa Mighty. Oh shit, bumilis ang pintig ng puso ko. Heart! Can you please control yourself, huh?
Naka sando shirt siya at dark gray boxers. Medyo napansin ko ang bukol sa baba niya kaya napapikit ako ng mariin at umiling nalang.
Napansin niya ata ang pagtingin ko sa down there niya dahil pag mulat ko ng mata ay may ngisi na naka paskil sa labi niya. Damn it! Huminga ako ng malalim.
Tabi ba kami natulog? Oh god! May nangyari kaya samin!? Tang---
"T-T-Tabi b-ba tayo n-natulog?"
Napiling ako dahil sa paraan ko ng pananalita. Lagi nalang akong nauutal kapag siya na ang kaharap at kausap!
Marahan siyang tumango.
Nag tataka pa sya sa biglaang pagtatanong ko pero hindi ko na rin pinahalata ang pagkabahala dahil tulad ng sabi niya, tabi kaming natulog.
"Gutom ka na ba? Nag luto na ako, tara na."
Sabi niya gamit ang normal na tono, medyo naka taas pa ang gilid ng labi niya. Iniwasan kong ngumiti kaya kinagat ko na lamang ang labi ko at nag iwas ng tingin.
Naamoy ko ang bacon at sunny side up eggs. Napatingin ako sa tiyan ko ng marinig ko ang pag kalam n'on. Napayuko ako at napa pikit na lang ng mariin. Tangina. Nakakahiya.
Nag angat ako ng tingin. Nakita ko lumapad ang ngisi ni Mighty, nag pipigil ng tawa. Naramdaman ko ang pag init ng leeg ko paakyat sa tainga hanggang sa pisnge. Fuckshit.
Tinignan ko siyang muli pero lalo lang akong nahiya ng humagalpak na siya ng tawa.
"I think you're more than hungry!"
Hindi pa niya ito masabi ng maayos dahil sa kakatawa niya. Binuksan niya ang pinto. Nakahawak parin siya sa door knob ng hinarap niya ako habang naka hawak ang isang kamay sa tiyan.
BINABASA MO ANG
Book 2: Where Everything Starts (ON-GOING)
RomanceAlthea is a strong and lovely woman. But how being hurt from the past can change her? She became more strong and firm. That strong girl became a strong lady. Years passed, her heart never changed. She's still madly in love with the man she left year...