Chapter 18

427 18 1
                                    

Chapter 18

Death threats




"Iyan lang talaga yung hagip ng camera hija." Sabi ng nag mamanage ng cctv sa buong campus dahil hanggang ngayon ay hindi parin talaga pumapasok si Janelle.

Last week lang kase kinabit yung bagong cctv dito sa highschool building kaya di agad pumasok sa isip ko ang tingnan ito.

Sila Althea ay nag aalala na rin, lalo naman ako dahil ako mismo ang nasa pangyayaring iyon.

Sa cctv ay makikitang dahan dahang tumayo si Janelle at dahan dahan rin'g naglakad at base sa kilos nya ay alam nya ang ginagawa nya dahil palinga linga pa sya. Is she trying to prank us? Oh, wrong move gurl.

Tumakbo na ako palabas ng AVR (Audio Visual Room), dun kase nilagay yon kase laging nasa AVR yung nag babantay ng cctv. Dumeretso ako sa bnext subject ni Althea. Kumatok ako at dahan dahang binuksan ang pinto. Pag bukas ko nito kasabay ng boses ng Campus Head mula sa speaker ng campus.

ALTHEA's POV

"NAIS KONG KUNIN ANG ATENSYON NI MS. ALTHEA SANCHEZ. KUNG MAARI AY MAG PUNTA KA NGAYON SA CAMPUS HEAD OFFICE. THANK YOU."

Rinig ko mula sa speaker ng campus. Kasabay nito ang pag bukas ng pinto at iniluwa nito si Hazuki. "Ano iyon hija?" Tanong ni maam Camacho.

"Si Althea rin ho sana ang pakay ko maam. Thanks po." Hinila na ako palabas ni Hazuki at tumakbo kami papuntang CHO. Di na kami nag abala pang kumatok at binuksan na namin ito. "Maam naandito na po kami." Pagka sabi'y tumayo si Maam Zantre mula sa pag kakaupo nito.

"Mukhang alam mo na rin ang alam ko Ms. Abiog." Tumango si Haz, naguguluhan na ako kaya't nagtanong na ako.

"Is this about Janelle?"

"Oo hija, mukhang prank lang ang lahat. Papasok rin si Janelle malamang. Wag na kayong mag alala. Kita nyo namang alam nya ang ginagawa nya kung makikita nyo sa CCTV. Maari na kayong bumalik sa inyong mga klase."

Si Maam Zantre ang bagong Campus Head namin. Masungit at matatay ito sa lahat ng studyante unlike Maam Casalme (campus head dati). Misteryoso ang mga mata nito. Halatang may itinatago ngunit di naman maganda kung pag iispian ko sya ng masama.

Nahimik kaming bumaba ni Haz mula sa 4th floor. Imbes na bumalik sa klase ay naupo kami sa bench. May masama talagang nangyayari. Di ko na alam. "May ideya ka ba kung nasaan si Janelle ngayon?" Napa tingin nalamang ako sa mga dahong nalalagas na nag mumula sa mga puno dito sa harap ng building.

"Puntahan kaya natin sya sa bahay nila?"

Nag ring ang phone ko kaya napatingin ako sa screen nito. (Mighty Calling). Hindi ko na ito sinagot pa. Kinuha ko na ang bag ko sa room saka kami nag punta ng parking lot. Naka ilang tawag na si Mighty pero hinayaan ko lang. Malayo ang bahay ni Janelle, iisipin mong bundok ang pupuntahan.

Sa kalagitnaan ng byahe ay nakaramdam ako ng kaba. Lalo na ng may apat na itim na kotse ang humarang sa amin. May hinagis ito na parang bomba na nag labas ng pulang usok kaya lumabo ang paningin namin ni Haz. "Buksan mo yung pinto Thea, hurry!"

"I can't!!!"

Pilit kong binubuksan ang pinto para tumakas ngunit huli na ng sumunod ang puting usok na nag mumula na sa loob ng kotse na naging dahilan ng pag kawala namin ng malay. Dumilim ang paligid at tanging halakhak na lamang ng lalaki ang narinig ko.

MIGHTY's POV

"Ano na?! Tangina ang babagal nyo!" Sinusubukan namin itrack ang location ni Althea ngayon. Puta kanina nasa school lang sya pero ng makita kong paalis sya ay bigla na lamang nawala ang koneksyon namin sa kanya. Wala syang kasamang bodyguards for petes sake!

"Bro chill." Sabi ni Zayn.

"Ipatawag nyo nga si John! Tangina nya kamo! Pinababantayan ko sa kanya yung girlfriend ko tapos ganito!" Di nag tagal nh limang minuto at dumating na sila John dito sa Unit ko. Naandito rin ang buong gang. Nang gigigil na na nilapitan ko si John saka ko sinapak sa mukha. "Ngayon! Sabihin mo sakin kung nasaan si Althea!? Gago!" Napayuko na lamang ito.

"Dude, stop it. Your shits isn't helping." Ani Miles na nagpakalma sakin kahit konti.

"Paano ako kakalama kung nagbigay na ng death threats kahapon si REX?!" I looked at john with full of devilish threats. "Once na may mangyari kay Althea ay mapapatay kita. Mark my words. Get lost! Wag kayong babalik dito ng hindi sya kasama!" Nagmamadaling lumabas sila. Kahapon kase ay may death threats nanamang binigay si Rex. Ginamit nya si Janelle para lang umatake. Don't try me Rex, you know what I can do.


~~~~~~~~~~

HI!!!! SORRY SA TAGAL NG UD KO PUNYETA! SORRRRYYY! MAIKLI TONG UD NA TO PERO WORTH IT BASAHIN AT MAGANDA DIBUUUH. LABYU READERSSSS!!😘😘😘😊😊😂😂

VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED 💕

Book 2: Where Everything Starts (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon