Chapter 2

625 21 0
                                    

Chapter 2

The truth



Matapos naming mag usap ni Hazuki ay niyaya ko syang samahan ako kina Mama. "Pakihatid nalang po kami sa Tiffany's M." Sabi ko sa driver namin habang may kasunod na iba pang itim na kotse sa likod para maging bantay ko. "You really sure about this?" Tanong ni Hazuki. Tumulo ulit ang mga nag babadya kong luha pero mabilis ko din itong pinunasan at hinarap sya.

"Wala na tayong ibang choice kundi ang sabihin ito kina Mommy. Habang lumalala ang sitwasyon eh lalong kong nakikitang nabibiyak sila mommy. Ayoko nang mahirapan pa sila." Nakarating kami agad. Bumaba na kami ng kotse at dumeretso sa kwarto ni Mama.

Tulad ng lagi kong nakikita ay umiiyak nanaman sya. Nung nag pakalasing kasi siya ay nabanggit nya na may hinahanap sila ni Papa. At siguro ay si Hazuki iyon. "M-ma..." lumingon ito nagulat dahil sa umiiyak na rin kami ni Hazuki. Si Hazuki ay nasa likod ko at hawak parin ang pruweba na sya nga ang tunay na anak nila Mama. Shet! Ang saket saket. Buong buhay ko umasa akong tunay na Sanchez ako. Buong buhay ko inakala kong ako nga ang tunay na anak tapos malalaman kong ang kaibigan ko pala ang hinahanap nila matagal na.

"Anak, Kagagaling mo lang dito hindi ba?" Nakangiting sabi ni Mama ngunit may bahid ng parin ng lungkot at may luha parin na pilit nyang pinupunasan pero tuloy parin sa pag landas. Ayaw na kitang mahirapan pa mama kaya... kaya... andito na si Hazuki. Humarap ako kay Hazuki at kinuha sa kanya ang mga papel. Humagulgol na ko at nanginginig na lumapit sa kanya. Nanginginig ang nga kamay ko habang dahan dahan ko itong ibinibigay ka mama. Masakit pero kailangang tanggapin. Mahirap pero kailangang suungin.

Kitang kita sa mukha ni Mama na naguguluhan sya pero maya maya din ay tumingin sya kay Hazuki at hindi man lang ako dinapuan ng tingin. Umiiyak na lumapit si Mama kay Hazuki at dali dali itong niyakap. Ang sakit palang makitang masaya ang mama mo sa iba. Umiiyak na lumabas ako ng kwarto ni Mama at bumalik sa kotse. Tahimik akong umiiyak habang naka takip sa mukha ko ang dalawa kong kamay. Bakit kasi sa lahat ng tao sa mundo si Hazuki pa! Kingina talaga! Ang sakit kasi eh! Sarap mag wala pero wala na kong magagawa kundi tanggapin lahat ng to. All of this shits really sucks! All of the people why Hazuki? God! Di naman ako nakukulangan ng dasal araw araw! Di naman ako sumasalungat sa 10 utos nyo! Hindi naman ako gago! Hindi naman ako pumapatay! Kingina bat ba nangyayari sa akin to!?

"Paki hatid po ako kina Hikaru." Sabi ko sa driver ko. Pinaandar naman nya agad ang sasakyan. Sa mga oras ngayon ay si Hikaru nalang ang matatakbuhan ko. Si Hikaru nalang ang dadamay sakin. Si Hikaru nalang. Kahit pa nag karoon kami ni hindi pagkakaintindihan dati ay alam kong hindi parin mawawala ang friendship sa pagitan namin.

Bumaba agad ako ng kotse ng makarating kami sa bahay nila Hikaru. Humahagulgol na binuksan ko ang gate nila ng walang pasintabi at tumakbo papasok sa bahay nila. Nakita ko si tita na nag luluto sa kusina kasama ang iba pang katulong nila. Nang mapansin ni tita na may pumasok ay lumingon sya at ganun nalang ang gulat ng makita akong umiiyak. Nagtataka syang lumapit patungo sa akin.

"Althea... what happened?" Niyakap nya agad ako at gumaan ng konti ang pakiramdam ko kahit umiiyak pa ko. "Hey, shhh dont cry. Stop crying. Why? W-what happened?" Kitang kita talaga ang pagaalala sa kanya.

"T-tita, si Hikaru po?" Humihikbi akong kumalas sa yakap nya at nag punas ng luha gamit ang likod ng palad ko.

"Nasa kwarto nya hija. Sige, puntahan mo muna." Nakangiti ngunit may pagaalala nyan sabi at bumalik na sa pag luluto. Kaagad na tinakbo ko ang kwarto ni Hikaru. Pumasok ako dito at nadatnan kong may kausap syang mga lalaki na sa tancha ko ay parang gang. Mukhang napansin nila ang presensya ko kaya naman yumuko ako para di nila makita ang nag mumugto kong mata.

"Get out." Malamig na sabi ni Hikaru. Masakit man na akala kong sya ang dadamay sa akin ay pumihit ako patalikod. Nang lalabas na sana ako ay may yumakap sa akin mula sa aking likuran. "Not you Bhie, them." Bulong nya sa akin. "I knew why you're here. Sorry to know." Mahinang bulong nya.

Dahil sa sinabi nya ay gumaan ang pakiramdam ko ngunit humagulgol nanaman ako. Nakakacomfort kasi yung sinabi nya. Kumalas na sya at nakita kong lumabas na ang mga lalaking kanina ay kausap nya. Humarap ako sa kanya. "P-paano mo nalaman?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti sya pero may may lungkot.

"You know me. I know everything.." sabi nito. "So, iiyak ka na lang ba sa harapan ko? Or lalabas tayo?" Nakangiting tanong nito. Ngumiti ako at nagtungo ng cr nya para mag hugas ng mukha. After ko magpunas at lumabas na muli ako at nadatnan kong may kausap si Hikaru sa iPhone nito. Kakalabitin ko na sana sya ng marinig ko ang usapan nila ng kausap nya.

"Make sure she's safe, everytime, everyday. Or else... I'll kill y'all one by one." Ibinana na nya ito at pumihit paharap sa akin. Lumikot ang mga mata nito at hindi alam kung saan titingin. "K-kanina ka pa ba andyan?" Tanong nito.

"Kakalabas ko lang." masiglang tugon ko. "Tara na?" Nakangiting kong sabi. Lumabas na kami ng kwarto at bumaba. Nakita naming nakahanda na ang pagkain sa table malapit sa kitchen. Ahh, dinner na nga pala. Kawawa naman yung mga bantay ko.

"Oh, dinner muna kayo." Masiglang sabi ni tita Junly. "Aalis ba kayo?" Tanong nito.

"Mamaya nalang siguro kami kakain ma. Tsaka kasi nag aantay yung mga bantay ni Althea. Bye My." Humalik ito sa pisngi ni tita.

"Bye Ta." Ngiti ko at bahagyang yumuko. Lumabas na kami. "Bhie, dun nalang tayo sumakay sa bantay ko." Sabi ko at nauna na akong sumakay sa backseat. Sumunod naman sya. "Uhm, saan tayo?" Ngiti ko.

"Kahit saan? AHAHAH." Tumawa ito kaya tumawa rin ako.

Book 2: Where Everything Starts (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon