Chapter 26
Signs
Oo! Si Ivan nga. Shiz. Anong ginagawa ng taong ito dito sa bahay ko. Punyeta ahh.
"S-Sir, what are you doing h-here? I-I mean---"
Hindi ko na natuloy ang dapat na sasabihin ko ng bigla siyang tumayo ng maayos sa harap ko at hinawakan ang dalawang balikat ko. Kumunot ang noo ko sa kilos niya pero mas lalong kumunot ang noo ko sa sunod na ginawa niya.
"Lesing ke kegebe."
Napaatras ako at napilig ako ng ulo.
Shit, di ko alam kung ngingiti o tatawa ako sa accent niya. Kinagat ko nalang ang ibabang labi ko at nag iwas ng tingin. Ughhh. Nakakahiya siguro ako kagabi.
"Sorry sir, pero di nyo pa po nasasagot yung tanong ko." Awkward akong ngumiti at medyo napakamot pa ako sa ulo ko. Naiintindihan naman siguro niya yungt tagalog ko?
"Ah! Just call me Ivan. I went here because my company needs me." Simpleng sagot niya. Wengya. Para namang wala akong naintindihan sa sinabi niya.
Inisip ko pang mabuti kung anong maaring dahilan ng pagpunta niya rito. Napatalon ako ng maalalang may bagong project nga pala ang kompanya nitong si Ivan at na base ito dito sa Pilipinas. Nung nasa States kase ay iyon ang halos laging pinag mi meetingan namin.
Arghhhh! Eh bakit naman siya naandito sa bahay!?
"Okay?"
Pilit akong ngumiti at tumango.
Ilang araw pa ang dumaan. Di naman na nag paramdam pa si Ivan. Siguro ay nangamusta lang.
Nasa Elevator na ako pababa ng building ng advertising company namin dito sa Makati. Galing ako sa office nina Mommy para sana mag paalam kung pwedeng pumunta sa Batangas with friends. Dinalhan ko na rin kase sila ng lunch ni Daddy.
Bawat taong madadaanan ko ay binabati ako ng good morning. Obviously, kilala akong anak ng pangalawa sa pinakamataas na negosyante sa labas at loob ng bansa. Nginingitian ko nalang sila pabalik at dumeretso na ulit sa paglalakad papuntang parking lot. Naabutan ko pa si Marquin na nakikipag usap doon sa lalaking nasa lobby nitong building. Tss, talaga 'tong babaeng ito.
Napairap nalang ako at tuluyan ng nakarating sa parking lot. Nakangiti ako at lumingon lingon para sana hanapin yung lalaking nakasanayan kong nag susundo sakin lagi... pero naalala kong ilang taon na nga pala ang nakalipas mula nung mga panahong ganoon pa kami.
Tila ba may kumurot at nagiba sa puso ko, sa buong pag katao ko. Kase nasanay ako. Sinanay ako sa mga bagay na pag dating ng panahon ay hindi ko na pwedeng balikan. Bakit ba parang sakin parin ang epekto ng lahat? Nagkamali ba ako? Mali ba ako ng desisyon noon na umalis?
Nang bumalik ako 2 years after ng pag alis ko ay hindi ko man lang hinayan si Mighty na mag paliwanag. Ni hindi ko pinakinggan ang side niya. Pero kase para saan pa? Nahuli ko na siya. Action speaks louder than words. Kung narinig ko lang sana sa iba ay hindi ako maniniwala. Hindi ako mabilis mapaniwala sa mga haka haka at tsismis pero dalawang mata ko mismo ang nakakita. At sapat na iyon para iwan siya.
Napailing na lang ako. Ganito palagi ang ganap. Sa bawat galaw o mga lugar na pupuntahan ko ay laging may konsensya, sakit, malungkot at masayang alaalang nag faflash sa utak ko. Laging may pagdadalawang isip kung tama ba. Parang laging may gumugulo at para bang ako lagi ang mali. Na ako yung padalos dalos.
Nakakapikon pero somehow nakakatuwa. Kase alam ko sa sarili kong tunay ko siyang minahal. Kung walang sakit, hinanakit at alaalang bumabagabag sa akin ngayon ay ibig-sabihin wala lang sa akin lahat ng nakaraan namin, wala lang sa akin lahat ng nangyari noon, pero hindi. Patuloy akong binabangungot nito.
Hanggang ngayon ay ganoon parin naman pero tingin ko ay kailangan ko namang mag focus sa sarili at future ko.
"Alam mo Althea, hindi na tama ito." Seryosong sabi ni Hazuki habang naka upo sa left corner ng higaan ko. Ako naman ay naka sandal lang sa headrest nitong kama ko. Wala si Hikaru dahil nag hohoneymoon kasama ang asawa niyang si Jericho. Bilis diba? Bwishet. "Hindi ka magician na sa isang pitik mo lamang ay mababago lahat ng nararamdaman mo para kay Mighty."
Bumuntong hininga ako. Alam ko naman iyon. Pero hanggat maari ay pinipigilan ko dahil too much love is not healthy. Sa sobrang pagmamahal at pag titiwala ko sa kanya ay ganito ang nangyari sa'kin. Heartache. Hindi bale nalang.
"24 na ako sa susunod na buwan. I'm older enough to decide on my own, Haz. I know what I'm doing and I know that I won't regret this... because this is the only weapon I have. Pride." Seryosong sabi ko. "Kung lalapit ako sa kanya, pinatunayan kong tanga ako."
Siya naman ngayon itong huminga ng malalim. Seryosong seryoso na siya. Ano bang problema nito. All of a sudden mag pupunta siya para sabihan akong mag isip ng mabuti? Bakit? Something's wrong here.
Umiling iling siya bago tumayo.
"Althea, I'm warning you. You still have the chance to choose between your brain and your heart."
Iyon ang mga huling katagang binitawan niya bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.
Shit! Iyan nanaman! Ginugulo nanaman ang isip ko. Di ko na maintindihan. Binangon ako ni Hikaru mula sa pagkakalunod kay Mighty. At ngayon naman si Hazuki?! Ughhh! Kailangan ko ng sign.
Kumuha ako ng papel mula sa pinakababa ng bedside table ko. Kinuha ko naman yung ballpen na naka patong.
Signs to be with my love of my life AGAIN :)
1) once na hinapit niya ang baywang ko out of nowhere
2) kapag nag kita kami somewhere important for us especially for him
3) kapag binigyan niya ako ng flowers sa feb 14
Hmmm, February 4 pa lang naman. Pero sige ok na 'to. Ano kaya ang sign number 4 ko? OH! Matagal tagal na rin simula nung huling naka sakay ako sa kotse niya.
4) sasakay ako sa kotse niya ULIT after those damn years
Number 5? C'mon, c'mon, thinkkk. Ah-hah!
5) and last but not the least, kapag hinalikan niya akong muli at sinabing mahal niya pa ako
Napatalon ako sa gulat ng tumunog ang phone ko. Argh!! Katangahan lang itong ginagawa ko. Bwiseeet. Nilukot ko ang papel at shinoot ko agad sa trash can malapit sa study table ko. Shoot!
Kinuha ko ang phone ko para makita kung sinong nag text. 1 message from an unknown number.
From: Unknown
Hi?
I'm here outside.
Kumalabog agad ang puso ko ng makita ko yung mensahe. Shit. Dali dali akong lumabas ng kwarto. Halos malaglag na ako sa hagdan sa kakatakbo ko. Nang makarating sa pinto ay huminga ako ng malalim. Ugh. Bakit ba naghuhumerando itong puso ko.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto. Kung anong bilis ng puso ko, siyang bagal naman ng hakbang ko habang tinatahak ang daan palabas ng gate. Lumabas ako at nanlaki ang mata ko nang makitang may tatlong itim na Lambo at grayish na-- tingin ko ay Bugatti.
Bumilis lalo ang tibok ng puso ko ng makita si OMG! Si Mighty na nakasandal sa isang itim na Lambo. Naka pamulsa siya at kitang kita ko ang tight muscles niya sa braso dahil naka sando shirt lang siya na tinernohan ng faded blue jeans.
Ramdam ko ang kaunting patak ng ihi sa panty ko ng lumapit sya at hinawi ang baywang ko. OH GODDD!?! THIS IS IT! THIS IS WHAT THE FUCK I AM SAYING! THOSE GOD DAMN SIGNS!
BINABASA MO ANG
Book 2: Where Everything Starts (ON-GOING)
RomanceAlthea is a strong and lovely woman. But how being hurt from the past can change her? She became more strong and firm. That strong girl became a strong lady. Years passed, her heart never changed. She's still madly in love with the man she left year...