Chapter 32
Zoe n' Mighty
Nakailang lunok ako nang nag tama ang paningin namin ni Zoe. Bumalik lahat ng nangyari how many years ago. Nangako akong ibibigay ko ang hustisya para sa kambal niya pero kinailangan kong umalis ng bansa. Damn! Parang hindi ko pa siya kayang harapin.
Naupo kami ni Sunny sa table nila Mommy. Kilala na siya ni Mommy kaya nginitian at binati niya ito.
"Wow ma'am! Ang engrande niyo naman po pala mag handa ng party para sa kompanya niyo!" Maligaya at manghang sabi ni Sunny.
"Deserve nila ito, hija. They did their best kaya dapat lang ito. Kung wala sila ay hindi aangat ang kompanya." Nakangiting sabi ni Mommy at sumimsim sa wine glass niya.
"Uy! Althea... you okay?" Tanong ni Sunny.
"H-Huh? O-Oo?"
Patanong kong sagot kaya lalong kumunot ang noo niya. Kanina pa siguro ako tulala dito kaya niya natanong. Hindi parin kase talaga nag sisink in sa utak ko lahat ng nangyayari at alam kong may mas higit pang darating.
"Sandali lang Sunny, cr lang ako." Paalam ko.
"Sure, sama na ako..."
Sabay kaming tumayo. Dahil sabay kaming tumayo ay dumulas ang high heels ko dahilan para mahila ko iyong tela nang table namin.
Umalingawngaw ang tunog ng pagkabasag ng ilang wine glasses at babasaging plato.
"Oh my god..."
Nakuha namin ang atensyon nilang lahat. Lahat sila ay nakabaling sa gawi namin. Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Zoe na nakatingin. Matalim ang tingin niya at may bahid ng pagkamuhi.
May humaplos sa braso niya kaya nagiwas na siya ng tingin. Sinundan ko ng tingin ang lalaking humawak sa braso niya at nagulat ako ng makita si Mighty na sobrang lapit sa kanya.
"Mabuti at walang natapunan. Ayos lang ba kayo?"
Nagaalala si Mommy nang tiningnan niya ang ilang guest sa table namin.
"E-Excuse m-m-me..."
Nag martsa ako paalis doon. Derederetso na ang buhos ng luha ko. Pinipigilan ko mang humikbi habang naglalakad ay wala rin. Nahihiya na rin ako sa mga taong nadadaanan ko. Napapalingon sila sa akin. Siguro dahil may isang babaeng may mataas na pangalan ang ngayo'y umiiyak at tinatakasan ang nakaraan.
I hate it... I really hate it seeing Mighty with another woman! At sa dinamidami ng babaeng iyon ay si Zoe pa talaga? Damn! Damn! Fuck this shit!
"Sandali lang, Althea!" Huminto ako sa pinakamadilim na parte ng parking lot.
"S-Sunny..."
Umiiyak na ako ngayon sa harap niya. Sa loob ng ilang buwan kong pananatili sa hotel ni tito (na ngayon ay kay Mighty na) ay naging magaan na ang loob ko kay Sunny. Siya ang nagiging kaibigan ko tuwing na m-missing in action ang dalawa kong kaibigan.
"Bakit ka ba umiiyak, ha? May mag aayos naman na nung table at tsaka anak ka kaya ng inaattendan nilang party kaya kahit mag suka ka ng tae doon ay dapat chin up lang. Nukaba!"
Umiling ako umiyak lang. Muntik ko nang makalimutan... wala nga pala siyang alam sa nakaraan namin ni Mighty. Sa mga nangyari ilang taon na ang nakakalipas...
"Let's go home... please..."
Alam kong gusto niya pang manood ng event at makasama o maka picture si Zoe pero sumama parin siya sakin.
"Sige, tara na..."
Habang nag dadrive ako ay iniisip ko ang reaksyon ni Zoe sakin kanina. Nung nagkita niya ako sa crowd na nanonood sa kanila ay parang wala siyang pake. Para bang alam na niyang makikita niya ako doon dahil Sanchez ang may hawak sa kanya.
BINABASA MO ANG
Book 2: Where Everything Starts (ON-GOING)
RomanceAlthea is a strong and lovely woman. But how being hurt from the past can change her? She became more strong and firm. That strong girl became a strong lady. Years passed, her heart never changed. She's still madly in love with the man she left year...