Chapter 5

542 17 0
                                    

Chapter 5

Sorry




Kakatapos lang ng klase namin at napag desisyunan ko na bisitahin si Mama. Wala kaming imikan ni Hazuki kanina pero pilit naman umeeksena si Hikaru para lang mag usap kami ni Hazuki.

Nag text na ako kay Mighty na hindi ako sasabay sa kanya dahil pupunta ako sa bahay. Since pwedeng mag iwan ng kotse dito sa parking lot ng school ay doon na ako nag punta dahil iniwan ko naman dun ang kotse ko.

***

"Nasaan po si Mama?" Tanong ko kay Manang Indang na naka upo sa sofa at nanonood.

"Nasa kwarto nya hija."

Nag tungo ako sa kwarto ni Mama. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at nadatnan ko si Mama na nakahiga. I felt guilty for not visiting her a few days ago. "Mama..." dahan dahan itong lumingon sa kinaroroonan ko. Akala ko ay galit sya sa akin ngunit laking tuwa ko ng tumakbo sya papunta sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Baby girl... I'm sorry..." wika nito.

"It's okay Ma, so.. what's your plan?" Kumalas na ako sa pag kakayakap nya at naupo sa kama. Naupo rin ito sa tabi ko. Namiss ko si Mama. I love my Mom and I'll respect her plans and decisions. Sana lang talaga ay kaya kong tanggapin kung ano man ito.

"We will take Hazuki... kukunin natin sya at magiging parte rin sya ng pamilya natin." Maganda ang desisyon ni Mama at sa tingin ko ay dun din lalalim ang pagkakaibigan namin. Magiging mag kapatid na rin kami-- pero.. paano...

"Pero Ma, paano ang pamilya nya? Yung kapatid nya?" May kapatid si Hazuki at ayoko na mawalay sya rito lalo na sa kinikilala nyang pamilya.

"Ayokong masira ang pagkakaibigan ng pamilya namin lalo na at business partner natin sila. But I think.. I'll just grab the opportunity to be with the Li's Company. Sila ang pinakamayamang pamilya sa bansa," yes... sila Mighty iyon. Matagal na rin kasi nakikipag deal ang pamilya ni Mighty kina Mama, Papa at syempre kay Lola at Lolo dahil sila ang unang humawak ng kumpanya namin. "Malaki ang shares nila base sa ilang naging ex BP nila. Napirmahan ko na rin an kontrata namin ng Li, ang mga Abiog nalang ang problema." Seryosong sambit nito.

"Sasamahan kita bukas makipag usap sa mga Abiog Mama, sana lang ay pumayag sila." I kissed her cheeks at hugged her.

"I love you Ma." Nakangiting wika ko.

"I love you too Anak..."

***

Bumalik na ako sa Unit pero hindi ko nadatnan doon si Mighty. Ang sabi nya naman sa akin ay uuwi na sya at nagpaaalam naman ako sa kanya kanina. Lumabas ulit ako. Nakita ko na nakatayo doon ang ilang guards at si John.

"Si Mighty?" Deretsyong tanong ko kay John. Naiinis nanaman ako qingina! Bat kasi kung saan saan pa pumupunta, pwede naman umuwi nalang. Tinignan lamang ako ni John at yumuko. Dalawa lang ang ibig sabihin non. Wala syang balak sabihin o hindi nya talaga alam. Fuck!

Bumalik ako sa loob at nag punta sa mini table sa gilid ng sofa dito sa sala. Naandun kasi nakapatong yung telepono at may phone book doon. Binuklat ko ito at hinanap ang number ni Gerald. Tinawagan ko ito kasi baka mamaya kasama lang nya ang gang nya. Or kung saan man. Kairita! Di na ko makapagpigil!

"Hello?"

"Si Mighty nasaan?"

"A-ah.. d-di k-ko alam eh. W-wala naman syang n-nasabi kung saan s-sya p-pupunta..." nauutal na sambit nito. Pero hindi gaanon kalinaw kasi maingay sa kabilang linya.

Book 2: Where Everything Starts (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon