A/N: What happened to my active readers? Missed your comments and votes :( , love you :)
---------------------
Chapter 20
"Kasalanan mo"
Nagising ako ng balot na balot ng kumot. Nilingon ko ang kabilang parte ng kama ngunit walang anino nya ang nakita ko doon. Hindi ko maintindihan ngunit biglang bumilis ang takbo ng puso ko na tila ba katulad si Mighty ng ibang lalaki na matapos kunin ang nais ay iiwan nalang ang babae ng basta basta.
Umiling ako. Don't be paranoid, kung gusto ka nyang iwan ay matagal na nyang ginawa yon, now get the fuck up and dress up. Nag damit agad ako. Nang marinig ko ang pagsara ng pinto ng banyo ay nakahinga ako ng maluwag. Naka twalya lang si Mighty ng lumabas ng cr. Naka salumbaba ako habang naka titig sa bawat kilos nya.
"Morning babe." May ngiting sabi nya.
Nginitian ko lang sya saka humiga muli. Inaantok pa ako. "Tired? Sorry I hurt you last night." Nangiti nalang ako ng maalala ang nangyari kagabi. Masakit pala iyon sa umpisa, pero pag nasanay ka na ay nanaisin mong ulit ulitin.
"Yeah, don't worry, I'm okay. Medyo masakit lang yung gitna." Awkward akong ngumit ng bangitin ko yung huling salita.
"Uhh, I received a text from the gang. We'll visit your friend today at the hospital so take a bath already." Kumalabog ang dibdib ko sa narinig. Si Hazuki nga pala. Kamusta na kaya sya. Oh god, please help her.
"You okay?" Mukhang napansin nya ang pagkunot ng noo ko at ang pagaalala sa mga mata ko.
"Natatakot lang ako para sa kanya."
Habang nag dadrive si Mighty ay hindi parin mawala sa isip ko si Hazuki. Sisisihin ko ang sarili ko kapag may nangyari masama sa kanya. Hindi kakayanin ng konsensya ko iyon.
"Don't worry too much, babe. Sabi ng gang ay medyo kritikal ang kalagayan nya pero magiging maayos naman daw ang lahat soon."
I heave a deep sigh. Worrying won't stop unless ako mismo ang kumausap do'n sa doktor.
Nang marating namin ang naturang ospital ay bumaba na agad si Mighty. Umikot sya para pag buksan ako. Nang makalabas ay hinawakan nya ako sa baywang habang lumalakad papasok.
Sinalubong kami ng buong tropa sa lobby ng hospital. "Nasaan sya?" Nag aalalang tanong ko.
"Kasama nya ngayong yung mommy nya, I think, we have to stay here muna para naman ay mag karoon ng panahon ang magulang nya na bisitahin sya." Sabi ni Miles. Tumango na lamang ako at kumapit sa braso ni Mighty.
Lumipas ang oras at nakita ko sila tita na papalapit sa amin. Tumayo ako at lumapit sa kanila. Hindi ko na napigilan at humagulgol na ako. Niyakap ko si Tita at doon na sa kanyang balikat umiyak. Wala akong yakap na natanggap sa kanya kaya tiyak kong galit sya. Galit man sya sa akin ay wala na akong paki. Ang tanging gusto ko lang ay humingi ng sorry.
"S-sorry tita, h-hindi ko sya-"
Hindi ko na natuloy ang aking sasabihin ng itulak nya ako at sampali ng malakas. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi pa ako kikilos kung hindi ako hinila ni Mighty para yakapin. Bumitaw ako sa yakap ni Mighty at inilayo sya sa akin. Gusto ko syang sisihin sa lahat ng nangyayari pero wala akong lakas ng loob para saktan at sigawan sya. Hinarap ko si tita para saluhin lahat ng salita nya.
Kitang kita ang pamumula ng mata nya. Halo halo ang nakikita ko dito. Galit, lungkot, awa at pandidiri sa akin.
"Sa oras na malaman kong ikaw at ang mga yan ang may kasalanan kung bakit nasa ospital ngayon ang anak ko ay hindi ko alam kung mapapatawad pa kita." Nanginginig ang kanyang boses pero nagawa nyang ituloy ang kanyang susunod na mga litanya. "Ipapaalam ko ito sa mga magulang mo ng matigil na yang kabaliwan mo sa lalaking yan! Madami nang nadadamay Althea at isa na doon ang anak ko! Kailangan mong malayo sa mga taong yan! Kriminal, gangster at mga basagulero. Wala kang mararating sa mga yan." Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa, kitang kita ang pandidiri sa kanyang mga mata. Tinalikuran kami ng tuluyan.
"It'll be better if we'll go home-" hahawakan na sana ako ni Mighty pero sinangga ko iyon ng aking braso.
"No. I'm not coming with you." Kitang kita ang pagtataka sa kanyang mukha pero wala na akong paki don, basta ayaw kong sumama sa kanya.
"Why? We'll go home together, alright." Hinawakan nya ang kamay ko at inumpisahang mag lakad pero binawi ko ang kamay ko sa kanya.
"I said no." Mariing sabi ko. Hindi ko na rin naiwasang mag taas ng boses. Tumakbo ako palabas ng ospital habang lumuluha. Isang beses ko pa syang nilingon at tanging sakit lamang ang nakita ko sa mga mata nya. Nasaktan rin ako sa nakita pero kailangan kong umalis at mapagisa.
All this time ay pinakikingan, sinusunod at iniintindi ko sya pero ngayon ay kailangan ko ring isipin ang sarili ko. Gusto kong mapagisa at magisip isip.
Pumara ako ng taxi.
Nang makarating ay tulala akong pumasok ng bahay. Tinanong pa ako ni manang kung gusto ko raw bang kumain pero hindi ko sya inimik at tinalikuran ko lamang sya. Pumanhik na ako at dumeretso sa kwarto. Nahiga at nag pahinga ako, nakakalungkot dahil tanging mga driver at katulong lang dito sa bahay ang kasama ko dahil nasa Amerika sina Mommy. Business matter.
Naalala kong lowbat nga pala ako. Pinanood ko muna ang paglubog ng araw bago ko napag desisyunang icharge ang phone ko. Maraming text at tawag ang na received ko.
(9:34 AM) Mom:
Goodmorning baby, how are you? Me and your dad will go home at the end of the month. Wait for us, huh. Love you, take care.
Me: I'm fine mom, love you too and take care :)
(11:46 AM) Dad:
Hi sweetheart, how is my pretty daughter? I'll give you your new phone when we get there. We'll be home at the end of the month. Take care darling, dad loves you sooo much.
Me: I'm good. Oh thanks dad, so excited to see it, love you too dad :)
(2:26 PM) Cassandra:
How's Hazuki? Balita ko naospital sya, I hope she's fine. Balitaan mo ko kapag okay na sya. :)
Me: Di ko sya nabisita but sure, I'll text you as soon as I visit her.
The others are from the gang and Mighty.
(3:24 PM) Mighty:
I'm sorry.
(3:25) Mighty:
Did I hurt you?
(3:26) Mighty:
What did I do wrong?
(3:27) Mighty:
Althea, pls answer you damn phone.
(3:28) Mighty:
I'm worried about you. Pls answer it.
(3:30) Mighty:
I'm really sorry..
Mas marami pa dyan ang natanggap ko mula sa kanya. 53 texts and 24 missed calls. I missed him already. But I have to choose myself this time.
BINABASA MO ANG
Book 2: Where Everything Starts (ON-GOING)
RomansaAlthea is a strong and lovely woman. But how being hurt from the past can change her? She became more strong and firm. That strong girl became a strong lady. Years passed, her heart never changed. She's still madly in love with the man she left year...