A/N: Hi readers! I missed your comments and votes, sampol naman jan :)
---------------------
Chapter 21
Aalis
Nag Christmas Break kaya naman imbes na mag aksaya ng panahon kay Mighty ay ibinuhos ko lahat ng oras ko sa pagbisita at pag eensayo para sa business na ipapamana sa akin nila mommy. Kakauwi lang nila nung katapusan ng November.
Habang nanonood ng movie sa sala ay naalala ko ang sinasabi sa akin ni tita sa ospital. "Sasabihin ko ito sa mga magulang mo." Kinatakutan ko ang mga salitang iyon pero mukhang wala namang alam sila mommy. Normal lang ang bawat araw na nag daan. Hindi rin naman nila ako kinakausap tungkol doon.
Or so I thought?
"Althea, can we talk?" Rinig kong sabi ni mommy mula sa likod ko. Nakaupo kase ako ngayon sa sofa. Nilingon ko ito nang may halong pagtataka.
"Yes mom? Bakit po?" Pinatay ko ang tv at nag tungo sa kanya. Malungkot syang ngumiti bago nag umpisang mag lakad. Sinundan ko sya at sa tingin ko ay sa office nila ni daddy ang tungo namin.
Umupo sa sa kanyang swivel chair at inikot ito sa dalawang beses saka humarap sa akin. Pinag siklop nito ang kanyang mga kamay at naka tingala sa akin.
"We'll leave, we're going to America and you'll continue your studies there."
Napaawang ang bibig ko sa sobrang pagka bigla sa sinabi ni mommy. Am I dreaming? If this is a fucking dream, I really really wanna wake up.
"Are you kidding mom? Do you really think I'll take this seriously?" Tumawa ako at bakas ang pagiging sarkastiko.
"I'm serious. Aalis tayo next next week na. Pack your things. Babalik tayo dito after 4 to 5 years. I don't know kung kelan. Bibisita rin naman tayo dito, I'm sure naman na may mga kaibigan ka rin na makikila room. Para rin sayo ito, makakapag ensayo ka doon para sa business na ipapamana namin sayo, doon rin na base yung bagong negosyo natin na kailangan pa namin iestablish ng dad mo. So please, anak. I don't wanna hear any 'buts' from you." Tulala akong naglakad paalis ng office. Nilakad ko ng tahimik ang daan patungo sa kwarto ko.
Ramdam kong nag init bigla ang gilid ng aking mga mata. At kusa na lamang itong bumagsak lalo ng makita ko ang text ni Mighty.
Mighty:
I'm sorry love, I want to see you, I really really want to hear your voice babe. But I think you want some space, I'm fine with that. I love you.
Malaki ang galit ko sa kanya. Dahil pakiramdam ko lahat ng problema nya sa buhay gangster ay dala ko na rin, pati kaibigan ko ay nadamay. Pero hindi ko maitatangi na mahal na mahal ko sya, hindi ko sya kayang iwan ng ganoon katagal. Kailangan ko ring lumayo ng pansamantala.
Natapos ang Christmas break. Pag pasok ko palang ay tila ba may bago sa akin. Wala akong kasabay. Wala si Haz. Wala si Mighty. Wala akong kaibigan natira. Pag pasok sa classroom ay tahimik. After 5 minutes ay pumasok rin si Mighty. Ngumiti si Mighty sa akin pero wala syang ngiti na natanggap mula sakin na naging dahilan ng pag kunot ng noo nya. I'm sorry but I have to do this. Kailangan kong saktan sya bago ako umalis para lumayo na sya sakin. Masakit rin yon para sakin. Heck! Akin si Mighty at dapat ako lang ang babaeng para sa kanya. Pero kapat nakaalis na ako ng bansa, I need to set him free.
LDR? No, kailangan kong mag focus sa sarili at pamilya ko. Lalo na sa pag aaral at business na ibibigay sa akin pag dating ng panahon. Marami na rin kasing nangyari mula ng makilala ko si Mighty. Good and bad memories. Itatabi ko yung mga magagandang alaala.
Nang mag lunch na ay lumapit sa akin yung transferee. Galing syang US.
"Can I take lunch with you?" Nakangiting tanong nito.
"Yes, sure." Ngumiti rin ako pabalik.
Lumabas na ako ng classroom at dumeretso sa locker room ng hilain ako ni Mighty. Isinandal ako nito sa pader na ikinagulat ko.
"I don't really know if what's your problem, babe. I really really want to kiss you."
Nag lapat ang mga labi namin. Hinihingal kaming dalawa nang bumitaw kami pareho. "Let's take a lunch. That's not an offer. It's a command from me, from your BOYFRIEND." mariin ang pagkaka bangit nya sa huling salita.
"No, naka Oo na ako kay Daniel. Pangit naman kung di ko sya sisiputin." Giit ko.
Aalis na sana ako ng humigpit ang kapit nya sa kamay ko. "You're mine and you're going with me." Mariin sabi nito.
Huling lunch ko na ito kasama ka Mighty.
Nagdaan ang ilang araw, ilang araw ko na rin syang iniiwasan. Ngayon ang alis namin at ngayon din yung birthday ni Mighty. December 30. Gabi yung party, gabi rin yung flight namin. Sa bar ng tito nya ang party. Aattend ako. Kahit ngayon lang.
Nag suot lang ako ng black fitted dress na sleeveless with my black pouch. Pag dating doon ay malakas na tugtugan ang sumalubong sa akin. As usual, bar ito. Hinanap agad ng akin mata ang grupo nila Mighty. Nilapitan ko sila. Maraming chikas na naka upo kasama nila pero naka yuko at tahimik lang si Mighty. May space pa naman sa tabi nya kaya doon ako naupo.
"Happy Birthday Mighty." I gave him a key chain and a silver bracelet. Gusto ko, hanggang sa pagbalik ko ay suot nya parin ito.
Nag taas sya ng tingin sakin at nanlaki ang mga mata nya ng makita ako. Ngumiti sya at tinadtad ako ng halik sa aking mukha. This is the last time na makikita ko iyang masaya mong ngiti.
"You came." Aniya
"Of course, boyfriend kita e. Tara, may sasabihin ako sayo." Yaya ko sa kanya. Lumabas kami ng bar at nag punta sa parking lot. Sumakay ako sa drivers seat. Dadalhin ko sya sa favorite place ko nung bata pa ako.
"Ikaw mag dadrive? Saan punta natin?" Tanong nya.
"Secret." Hinalikan ko sya sa labi at bumitaw rin agad.
Dinala ko sya rito sa taas ng bundok. Dito inilibing yung lolo ko nung bata pa lamang ako. Namatay ito dahil sa mga bisyo nya pero wala akong balak ipaalam iyon kay Mighty.
"Wow, this... is... amazing." Humawak sya sa akin baywang habang naka tingin sa langit.
"I'm leaving." Malungkot na sabi ko.
"What?" Gulat na sabi nya habang nakatingin sa akin.
"Sa amerika ako mag aaral, babalik ako after 5 years. Kailangan Mighty."
Di ko pa sya nakikitang umiyak pero may maliit na butil ng luha ang nakita kong kumala sa mga singkit nyang mata. I'll miss his chinky eyes. I kissed his eyes.
"Babalik rin ako, I promise."
Yumakap ako sa kanya at hindi ko na napigilan pang umiyak.
"Happy birthday ulit. I love you."
Hindi pa nya nabubuksan yung regalo ko. Buksan na lamang nya iyon pag alis ko.
BINABASA MO ANG
Book 2: Where Everything Starts (ON-GOING)
RomanceAlthea is a strong and lovely woman. But how being hurt from the past can change her? She became more strong and firm. That strong girl became a strong lady. Years passed, her heart never changed. She's still madly in love with the man she left year...