Chapter 39

369 9 0
                                    

Chapter 39

Baby

Ilang linggo akong hinndi pumasok sa AIA. Kagabi ay pumunta dito si Sunny. Sumabay daw siya kay Mom dahil hindi niya alam kung saan ang bahay talaga amin.

"Bakit ba kasi ayaw mo pang pumasok?" tanong niya sa sakin kagabi.

"Natatakot akong harapin sila, diba nga sabi mo nag leak yung video na iyon. Alam kong paguusapan lang nila ako kaya mas magandang pahupain nalang yung sitwasyon..."

Kahit na kating kati na akong lumabas ng bahay at pumasok sa AIA, hindi pwede. Babalik na rin ako sa condo ko dati, hindi na ako babalik pa sa Hotel ni Mighty.

Matapos niya akong ipagtabuyan nung araw na 'yon. Malamang ay sinisisi niya ako sa nanggyari sa prinsesa niyang demonyita. MAGSAMA SILA!

Nabalitaan ko rin kay Sunny na malapit ng mahanap si Rex. Kasama daw si Mighty ngayon doon. Natatakot ako para sa kanya pero sigurado akong hindi naman iyon susugod sa gyera ng walang armas.

RIINNGG!

Nag ring ang phone ko kaya sinagot ko agad iyon.

"Hell-"

"Althea, nasaan ka ngayon?!" nag papanic ag boses ni Sunny kaya kinabahan ako.

"Nasa bahay ako-"

"Huwag kang aalis diyan ngayon! Si Mighty nabaril!"

Napatayo agad ako sa kama ng marinig iyon. Oh my god! Para aakong tinakasan ng dugo at naubusan ng laway. Nakailang lunok muna ako bago nag sink in sa utak ko yung siinabi ni Sunny.

"H-HA?! SABIHIN MO NG MAAYOS! ANONG NANGYARI?" sigaw ko.

"A-Ang nakita ko lang kanina ay dumating si Mighty kanina, may kasamaang siya... mga uhm... mga gwapo tapos may ilang mga swat na kasama! Tapos hiinahanap ka niya! Nagulat nalang kami nung may nagpuputukan na!"

Napasinghap ako! Hindi na ako makahinga ng maayos! Hindi ko masikmurrang mag stay lang dito sa bahay habang si Mighty ay nasa panganib para lang iligtas ako sa mga salot na 'yon!

Nag fitted jeans gray v-neck shirt at jacket lang ako saka ako bumaba para ipaalam kay manang Indang yung nangyayari. Pinaalalahanan ko siyang huwag iyon banggitin kay Mom at Dad.

"Mag iingat ka!"

Pahabol ni manang ng pasakay na ako sa kotse. Pilit ko siyang nginitian kahit na hindi na ako mapakali. Pinaharurot ko agad ang kotse papunta sa AIA.

Pag dating ay nakita kong napakadaming pulis, swat at mga ambulansya. Nakita ko pa si Zayn na nakikipag usap sa isa sa mga pulis doon. Agad akong bumaba ng kotse para lapitan siya nang may humigit sa braso ko.

"Wag mong subukan!"

"ZOE?!"

Mahigpit ang pag kakahawak niya sa braso ko. Alam kong magkakapasa ako dahil sa higpit.

"Huwag kang makialam, Althea." mahinahon na siya ng sinabi niya iyon.

May bahid ng awa, pag susumamo, lungkot at galit ang nakikita ko sa mga mata niya. Bakit?

"Masisira ang plano ni Mighty kapag nakialam ka pa."

"ANO BA TALAGANG ALAM MO HA?!" sigaw ko sa kanya. Hindi na ako makapagpigil!

"Alam ko yung mga bagay na hindi kayang bitbitin ng utak mong mahina sa mga bagay na tulad nito!" banat niya.

Nanginginig na ang mga kamay ko at gusto ko ng siyang saktan pero pinigilan ko ang sarili ko. Napupuno na ako sa babaeng to!

Book 2: Where Everything Starts (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon