Chapter 14

480 20 0
                                    

Chapter 14

Kainan sa kotse




Saturday na at syempre nakapagayos na rin kami ng mga dadalhin namin. Hindi ko pa nga nasasabi kina Haz na aalis kami eh. Bukas na alis namin, yeheyyy!

"Kris, gusto ko rin mag punta ng 100 Islands huh?" Tinignan nya lang ako habang zinizip yung backpack namin.

"Isn't it obvious? Aalis tayo, syempre mag gagala rin right?" Sungit naman nito.

"Ah, naubos ko na yung mga snacks ko---" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang ilagay nya yung index finger nya sa labi ko.

"Fine, bibili tayo ulit. Tsk."

Pagkasabi nya nun ay tumakbo na ako paakyat papunta sa kwarto. Yehey! Nag bihis na ako saka bumaba.



"Bakit ba puro Vcut nalang ang binibili mo?" Naiiritang sabi nya ng kumuha ako ng limang malalaking Vcut. Ang konti kaya ng laman nito kaya kailangan marami ang bilhin.

"Isn't it obvious?? Alam mo bang bata pa lang ako ay ito na ang kinakain ko?" Pagtatangol ko sa Vcut. Totoo naman eh, tsaka hindi naman ako nag kakasakit since lagi naman ako umiinom ng tubig at healthy ako.

"Ah, bahala ka." Sumimangot sya saka nag walk out. Aba! Sumosobra na 'to ah? Parang ito lang, ikagagalit nya pa. Isip bata kase. Hinabol ko sya at binato ko yung Vcut sa Cart. "Iyan lang naman ang bibilhin ko eh, tapos yung Mogu Mogu doon oh." Sabay nguso ko doon sa parang glass ref na makikita yung mga drink sa loob.

"K." Psh, kala mo naman. Diwow! Daming alam, nyenyenye. Kaartehan mo tsong!

"Ikaw, wala ka bang bibilhin? Sige ka, wala kang kakainin sa kotse." Nag bago ako timpla ng mukha nya, from simangot to ngisi na nakakatakot. Wait, may sinabi ba akong---

"Edi ikaw na lang ang kakainin ko." Omg, feeling ko ay nag init ang pisngi ko kaya hinampas ko sya sa braso. Humagalpak sya ng tawa habang naka hawak pa sa tyan nya. Err.

"Sige, tumawa ka pa. Wala namang nakakatawa." Nag palit tuloy kami ng mood. Sya, ansaya saya nya tapos ako itong naka simangot ngayon. Badtrip.

"Hahaha! Bibili nalang ako ng Mcdo or Jollibee. Dami daming pwedeng bilhan ng pagkain eh." Umirap lang ako at pinagkrus ko lang ako braso ko sa dibdib ko. "Sorry na." Nag pipigil pa rin sya nang tawa kaya lalong nalukot ang mukha ko.

"It's okay kung ayaw mo na rin bumili," nakakalokong ngiti ang binigay nya sa akin bago tinuloy ang sasabihin nya, "ibalik mo na yang mga yan, magkainan nalang tayo mamaya sa kotse." SHEEEET. Talaga tong arghh! Lahat ng init sa katawan ko ay napunta sa pisngi ko, pakiramdam ko nga nasama na pati tenga. Lintik talaga tong si Mighty.

Nag patuloy lang kami sa paglalakad ng may tumawag sa akin--- sa kanya pala.

"Hey, Kris." Boses ng babaeng tumawag sa kanya. Kita ang saya sa mukha ni Kris ng makita nya ang babae kaya lalo ma talagang lumukot ang mukha ko na kahit pa ayusin ng artist ay hindi na talaga mababago.

"Camille? Oh, hi." Masiglang bati nya at nakipag beso pa. Nyetang yan, kiss na ata yun kase medyo dumikit yung lips. Argh.

"I thought you were in States?" Nyenyenye, hindi man lang ako ipakilala eh. Kainis! Nag mumuka akong timang dito.

"Ahh, nah. I just want to get rid of my boyfriend. Ya know, I like a man like you." Sabay kindat nya kaya nanglaki ang mga mata ko, si Mighty naman ay tumawa lang. Aba si gago, ang saya pa ata. Jusko, pag di pa ako pinansin nito, iiwan ko talaga to.

Buti na lang ay nagawi ang tingin sa akin ng babae, gago kanina pa ako naandito. "Oh, who is she?" Hinead to toe nya ako sabay sabing... "Your new assistant?"

Natiimbagang nalang ako sabay simpleng siko kay Kris. Oh God! Wala ba talaga syang balak mag salita?? Nakakaimbyerna na ah!

"Ah nah, actually she's my Girlfrie---" Hindi ko na sya pinatapos pa at ako na ang nag tuloy.

"His Fiancé." Taas noo ko syang hinarap at nag smirk pa. Halata ang gulat sa mukha nya pero mabilis din nya itong binago. Ngumiti sya ng nakakaloko.

"Kris? I thought you like a girl like me? Oh, I'm still free, ya know." Tumawa lang si Mighty saka lumingon sa akin. He mouthed me fiancé? Yes, binabakuran lang naman kita lalo na sa mga ganitong klaseng Anaconda. Masyadong aggressive eh.

"Uhm, gusto mo bang sumama bukas? Pupunta kaming Pangasinan, right?" Tumingin sa akin si Mighty to get my permission but I just stared blankly at the girl.

"Nah-uh," Pag gaya ko sa sinabi nya last Tuesday nung gusto kong isama sila Hazuki. "No one is allowed to be with us, especially kapag ang kasama natin ay ahas." Sabay ngiti ko ng sarkastiko.

"Oh really? So, bakit nga pala kasama ka?" Naningkit ang mata ko sa sinagot nya. Ako pa ang ahas dito huh?

"What the hell did your dirty fucking mouth say?" Nakakamangha rin pala itong babaeng 'to eh. Lakas tumira, ingudingod ko kaya 'to sa gulong nh kotse.

"Want me to repeat it?" Susugod na sana ako ng hinarangan ako ng braso ni Mighty kaya hindi ko na itinuloy. Nakaka gago pala kausap 'to eh. Tapang mo dai! Sarap sikmuraan eh.

"Goodbye, Jam. Gotta go."

Hinila na ako ni Mighty patungong counter para bayaran lahat ng pinamili namin. Kung hindi lang sana ako nito pinigilan eh baka wala ng mukha yung babaeng iyon.

"Look, we're childhood friends. Nothing to worry."

Paliwanag nya pag kauwi at pag kauwi pa lang namin. Malamang, pinaulanan ko lang naman sya ng malulupet na bars. Daan muna kami sa matinding Fliptop battle.

"'Wag mo 'kong daan daanin sa ganyan, kaibigan kaibigan. Nilalandi ka na nga kanina tawa ka pa ng tawa!" Sigaw ko pabalik, mag sawa ka sa sigaw ko.

"Ganun lang talaga sya kausap dati pa, ano bang ikinagagalit mo dun?" Hindi ako makapagsalita. It's just that, basta.

"Hindi mo kase ako pinapansin kanina nung kausap mo siya. Feeling ko tuloy na-a- out of place ako. Tapos mukhang ayaw mo pa ako ipakilala. Ayaw ko na sayo! Bahala ka dyan!"

Tumulo na ang mga luha ko kaya yumuko't tumakbo na ako papuntang kwarto. Sumalampak agad ako at dumapa. Nakakainis! Bakit ba ako umiiyak eh wala naman talagang problema. Ehhh! Girl, wag ka paapekto doon sa chanak na babaeng 'yon. Ikaw ang girlfriend kaya wala kang dapat ika bahala.

Pero, paano kung bigla nalang akong hiwalayang ni Mighty tapos maging sila nung babaeng 'yon? Argh!!! Nakakastress naman 'to.

"T-teka? N-nag seselos ba 'ko?"

Wala sa sariling tanong ko sa sarili ko. What? Ibang iba ito sa mga selos na dumaan sa akin nung bata at highschool pa ako. So, ganito ba talaga mag selos kapag mahal mo na?


A/N: Hi, guys. Sa ngayon, nag papanotice pa ako sa mga admin ng WattpadIsLove para maipost yung trailer na ginawa ko. Sa mga gusto po makita yung Trailer, ipopost ko rin po iyon dito. Wait wait lang.

I try'na make this chapter long but I need to cut it here for the next chapter's sake. Special thanks for those who understand.

Book 2: Where Everything Starts (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon