Chapter 27

432 12 1
                                    

Chapter 27

Huli na ang lahat

Patuloy lang siya sa paglalakad habang ang kamay at braso niya ay naka pulupot parin sa baywang ko. Ang isang kamay naman niya ang naka pamulsa. Naka tingala lang ako sa kanya. Matagal na mula nung huling beses na ganito ako kalapit sa kanya. I missed him.

Umangat ang gilid ng labi niya ng mapansing naka titig lang ako sa kanya. Oh shit! Marahan ko siya tinulak kaya napatingin siya sa akin gamit ang nag tatakang mata.

"T-Teka nga l-l-lang..."

Nauutal na ako. Hindi ako makatingin ng deretso sa malalim at nakakalunod niyang mga mata.

"A-A-Ano bang k-kailangan mo?"

Sumulyap ako sa kanya. Nang mag tagpo ang mga mata namin ay agad akong nag iwas ng tingin. Ugh! Nakakahiya na itong inaasta ko.

"Sinusundo ka?" Simple at patanong na sagot niya.

Narinig ko pa ang mahinang tawa niya. What the fuck?! Tinatawanan niya ba ang kinikilos ko ngayong magkalapit kami? Ugh shit! Medyo napapikit pa ako dahil dinadama ko ang boses niya. Lalo ang tawa niya.

"S-Saan naman tayo pupunta?" Nilakasan ko na ang loob kong makipag titigan sa kanya.

Tumingala ako at laking gulat ko nang makita naka ngisi siya. Kinagat niya ang ibabang labi niya at muling hinapit ang baywang ko. Naglakad na siya kaya naman nagpatianod nalang ako. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya.

Hindi ako pumasok at padabog na sinarado ang pinto nito. Hinarap ko siya gamit ang badtrip na mukha.

"Saan ba talaga tayo pupunta, ha?" Naka pamaywang na ako habang tinataasan siya ng kilay.

"Marami pa akong importanteng gagawin maliban sa pagsama sayo." Dagdag ko.

Nag iba ang ekspresyon ng mukha niya. Di ko alam kung anong ekspresyon pero parang malungkot, disappointed at galit. Nag iwas siya ng tingin ng mapansing pinagmamasdan ko ang mukha niya.

Ako naman ngayon ang napangiti. Naka lingon siya ngayon sa kabilang kotse na itim rin. Mula rito sa kinakatayuan ko ay kitang kita ko ang mahaba at makapal niyang pilik-mata. Ganoon din ang kilay niya. Makapal ito at nakakaingit ang shape kase mas maganda pa ata ang kilay niya kaysa sakin.

Pinagmasdan ko ang repleksyon ko sa kotse niya. Naka gray sando shirt lang ako at may itim na tube sa loob kaya di kita ang bra ko. Syempre. Di naman ako FHM Model, 'no. Naka itim na shorts lang ako. Medyo nahiya naman ako sa damit ko ngayon. Nag yayaya siyang lumabas ng naka ganito lang ako? The fuck?

"Bakit? May lakad din ba kayo nung lalaki kagabi, ha?" Nagulat ako sa tanong niya.

Is he talking about Ivan?

Kinalabit ko siya kaya naman napalingon siya sakin gamit ang seryosong mukha.

"T-Tara na?"

Ako na mismo ang nagyaya dahil ayaw kong sayangin ang oras niya sa pagiinarte ko.

Marahan siyang tumango, di ko alam kung namamalik-mata lang ba ako pero nakita kong ngumiti siya. Ngisi ang lagi niyang pinapakita sakin. Pero ngayon ay isang totoo at walang halong kalokohan ang ngiti niya.

Isa lang ang nalaman ko ngayon. Hindi ko parin siya kayang tangihan. Kase tangina, mahal ko siya. Bahala na. Hindi ko na kayang mag panggap pa sa sarili ko. Kung ano yung nararamdaman ko ito na iyon. No fake shits anymore.

"Kain muna tayo sa restaurant ni Miles."

Binasag ni Mighty ang katahimikang kanina pa nananalaytay dito sa loob ng kotse.

Book 2: Where Everything Starts (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon