Chapter 6
Nasaan ka na ba...
Lumipas ang tatlong buwan at sa wakas ay bakasyon na. Lumipas ang tatlong buwan at maganda ang pagsasama namin ng pamilya ko at ni Hazuki. Hindi pa man maayos ang lahat ay sinikap namin mag sama bilang isang pamily, though ang weird ni Mighty. My time na iiwas sya. Minsan nakakalimutan nya pa na may lakad kami or di kaya naman ay susunduin ako.
Bumibisita din kami ni Hazuki kina Karu para mapanatili ang pag kakaibigan namin. Alam na din nila tita Junly ang about sa family ko at kay Hazuki. Everything goes well. Walang problema ang dumarating. About naman dun sa mga De Vera... hindi pa daw sapat ang mga sinabi ko para akusahan si Rex. Hindi naman ako masyadong kinakausap ni Mighty tungkol doon dahil sya na daw ang bahala sa lahat.
Since mag isa lang ako dito sa Unit ni Mighty ay tinawagan ko nalang sila Hazuki at Hikaru na mag punta dito. Katapat lang naman ng Unit ko ang Unit ni Mighty kaya hindi na sila mahihirapan hanapin. Bumaba ako at nag punta sa kitchen. Sinalinan ko ng tubig ang baso ko at ininom ito. Maya maya pa ay narinig ko na ang door bell. Siguro sila na iyon.
Lumapit na ako sa pinto at binuksan iyon. Tama. Sila nga. "Oh.. ano yang dala mo ha?" Nakangiting tanong ko kay Hikaru. May dala kasi syang box tapos yung iba paper bags na sa tingin ko ay galing mall.
"Ahh, ito? Obvious ba? Malamang cake. Duh!" AHAHAHAHA cake nga. Muntanga lang ako. Nag tanong pa. Eh malay ko ba kung may kung ano lang syang nilagay dun tas hindi naman pala cake diba? Naniniguro lang. "Bakit mag isa ka lang dito ha? Nasaan yung Mighty MO?" Diniin pa talaga yung word na MO.
"Aba ewan ko dun sa taong yun." Actually inaayos nya yung bagong Bar nila ni Kian na napanalunan nanaman nila sa gang fights. I don't care about such stuffs you know, kaya naman hinahayaan ko lang sya. "Wala ba kayong balak pumasok? May maganda siguro kung mag uusap tayo ng nakaupo tapos kumakain, right?"
"May utak ka rin pala eh noh? Tara na nga!" Tinulak na kami ni Hazuki papasok at nauna na syang naupo sa sofa. Si Hikaru naman ay dumeretso sa kitchen para buksan yung cake at hatiin yun. Syempre ako naman, bumalik sa kwarto at kinuha ang phone. Admit it guys, kahit naman sino ay hindi makakasurvive kapag hindi nila hawak ang phone nila.
Pabalik na ulit ako nun ng mag vibrate ang phone ko. Nag text si Mighty... pero ang weird ng message nya.
From: Mighty-liling❤️
(6:49 PM)
Wag kang mag papapasok ng kahit na sino sa Unit. Kahit ang mga kaibigan mo.
From: Mighty-liling❤️
(6:49 PM)
Kumain ka na, mukhang matatagalan ako. I love you, goodnight
Bumalik na ako bago ako nag reply. Naabutan ko silang nanonood ng KPOP MV's habang kumakain ny Cake. Naupo ako sa tabi ni Hazuki. Si Hikaru kasi sa floor naupo. May carpet naman tsaka malinis yan 'no! Nag reply na ako kay Mighty na makaupo ako.
To: Mighty- liling❤️
Wala na ehhh, nkapasok npo sila Haz tsaka Karu.
Bkit ko nmn cla hndi papapasukin?
Okieee, taka care. Love u too😘
Nakinood nalang ako kina Karu habang inaantay ang reply ni Mighty. Ang pinapanood pala nila ngayon is Run ng BTS. Tas ang next ata yung Stay ng BLACKPINK.
"Dashi run! run! run! Neomu cheo suga eopseo!"
Sabay sabay na sigaw namin. Hindi nga namin alam kung tama ba yung sinasabi namin basta todo kanta lang. Mga timang lang ang peg.
Nag enjoy lang kami, di na nga namin napansin na gabi na pala. Pero, wala parin si Mighty. Nasaan na kaya yun? Tumayo na si Hazuki at Hikaru tapos nag punta sila sa kitchen at kinalkal yung ref. Baka mag luluto ng hapunan.
Naisipan kong tawagan si Mighty pero walang sumasagot. Err, sa totoo lang na babadtrip na talaga ako. "Uy, anong ginagawa nyo jan ha?" Lumapit ako sa kanila na tawa ng tawa sa kusina.
"Duh, obvious ba? Dito kami matutulog noooh!" Sabi ni Hilaru. O...m...g... baka umuwi si Mighty tapos makita nya tong dalawang toh. Nako, pero okay na rin yun kasi wala pa naman sya at di naman siguro sya magagalit since friends ko naman tong dalawang tukmol na to eh.
"Adobo toh beshy. Di ka marunong mag luto diba? Kawawa naman pala si Mighty.. BWUAHAHAHAHAHAHAH!!" Napa ngiwi na lang ako at tinignan sila ng masama. Aba! Ang yayabang, palibahasa natuto sa mga nanay eh ganyan na.
"Ahahaha, rich kid kasi kaya ayan, umaasa sa yaya. AHAHAHAHA!" Nag tawanan nanaman sila dahil sa sinabi ni Hazuki na lalong nag pakunot ng noo ko. Pabiro ko silang inirapan at pinalo sa braso.
"Kayo ah... makikita nyo! Marunong naman ako mag luto kahit papano ano!"
"Yung mga prito nga lang!" Nainis na ako sa sinabi ni Karu kaya naman pabiro kong kinuha ang tsinelas ko at kunwari silang papaluin. Yayabang! Hmp!
***
"Oh sige, goodnight." Inabot nalang ng madaling araw ay hindi parin talaga umuuwi si Mighty. Actually, 4am na at napuyat kami kakanood ng K-Drama. Sinadya ko talagang libangin sila sa panonood dahil inaantay ko na rin si Mighty na hanggang ngayon ay hindi parin umuuwi.
Bumalik na ako sa kwarto after ko silang ihatid sa guest room. Two single beds naman yun kaya ok na sa kanila. I texted him na at tinanong kung nasaan sya pero inabot nalang ng siyam siyam at inamag na lahat lahat ng calls at text ko sa kanya pero wala talaga. I tried to call Gerald din peri no one's answering. Humanda talaga sakin yan eh. Baka pag maabutan ko sya eh mag away lang kami, nakakahiya anjan sila Hazuki. Tsk tsk tsk.
Nasaan ka na ba...
Naidlip ako pero nagising din ako ng may marinig ako sa labas ng kwarto. Mukhang maka uwi na yung taong yun, mabangasan nga! Nag hilamos muna ako bago lumabas at naabutan ko si Mighty habang nag kakapae... at ang nakakabigla pa ay gising na din ang dalawang babae na kanina lang ay tulog pa. Chineck ko ang phone kung what time na ba, psh kaya naman pala gising na tong dalawang to eh umaga na.
Sinadya kong lakasan ang bawat hakbang ko at nag tagumpay naman ako kasi nakuha ko ang atensyon nila. "Uh-oh.." Hoy Hazuki at Hikaru! Rinig ko yun ah! May pa uh-oh, uh-oh pa kayong nalalaman. "T-tara na Bhie.. balik na tayo sa kwarto." Natatarantang hinigit ng Hazuki si Hikaru pabalik sa kwarto. Pero bago sila makapasok ay narinig ko pa ang pahabol ni Karu.
"Nangangamoy break up, bhie noh?"
Aish!! Kainis tong dalawang toh! "At ikaw, bakit ngayon ka lang ha?" Tatadtadin ko pa sana sya pero mas maganda kung maririnig ko ang side nya, right? Di naman ako brutal na kapag nagalit eh puta, akala mo tatakbong presidente. Napa simangot lang ako ng todo ng di sya mag salita kaya naman tinapik ko na sya sa balikat. "Oy--"
"Matulog na tayo..."
Nagulat man ako sa cold expression nya ay mas pinili ko nalang na huwag mag tanong pa. Sabi nga ni karu.. "nangangamoy break up.." baka matuluyan pa.
BINABASA MO ANG
Book 2: Where Everything Starts (ON-GOING)
RomansaAlthea is a strong and lovely woman. But how being hurt from the past can change her? She became more strong and firm. That strong girl became a strong lady. Years passed, her heart never changed. She's still madly in love with the man she left year...