A/N: Hi! Since may time ako mag sulat ngayon, medyo bumebwelo pa ako hihi. Be ready nalang sa mga next chapters. Really missed your votes and comments, luv ya :)
Chapter 22
Lahat ng nangyari
December 21, 20**. Punong puno ng nyebe dito sa amerika. Pakiramdam ko nga ay binagsakan kami ng malaking yelo dito dahil sa sobrang lamig. Duh, pilipino kaya ako, hindi ako sanay sa ganitong klase ng klima though laging aircon sa bahay namin doon sa Pilipinas.
Pilipinas...
5 taon na rin ako nakalipas. Ngunit sa tuwing binabanggit ang bansang pinagmulan ko ay may kumukurot sa puso ko at may bumubulong sa akin na kailangan ko nang bumalik doon. Kailangan ko nang bumalik doon dahil marami akong naiwan, at isa na doon ang lalaking naaalala ko sa tuwing babangitin ang Pilipinas.
"Let's go, Miss Sanchez. Mr. David's waiting for you." Ani ng assistant kong si Marquin na Amerikana kaya naman dugo lagi ilong ko dito. Lagi naman pilipino ang kausap ko pero kapag business ang usapan ay shet, ingles dito ingles doon. Halos araw araw nireregla yung ilong ko.
Lumabas si Marquin sa front seat para pag buksan ako ng pinto. Pati ang driver ay lumabas din para alalayan ako. "Thanks." Sabi ko sa driver ko matapos akong alalayan. Ngumiti lamang ito ng matamis bago inilahad ang kamay patungo sa malakaing glass door ng building ni Mr. David.
Umuulan ng nyebe kaya naman agad na pinayungan ako ni Marquin. Ang driver naman ay hindi natinag habang naglalakad sa likod namin ng assistant ko. Aba, pa impress ata sa mga chix itong driver ko kaya kisigkisigan.
Pumasok kami sa loob nito at maraming bumati sa akin. Sikat ang Advertising Companies namin sa loob at labas ng bansa. May isang University din si Mommy na binili rito. Sikat naman ang mga produkto ng kompanya ni Daddy na AA. Junk foods at may mga Restaurants din kami rito tulad ng A.S. Restaurants, sikat na sikat ito sa New York pati na rin sa L.A. May mga PH Foods din kasing niluluto sa resto namin. Ang pinaka nagustuhan ko ay ang Resto Bar namin. Dalawa ito, resto bar at as in bar lang talaga kung saan nag pupunta ang mga party goers.
Kinuha ng isang babae na sa tingin ko ay nag tatrabaho dito ang payong na dala ni Marquin at inilagay don sa mga lagayan nito. "Anna." Ngumiti ito at nag lahad ng kamay. "Mr. David's assistant."
Nag aalangan pa akong tanggapin ito pero sa huli ay tinanggap ko rin. "Althea Sanchez." Ngumiti ako at sinundan sya.
"Have a seat Ms. Althea Sanchez."
Matipuno itong si Mr. David. May bluish na medyo green syang mata. Matangkad, 6 footer to malamang. Masyado syang formal, kung sa Pinas to sigurado akong feel at home ako pero susmaryosep. Nakaka tense tong si Mr. David. Naalala ko tuloy si... argh! Stop thinking about him, alright?
Hindi ako makakilos ng maayos, ni pagupo ko ay halos di ako magkaugaga. Kinakabahan ako syempre kase all this time ay sila Mommy ang umaattend sa mga ganito. Pero naisip kong sayang naman yung training at pag punta ko dito kung di ko magagamit. Edi sana nag stay nalang ako sa tabi ni... ay shet na malagkit! Hanggang kelan ko ba sya kakalimutan. Kase hindi ko na talaga kaya. Hayyy.
"So your here?" Gusto kong umirap dahil sa kakitidan ng utak nya. Duh, bago ako mag punta rito ay pinaalam na sa kanya ng assistant ko kung ano yung nais ko sa kompanya nya. Iyon ay ang mag trabaho dito. Weird right? Daming negosyo ng parents ko pero ginusto ko mag trabaho dito.
"Obviously, Mr. David. I want to work here." Ngumisi sya at tinitigan akong mabuti.
"You wanna work here? Oh honey, you're already a filthy rich kid, what Althea wants, Althea gets. So what's the use of working in my company?" He chuckled sarcastically. He's getting to my nerves. Grrr.
BINABASA MO ANG
Book 2: Where Everything Starts (ON-GOING)
RomanceAlthea is a strong and lovely woman. But how being hurt from the past can change her? She became more strong and firm. That strong girl became a strong lady. Years passed, her heart never changed. She's still madly in love with the man she left year...