Chapter 24

394 12 0
                                    

Chapter 24

Welcome back

Mas lalo syang pumuti, nakakatakot ang aura nya, yung tipong pag tinignan ka e masisindak ka talaga. Kumikinang ang mga ear piercings nya. Nang kausapin nya yung babae ay saka ko lamang nalaman na may dalawa rin syang hikaw sa dila, kanan at kaliwa. Nakataas ang sleeves ng blue polo nya hanggang siko. May tattoo na rin sya sa braso. Di ko maintindihan yung nakasulat pero tiyak kong importante iyon dahil hindi mag papaburda ng kung ano ano si Mighty sa katawan unless pinapahalagahan nya yung naandon.

I have only one word to say... he's really changed.

Hinimas nya ang buhok nya gamit ang daliri at palad nya na lalong nag pakita ng muscles nya sa braso. Sa bawat galaw ng braso nya ay makikita mo ang mga ugat nito. Hot. Nang lumingon sya ay nag iwas ako ng tingin. Shit naman.

"Ate pakibilisan naman. Thanks." Natapos ang lahat at hindi na ako nag pa trim ng buhok at footspa.

"Tara na H-hikaru." Nakakunot ang noo nya pero pinabayaan ko lang sya. Dumeretso ako sa cashier area. Kahit alam kong naandon sya sa bandang cashier ay nag madali na ako. Inabot ko ang bayad at aalis na sana ng malaglag ang isa sa mga credit cards ko. Dadamputin ko na sana ng may makita akong kamay na nauna don, may tattoo ito na bilog at may AS sa loob na may nakapalibot na cobra. Nag angat ako ng tingin at halos lumabas ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito. Si Mighty, ibang iba sya sa malapitan. I can't even manage to stare at him kaya umiwas agad ako ng tingin at kinuha yung card.

Hindi na ako nag thank you at lumabas na palabas ng salon. Naabutan ko don si Hikaru, Marquin at yung driver na nag aantay sakin.

Saka lang ako nakahinga ng maayos ng makarating sa parking lot. Simula ata don sa salon ay pigil na pigil ko ang pag hinga ko. Tangina naman kase, andaming salon pero sa parehong salon pa kami napunta. Like wtf. Destiny ganon? Argh!! Pero di ko tinatangging lalo syang gumwapo. When puberty hits you ganoooon??? Owfak.


"TANGINAAAA!"

Nilapitan ako ni Hikaru. Hinihimas nya ang likod ko habang pinapatahan ako. Inabutan nya pa ako ng tubig pero hindi ko yon tinanggap. Umiiyak ako ngayon dahil sa hindi malamang dahilan. Pakiramdam ko ang laki laki ng sinayang at pinakawalan ko. Diba dapat sya ang manghinayang?!

"Sya dapat ang umiiyak ngayon pero eto ako!!!" Pinagbabato ko yung unan sa sobrang gigil. Nilukot ko na rin ang bedsheet. "Masaya na sya! Tangina!" Humikbi lang ako ng humikbi. Nilagay ko ang dalawang palad ko sa mukha ko para di ako makita ni Hikaru. Ayokong mag mukhang kawawa sa mata nya. Pero ano to?

Sa sumunod na mga linggo ay wala akong ganang kumain o kahit kumalos man lang. Naka baluktot lang ako dito sa kama habang hawak ang phone ko. Narinig kong may kumatok kaya lalo ang bumaluktot at nag takip ng unan. Napaka gulo na netong kwarto ko pero sinong may paki?

"Althea," narinig ko ang boses ni Hikaru kaya naman feeling ko naiiyak nanaman ako. Ewan ko ba, kapag lalo akong kinocomfort lalo akong naiiyak. Shet. "Hindi to makakatulong sayo. The more na pinapakita mong apektado ka the more na masasaktan ka. You know, just chill. Asikasuhin mo yung company nyo. Ipakita mong successful ka."

And that's it. Those words punch me. Simula ng sinabi ni Hikaru iyon sakin, para bang may nag save sakin mula sa pagkakalunod. 3 weeks na akong nag mamanage netong company namin. Papasok, mag didinner sa labas, uuwi, matutulog, then repeat. Simple as that. Walang Mighty na nag papakita kaya thankful ako don. Atleast walang gumugulo sa isip ko.



"Wala namang problema kung mag boboyfriend ka Althea." Ani Hazuki. Last week lang sya nakauwi at kasalukuyan kaming nag didinner ngayong tatlo kasama si Hikaru. Nasa UP Town kami ngayon, dumaan kase kame sa Image and blah blah. Nalimutan ko yung tawag don. Ahh basta nagpapicture kaming tatlo.

Book 2: Where Everything Starts (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon