Chapter 10

526 15 0
                                    

Chapter 10

Big trouble




Kasalukuyan kaming nasa Hotel dito ngayon sa Japan. Kung dati ay walang nakakausap sa 10E's dahil sa Gang sila sa Campus ay mabilis namang naging close si Jericho sa kanila. Ang cool nga dahil parang ilang taon na silang mag kakakilala dahil sa super close nila.

Nasa ibang room sila, kami naman nila Hazuki at Hikaru ay nasa iisang room lang.

"Bukas tayo magpunta kina Lola okay?"

Sabi ni Hazuki matapos nyang mag half bath. Si Hikaru ay... ewan ko kung anong ginagawa neto eh kanina pa sya tumbling ng tumbling dyan. Nag ji-gymnast ata.

"Okay, nag text si Mighty. Baka pwede daw dalahan sila ng wine dun tsaka bili daw kayo ng juice sa vape." Wika ko bago ko ilapag ang phone ko sa bedside table at dumeretso sa cr.

"'Kayo' talaga huh?" Nakataas naman ang kilay ni Hazuki.

"Duh, maliligo ako eh." Sabay irap ko ng pabiro bago ko sinara ang pinto ng cr.

Narinig kong nag sara na ang pinto kaya pinatuloy ko na ang pagligo. Natapos na ako lahat lahat ay hindi pa rin sila nakakabalik kaya naisipan kong lumabas.

Pababa na sana ako ng makita kong tumatakbo pa palapit sa akin sila Hazuki habang hinahingal.

"T-tara na..." Nagmamadaling sabi nila habang hinihila ako papasok ng Room namin. Naupo si Hazuki sa gilid ng kama sa lapag at si Hikaru naman ay naupo sa sofa.

"Anong nangyayari?" Kunot noong tanong ko.

"S-sila M-mighty, sinundan ata tayo dito ng kung sino mang kaaway nila. Or baka yung Rex yun na sinasabi mong Leader ng Blackix." Ani Hikaru habang naka hawak sa dibdib nya. Mukhang anlayo ng tinakbo nila.

Maya maya pa ay dumating na sila Mighty. Dito sila dumeretso. "It's not safe here anymore." Bawat isa sa kanila ay may hawak na baril. Yung mga jolly na gang na nakita ko ay nawala na at napalitan ng Gangster mood. Si Jericho ay may hawak din'g baril.

Lumapit sya kay Hikaru at hinila ito patayo. Sumunod na kami palabas na kwarto at bumaba papuntang parking lot. Pumasok kami sa loob ng van. Hindi ko alam kung saan nanggaling ito pero ang mahalaga ngayon ay ang makaalis kami sa lugar na ito.

"Althea, ikaw ang mag drive. Hazuki will lead the way..." Tumingin naman si Mighty kay Hikaru na nasa likod kasama ang ilang computers doon. "And you, please monitor all the cameras around this place." Saka sila umalis lahat... pero nag stay si Jericho.

"Brod, tara na." Tawag sa kanya ni Lim. Lumapit si Jericho kay Hikaru saka ito hinalikan sa noo. What the? Sila na ba? Umalis na sila, si Hikaru naman ay tulaley pa rin.

"Bhie, yung mga camera daw." Tinapik na sya ni Hazuki sa balikat kaya nabalik naman sya sa huwisyo.

"Ahh, oo nga." Awkward syang ngumiti kaya napatawa nalang kami ni Hazuki.

"Kayo na ba ha?" Nanlaki ang mata ni Hikaru dahil sa prankang tanong ni Hazuki. Bawal ba dahan dahang mag tanong teh? "Bakit di mo sinabi sa amiiin?"

"H-hindi no, b-baka friendly kiss lang yun. Kayo naman." Napayuko ito saka bumuntong hininga at bumalik sa pag check ng computer.

Nag umpisa naman na akong mag drive habang si Hazuki ay ang nag li-lead sa daan. Dinala nya kami sa isang liblib na lugar dito malapit lang din sa Hotel. Lumipat ako sa likuran, lumapit ako kay Hikaru na naka salong baba lang. Sumunod naman si Hazuki sa akin.

"May mga police bhie. Baka kung anong mangyari sa kanila." Sabi ni Hikaru. Kita sa monitor ng computer na tumigil na sa pag babarilan ang dalawang grupo dahil sa may narinig silang sirena ng pulis. Nag umpisa nang tumakbo ang gang ni Mighty.

"Sa likod ng Hotel. Now!" Narinig namin ang boses ni Mighty na nag mumula sa speaker.

Dali dali kong pinaharurot ang van pabalik, papunta sa likod ng hotel. Nang nakarating doon ay naabutan namin silang hinihingal. Isa isa silang pumasok. Rinig na rinig pa rin ang tunog ng kotse ng mga pulis. Nako! Wala kami sa sarili naming bansa, delikado 'to.

"Sa Airport tayo, uuwi na tayo." Sambit ni Arthur.

Ganoon nga ang ginawa ko at pumunta kami sa airport, si Hazuki ang naging lead namin.

Pag dating pa lang doon ay tumakbo na kami papasok. Syempre nag ayos kami para mukhang hindi kami tumatakas.

Lumipas ang isa't kalahating oras at naka pasok na kami sa plane. "Anong nangyari?" Tanong ko kay Mighty na katabi ko lang.

"Sinundan nila tayo, plano nilang mapahamak ang gang ko at patayin kayong tatlo." Nagulat ako sa sinagot nya kaya napatungo na lang ako.

Di ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising ako ng 2pm. Pababa na ng plane lahat. Bumaba na rin kami, pag labas ng airport ay dali dali kaming nag punta sa parking lot.

***

"May barilang naganap kanina lamanang hating gabi sa Japan, ***. Hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy kung sino sino ang mga taong ito ngunit may nakita van ang ilang investigators sa Parking Area ng **** Airport. Ayon rito ay mukhang nakatakas ang mga ito at lumabas ng bansa."

Iyan lang naman ang bumulaga sa amin nang makauwi kami. May parte sa akin ang kinakabahan sa maaring mangyari pero sabi naman ni Mighty ay ayos na daw ang lahat.

Hindi na natuloy ang plano naming mag saya ngayong summer dahil sa lecheng yan. Argh! Nasa kwarto ako ngayon, si Mighty naman ay nasa labas at may pinagkakaabalahan.

HAZUKI's POV

2 weeks have passed since that incident happened, yung nangyari doon sa Japan. At simula rin nun ay lagi nalang naka buntot sa akin si Kian. Tulad nalang ngayon, balak ko sanang mag mall pero err! Naandito ako ngayon at pinapanood syang nag luluto.

"Ano ba, di pa ba tapos yan?! Pinigilan mo kong mag mall tapos ngayon ambagal bagal mo jan?!" Sigaw ko dahil talagang makailang oras na kong nag aantay dito, nyeta, gagabihin pa ata ako dito sa Unit nya.

"O-okay na.." Napayuko sya nang mailapagag na LAHAT, oo LAHAT kasi andami. Mukhang masasarap pa. Tumakbo ako papalapit sa lamesa at naupo.

Umupo naman sya sa harap ko. "Masarap ba to ha?" Pagtataray ko para matakpan yung pag kaexcite kong tikman ang luto nya. Tumikim ako sa isa sa mga nakahain.. m-masarap sya beshy. "D-di naman masarap eh! Tsk!"

"H-huh? Ah.. e-eh.. uulitin ko nalang." Napayuko sya at akmang kukunin na isa isa pero hinawakan ko ang kamay nya. Sayang noh! Tsaka masarap naman.. baka isipin nyang talagang panget ang lasa ng luto nyo.

"Joke lang.. tara na, kumain na tayo." Napangiti sya saka naupo ulit. Nag umpisa na kaming kumain. Masasabi kong.. ang hinhin nya kumain! Bakit parang ako pa mukhang walang class dito?! Argh!

"So, paano ka natutong magluto?" Basag ko sa katahimikan. Ang awkward kaya ng sobrang tahimik.

"12 years old ako ng humiwalay ako sa parents ko. Lumapit ako sa Gang ko that time kaya nag tulong tulong kami para makakuha ng sarisarili namin condo unit. 14 kami ng makabili kami nun at syempre natuto na rin kaming mag luto since walang katulong sa unit namin."

"T-twelve?? S-seryoso ka?" Gulat na tanong ko. Sino namang gagong bata ang ang lalayas tapos lalapit sa gang nya kuno, pero kasi mayayaman sila kaya walang imposible para sa kanila.

"Yep, namatay si Mom when I was 2 years old. Hindi ko naman kilala ang tunay na dad ko eh. Hindi ko na rin kasi kinaya ang trato sa akin ng step-mom at step-bro ko kaya umalis ako."

"I feel sorry to hear that... you know. Hindi mo naman dapat sinabi ng buo." Sabi ko.

"Okay lang, wala naman na akong pake sa kanila eh. Ang kailangan ko lang ngayon ay makita ang tunay na Dad ko."

Napatango na lang ako at pinagpatuloy ang pag kain. Nang matapos ay tumayo na ako. "Thanks sa luto mo ah, masarap naman talaga. Gusto lang kitang pikunin." Nag wave ng kamay na ako. "Byeee."

Tumango sya at pumamulsa. Ako naman ay lumabas na at nagtungo sa Unit ko.

Book 2: Where Everything Starts (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon