Chapter 11
Babae
Tumawag kaninang umaga si Mama, punta daw kami ni Hazuki ngayon sa Mansion kaya eto kami ngayon at nag aayos. Si Mighty kasi, maagang umalis. Mukhang pinatawag nanaman ng dad nya.
"Sama natin ni Hikaru?" Tanong nya habang nag lilipbalm.
"Tawagan mo na... mukha namang wala syang ginagawa ngayon."
Tinawagan nga nya si Hikaru.
"Oh?"
"Sama ka bhie? Punta kami ngayon kina Tita."
"Ah, hindi na. May lakad ako eh."
"Saan ka pupunta aber?"
"A-ahhh, l-lalabas lang kami ni Jericho."
"Mag dedate kayoooo...?"
"Hindi noh... lalabas lang."
"Kbye."
Ibinaba na nya ang phone nya saka impit na tumili. "Omg! May lablayp na sya bes!" Kumunot naman ang noo ko, lumabas lang lablayp na agad? Di pa pwedeng nag pasama lang?
"Tara na nga.." Lumabas na kami ng Unit at pumunta sa Parking Lot. Agad na sumakay ako sa drivers seat at pinaharurot ang kotse kaya naiwan si Hazuki-- joke. Parang gago eh noh, yung may kasama ka tapos biglang nakalimutan kaya naiwan.
Nag red lights kaya tumigil kami, pero nag tataka ako dahil si Hazuki parang nakakita ng multo. Naka tingin sya sa loob ng... si Mighty ba yun? May kasama syang babae eh. Sino yun?!
Ang ginawa ko ay tinawagan ko sya, kitang kita na sinagot nya ang tawag mula dito sa loob ng kotse.
"Nasaan ka?" Nag pipigil yung boses ko na wag syang sigawan.
"Office ni Dad."
Nabwiset ako sa sagot nya kaya ibinato ko yung phone ko sa backseat. Argh!
"B-bhie... green lights na oh." Sa sobrang buwisit ko ay para na akong nakikipag race sa sobrang bilis na pag harurot ng kotse ko.
"Aish! Stob it, bish!" Yan nanaman yang k-drama lingo nya.
Pagkarating at pagkarating pa lang ay pabalagbag akong umupo sa sofa. "Hija, anong meron at mukhang badtrip ka jan?" Tanong ni Manang Indang.
"Wala ho to, meron po kase ako ngayon.." Kahit wala naman talaga.Sino kaya yung babaeng kasama ni Mighty kanina? Hindi dapat ako basta basta nag papadala sa mga nakikita ko, paano kung pinsan lang nya.. or kaibigan. Ah basta, itataanong ko nalang pag uwi.
"Mga anak, naandito na pala kayo." Narinig namin ang boses ni Mama galing sa hagdan kaya napa lingon kami ni hazuki doon. Yumakap at hinalikan namin ito sa pisngi. Naupo muli kami sa sofa at napapagitnaan namin si mama.
"May boyfriend na ba kayo ha?" Ooops. Hindi pa nga pala alam ni Mama ang tungkol sa amin ni Mighty.
"Si Althea---" Pinanlakihan ko sya mata, si mama naman ay napatingin sa akin.
"May boyfriend ka na anak?" Naka ngiting tanogn ni mama.
"W-wala pa po... studies po muna ang inuuna ko lalo na't mahirap sa college life." Ngumiti ako ng nag aalinlangan.
"Mabuti naman! Lalo ka na Hazuki!"
Napakunot ang mga noo namin ni Hazuki sa sinabi ni mama. "Ano po ang ibig niyong sabihin, Tita?" Nakakalokong ngumiti lang si mama at umiling. Sa di malamang dahilan ay parang kinabahan ako sa kung ano mang nasa isip ni mama.
***
After nun ay bumalik na kami sa condo. Inabot din kami ng gabi. 8:30 na nga eh. Naabutan ko naman si Mighty na naka dapa sa kama, tulog ata.
Doon na rin kami nag hapunan kaya malamang ay nakapaghapunan na rin si Mighty.
Nag shower muna ako saka ako umupo sa kama at isinandal ang ulo ko sa headrest ng kama. Nag fb muna ako, naramdaman kong gumalawa si Mighty kaya napa lingon ako sa kanya.
"Kumain ka na?" Medyo husky pa yung pag kakasabi nya nun. "Kain na tayo..." Hindi pa sya kumain?
"Hindi ka pa ba kumain?" Tanong ko dahil 9PM na, baka nalipasan na sya ng gutom. Umiling lang sya tapos pumikit ulit. "Tara kain na tayo."
After namin kumain ay natulog na kami. man ay hindi ko maiwasang isipin ang sinabi ni Mama kanina. Anong meron kay Hazuki ay bakit mas kailangang siya ang wala nobyo? Argh!!!!
Tsaka, hindi ko pa nababangit kay Mighty yung kaninang nakita ko. Hahanap muna ako ng chempo.
HAZUKI's POV
Isang linggo na rin ng sinabi ni Tita iyon. Sumangayon naman sila Mama.
Flashback
"Nako, hayaan mo muna iyon. Mag stay ka muna..." Narinig kong sabi ni Tita kaya nag stay lang ako sa pag kakaupo ko. Si Althea ay lumabas na, uuwi na daw eh.
"Bakit po?"
Ngumiti ito ng masigla at hinawakan ako sa braso. "Anak, imimeet mo na sa linggo ang mapapangasawa mo!" Masiglang sambit nya na nag pakunot sa noo ko.
"What do you mean, Tita? I-i don't get it."
"Ikakasal ka sa anak ng Business Partner ko. Hindi ba masaya iyon? At isa pa, pag bigyan mo na ako since ngayon lang tayo naging mas close pa, right?" Lalong kumunot ang noo ko.
"Tita, bakit hindi nalang po si Althea? Tutal, sya naman po ang anak ninyo 'since then'. At kung ipapakasal nyo po ako sa anak ng BP nyo ay paano nyo po maipapaliwanag sa kanila na anak nyo ako?" Pag dadahilan ko... hindi ko alam kung bakit ako tumatangi. Para bang may pumipigil kasi may mas nararapat para sa akin.
"Nako... alam ko naman na may boyfriend na 'yon, ayaw lang nya ipakilala sa akin."
Iyon lang naman ang sinabi nya kanina. Nababahala ako ehhh, ayoko sabihin iyon kay Althea dahil baka isipin nyang siya itong mas itnuring at nakilalang anak ng mga Sanchez and then all of sudden bigla nalang ako ipapakasal at ipapakilala sa lahat.
It's so goddamn unfair for Althea's part.. though may bf sya ay masakit sa part nya yun. Imagine, kinikilalang anak ng Sanchez ay mapapalitan? I mean, yeah I know naman na ang pagiging popular nya sa ibat ibang bansa ngayon ay dapat talaga sa akin pero arghhh! Mali talaga eh!
HIKARU's POV
"Kill him, I don't wanna see his face anymore."
Sabi ko sa isa sa mga tauhan ko. Sila ang nag babantay kay Althea, matagal ko nang pansin na talagang laging may nakasunod saan man sya mag punta.
Last week lang ay nang umalis sila ni Hazuki para mag punta kina Tita ay may nakasunod sa kanila. Na trace naman namin kung sino ito, ayaw nya talagang umamin kaya ginamit namin panakot ang pamilya nya.
"Wow! Ang tatanga nyo naman pala.. hahaha! Minsan talaga ay hindi mo mapapansin na ang taong hinahanap mo ay nasa paligid lang."
After nyang sabihin yan ay ipinapatay ko na sya.
Sa tingin ko ay may nag tataksil sa mga nag babantay kay Althea. Kung sa mga tauhan ko man ay matagal ko na itong nalaman.
Kung sa 10E's naman ay... malabong makilala agad ito dahil mautak ang mga nasa kampo ni Kris.
BINABASA MO ANG
Book 2: Where Everything Starts (ON-GOING)
RomanceAlthea is a strong and lovely woman. But how being hurt from the past can change her? She became more strong and firm. That strong girl became a strong lady. Years passed, her heart never changed. She's still madly in love with the man she left year...