Chapter 7

544 16 0
                                    

Chapter 7

Code





Hindi ko alam kung ano ang problema ni Mighty. Lagi nakang syang uuwi ng late. Gusto ko man tanungin sa gangmates nya ay mas maganda kung sya mismo ang mag sasabi sa akin. Ayoko syang pangunahan. Or baka naman namomroblema lang sa kompanya ng Parents nya, o kaya problema sa Gang.

Kanina pa nakauwi sila Haz. Si Mighty naman ay tulog pa. Mag tu' 2 PM na pero ayaw parin nyang gumising. Naka pag almusal at tanghalian na nga ako eh. Sabi nya kanina ay pagod daw sya at gusto nya ng pahinga eh halos matulog na nga sya dyan forever eh. Eto ako ngayon, naka tunganga sa habang naka upo sa sofa.

"Goodmoring, babe..." narinig ko ang morning voice nya na palabas ng kwarto kaya bigla akong napalingon at napatayo.

"Noon na pooo..." nakangiti kong sagot sa kanya pero sinuklian nya lang yon ng pagtalikod at deretso sa kitchen. Nag timpla sya ng sarili nyang kape habang tinitignan kung ano ang ulam. Ugh! Yan nanaman sya. Baka talagang malaki lang ang problema ng kompanya nila kaya ganun. "So, bakit badtrip ka ha?" Nag kibit balikat lang sya at kumain na.

Pumunta ako sa kwarto at nahiga. Itutulog ko nalang to. Nababadtrip na ko sa kanya. Sa totoo lang. Ano ba kasing problema nya at hindi man lang sya mag open up sakin. Kinuha ko sa study table yung phone ko saka ko tinawagan si Kuya. Mas maganda kung aalis nalang ako at makikipagkita kay Kuya.

"Hello? Baby girl?" namimiss ko na talaga sii kuya, ilang buwan na rin kaming di nag kikita at hindi ko alam kung ano ang dahilan na yon.

"kuya, kita naman tayo oh."

And thats it, magkikita kami ni Kuya sa Starbucks malapit sa subdivision namin. Imbes na matulog ay nag palit na ako ng damit. Nag suot ako ng reaped jeans, Gray v-neck shirt saka ako nag suot ng white Nike ko. Lumabas na ako ng kwarto at naabutan ko si Mighty na naka tuwalya. Kakaligo lang ata. Eh bat dito sa labas naligo at hindi sa kwarto.

"Aalis muna ako."

Ibinulsa ko na ang phone ko saka ako nag tungo sa pinto pero hinigit nya ang braso ko. "Where were you going? And sino ang kasama mo ha?"

"Pupunta lang ako sa Starbucks." Binawi ko sa kanya ang braso ko saka tuluyang lumabas. Kung may gana syang magalit, aba! Kaya ko din noh. Sumakay na ako sa kotse ko at nag tungo sa Starbucks.

Nag park ako sa tapat nito at nakita ko agad si Kuya kasi nasa gilid sya ng salamin naka pwesto. Kumaway ako sa kanya at ganun din sya. Pag pasok ko pa lang ay talagang amoy ng kape ang maamoy mo eh. Lumapit na ako saka nya at naupo sa harap nya, andaming 'nya' nun ah?

"Bakit mo naman naisipang makipagkita ha?? Sinasaktan ka ba ni Mighty?" Seryosong sabi nya sa akin.

"Di mo ba ko namiss ha? Ilang buwan na tayong di nag kikita." Lumipat ako ng upuan at tumabi sa kanya. Niyakap ko ang braso ni kuya saka ko isinandal ang ulo ko sa balikat nya.

"Syempre namiss. Nag taka lang ako kasi..." Inantay kko ang susunod nyang sasabihin pero lumipas ang ilang segundo at wala na akong narinig mula sa kanya kaya tinignan ko sya ng mabuti.

"Kuya... may tinatago ka ba?" Lumikot ang mga mata nito at saka tumingin sa mga taong nag lalakd sa labas.

"Wala no. Ano namang itatago ko? Recipe lang ng pagiging gwapo ko ang itinatago ko." Sabay tawa nya. Di pa rin talaga nawawalan ng hangin sa utak toh.

Maya maya pa ay biglang tumunog ang phone ni kuya. "Oh?... kasama ko... bakit..? Ahhhh... geh geh." Habang nakikipag usap sya ay may nakita akong tatoo sa pulso nya. Bungo ito na may 10 at 13 na number. Para saan yun? Sa pag kakakilala ko kay kuya ay doon lang sya sa likod nya may tatoo, surname namin at may designs sa gilid gilid.

Nahalat ata ni kuya na tinititigan ko yon kaya bigla nyang ibinaba ang kamay nya. "A-ano yun kuya?"

"Wala, natripan ko lang. Kailangan na pala ako sa... sa... sa liga. Sige." Hinalikan nya ako sa pisngi bago umalis.

Parang pamilyar sakin yung nasa pulsuhan ni Kuya. I think, nakita ko na yun somewhere or.. diba meron nun si Mighty sa pulsuhan nya? Ibig-sabihin ba nun? Yung nakita ko sa ilalim ng kama nya... yung kalat sa kwarto nya.. lahat ng yun eh dahil sa kasama na sya sa..

Hahabulin ko pa sana si Kuya pero wala na sya. Hindi pwede. Baka mapahamak lang sya.

Umuwi ka agad ako, pero dito ako sa Unit ko dumeretso. Namiss ko itong Unit ko. Pag pasok ko sa kwarto ay... feeling ko may weird. Ugh! Humakbang ako palapit sa kama ko nang may maapakan akong papel. May dugo dugo pa ito.

Pinulot ko yung papel pero dun lang sa part na walang dugo kasi parang... parang fresh pa yun at mamasa masa pa. Dahan dahan ko itong binuksan...

"3

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



"3.. 8.. 4.." Naupo ako sa kama ko at pinakatitigan ang papel. "What the hell is this?" Inilapag ko sa bedside table yung papel saka ko kinuha yung phone ko sa bulsa ng aking pants para kuhaan ang papel.

Matapos yun ay kumuha ako ng plastic sa kitchen at bumalik sa kwarto. Inilagay ko dito ay papel saka ako lumabas ulit ng Unit at pumunta kay Mighty.

Naabutan ko syang nakaupo sa sofa habang nanonood ng tv. "Pst, tignan mo to." Inilapag ko sa center table yung plastic. Tinignan nya ito at bahagyang kumunot ang noo nya.

"I wanna cuddle with you baby.." Hinapit nya ako sa bewang at pinaupo sa lap nya. Namiss ko yung sweet na sya. Isiniksik ko sa leeg nya ang mukha ko at niyakap ko sya ng mahigpit.

"Lagi mo nalang ako inaaway... naiinis na ko sayo." Nagtatampong sabi ko. "Muntikan na kitang iwan ka--" Nagulat ako ng buhati nya ako sa bewan at inaayos ng upo sa lap nya paharap sa kanya.

"Dont you dare..." Hinalikan nya ako at naramdaman kong lumapat sa batok ko ang kamay nya. Butiwan na kami sa halik at sinilip nya sandali ang papel na naka patong sa center table. "Ano 'yon?" Hinawakan nya ang likod para alalayan dahil kukunin nya yung papel kaya medyo yumuko sya.

Hindi parin ako umaalis sa lap nya habang tinitignan nya ang papel. "3 8 4?" Kumunot ang noo nya. Hinawakan nya ako sa bewang at dahan dahang inupo sa gilid nya.

"I think.. this means, DIE." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya.

"Nakita ko yan sa kwarto ko kanina. Doon sa Unit ko."

"Alphabetical method.. 3.. means D. Actually, ang D ay pang apat kung bibilangin, pero inatras nya kaya naging 3. Ganun din sa 8. Ang I ay pang siyam pero inatras din kaya naging 8. Ang E ay pang lima pero tulad ng D at I, inatras din ng bilang kaya naging 4. D I E."

"Pero sino naman ang gagawa nyan? Last week ay may tumawag sa akin, saying na mag ready daw ako and such pero I considered it as a prank." Napatingin sya sa akin nung sinabi ko iyon.

"Nasave mo ba yung number? Well, naka auto save naman lahat ng recent callers." Tumayo na sya at pumunta na kwarto kaya sumunod ako.

"Stay here. Wag na wag kang lalabas no matter what, okay?"

Tumango ako at siniil nya ako ng halik bago lumabas dala dala ang plastic at yung number ng recent caller.

Book 2: Where Everything Starts (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon