Proluge

776 17 2
                                    

"Wag ka nang umasa Althea. I mean, hindi naman sa hinahadlangan kita sa kanya pero girl, 5 years ago pa yung relasyon nyo, at ikaw mismo tumapos no'n. Nasaktan mo sya ng todo. Hindi natin sigurado kung... kung... may babalikan ka pa sa Pilipinas."

Malungkot at may simpatya ang boses ni Hazuki. Nakalabas rin sya agad sa ospital sa awa ng diyos. Pero buwan din syang naandon.

Alam kong naawa siya sakin dahil sa nangyari. Kahit ako, naawa sa sarili ko. Pilit ko naman kinakalimutan si Mighty, pero sadyang ayaw rin akong patigilin ng damdamin ko.

Siguro ganoon talaga kapag tunay iyong pagmamahal mo, ano? Ganoon din kaya siya ngayon? Hindi siguro. Kasi kung oo, hinanap at pinuntahan niya sana ako. Nag paliwanag sana siya. Kaso ni anino niya hindi ko man lang nakita.

"Hindi lang ako ang nakasakit sa kanya Hazuki, alam mo ang buong pangyayari. Hindi sa umaasa ako pero... wala namang mawawala kung susubukan ko diba?"

Kahit wala akong uuwiang Mighty doon, ayos lang. Disidido akong sumugal ngayon kahit ikakasakit ko rin. Wala na akong pake sa maaring mangyari, ang mahalaga lang ngayon, makauwi ako at makausap siya. Hindi ko nga lang alam kung paano.

Ngayon ang balik namin ng Pilipinas. Halos mag humerando ang puso ko ng malaman yon kay mommy kaya agad akong nag pack ng gamit. Pero sa kabila ng saya at excitement ko, may kaba at takot na pumipigil sa aking umuwi.

"Hija, hindi sa pinipigilan kita sa kung ano mang nais o gusto mong gawin pagbalik natin. But you should think about our company and yourself first."

Ang daming bilin ni Mommy sa akin. Alam ko kung anong tinutukoy niya. Walang makakapigil sa desisyon kong kausapin si Mighty. Kahit siya, hindi niya ako mapipigiling lumapit sa kanya.

Lumipas ang taon, but nothing change. Mahal ko parin sya, at may konting pagasa akong nararamdam lalo nung huling bumisita ako sa pilipinas. Hindi ako susuko.

Book 2: Where Everything Starts (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon