Chapter 8
Nasiraan
Dalawang linggo na rin ang nakalipas matapos mangyari iyon. Napagplanuhan na rin naming mag bakasyon sa Japan kasama ang gang ni Mighty.
18th Birthday kasi ni Hazuki kahapon kaya naman naisipan naming mag enjoy at bisitahin ang lola at lolo nya doon sa side ng dad nya. Naging maayos rin naman ang naging pag sasama ng pamilya ko at pamilya nya.
Actually, kakabili lang namin ng tickets kanina. Sila Mighty naman ay kahapon pa daw naka bili at nasa Unit sila ngayon ni Geraldine. Kami naman ay naandito sa Unit ni Hikaru. Well, nasa iisang condo lang naman kami kaya malapit lang dito ang gang ni Mighty.
"Hmm, bhie oh, tikman nyo." Yaya ni Hikaru na tinitikman na yung cupcakes.
Nag titimpla ako ngayon ng juice dito sa kitchen counter. Sila Hazuki at Hikaru naman ay inaayos na yung mga ginamit namin sa pag bibake ng cupcakes.
After ko mag timpla ay iniwan ko na muna iyon doon sa kitchen counters at lumapit ako sa kanila.
"Pahingi ngaaa."
Kumuha ako ng cupcake. Si Hazuki naman ay nag huhugas na ng mga ginamit namin. After nun ay kumain na rin sya ng cupcakes.
"Nakapag impake na kayo?" Tanong ni Hikaru habang ngumunguya pa.
"Ready na ako." Sagot ni Hazuki na pinupunasan yung icing na nasa gilid ng labi nya. Parang bata naman kumain to.
"Ready na rin kami ni Mighty. Kahit yung gang nya." Sabi ko naman habang kumakagat na rin sa cupcake ko.
"Ah! Nakita ko nga pala sila Jericho kanina sa coffee shop sa harap ng campus. Kasama nya sila Juzh, Sam, Janelle at Crystallyne."
Napatingin naman kami ni Hikaru sa kanya, bat naman ngayon lang nya sinabi eh kanina pa kaming umaga andito.
"Dun sya nag papart-time ngayooon! Kaya lagi silang nakatambay dun. Diba ngaaa, may dala akong frappé kanina. Niyaya nga nya tayo kaso sabi ko---" Di na nya natuloy ang sasabihin nya nang magsalita si Hikaru.
"Uhm, girls. May pupuntahan pa pala ako. Sige, bye. Lock nyo na lang kapag aalis na kayo."
Saka sya lumabas habang winawave yung phone nya, senyales na mag text nalang kami sa kanya.
Wala naman syang lakad or dapat puntahan ngayon eh. Kaya nga ngayon namin naisipang mag bonding dahil pare parehas kaming walang lakad.
"Ba't kasi tinatago pa nya." Napatingin ako kay Hazuki na tumatawa habang hawak nya ang tyan nya. Problema neto?
"We all know naman na since then ay may gusto na talaga sya kay Jericho."
Hays, di na ako mag tataka if one of this days ay may boyfriend ka na. Goodluck Karu.
Tumunog ang phone ko, tingin ko ay may notifications pero imbes na mag focus dun ay sa oras ako nag focus.
"7:59 na pala? Bakit umalis pa sya.. gabi na eh. Mamaya kung ano pang mangyari dun." Sambit ko.
"Malamang ay pupunta yung sa coffee shop na pansamantalang pinag tatrabahuan ni Jericho ngayon. Para namang di mo sya kilala!"
BINABASA MO ANG
Book 2: Where Everything Starts (ON-GOING)
RomanceAlthea is a strong and lovely woman. But how being hurt from the past can change her? She became more strong and firm. That strong girl became a strong lady. Years passed, her heart never changed. She's still madly in love with the man she left year...