Chapter 29
Decision
Tahimik kong pinaglalaruan ang swivel chair dito sa loob ng office ni Mommy. Bumaba kasi siya 5th floor para bantayan ang mga trainees at mga bagong models.
Bumukas ang glass door nitong office at niluwa nito si Lio. Lagi siyang bumibisita sa office lalo kapag andito ako. Napa buntong hininga ako ng ngumiti sya at deretsong nag tungo sakin.
"Himala at di mo ko sinigawan ngayon." Nakangising sabi niya.
Sa loob ng 6 months na pangungulit niya sa akin ay never siyang tumigil man lang. Mabuti at napagtitiisan ko pa siya. Kaonti na lang at mabibigwasan ko na 'to.
"Alam mo Lio, kung mangiinis ka nanaman pwede bang bukas nalang? Wala ako sa mood..."
Humagalpak sya. Nakahawak pa ang isang kamay sa kanyang tiyan na para bang mamamatay siya kakatawa.
Umirap nalang ako at tumingin sa salamin, kitang kita mula rito ang buong syudad at mga katabing building.
"Grabe naman, Thea. Iba ang pakay ko ngayon." Tinataas taas niya pa ang kilay niya. Napa irap lang ako. "Let's party tonight! Nasama ako sa first 10 ng AIA Models!"
Napabaling ako sa kanya. Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. He got promoted by our company?! Akala ko ba ay di siya gusto ni Mommy dahil masyadong mahinhin sa camera?
"WHAT?"
Ngumisi lang sya. Tumayo agad ako at nilapitan siya.
"Hoy! LioCardo Dekapre! Wag mo nga akong pinagloloko at baka sisantehin kita dito!"
Lakad takbo akong lumabas sa office at nag tungo sa elevator. I can't believe na inaprubahan siya ni Mommy ng ganoon kadali.
Pag dating sa 5th floor, mga tela, camera at mga modelo agad ang bumungad sakin. Bumati pa ang iba.
"Hi, Miss Althea!" Ngiti ng isang junior model, nasa 18 lang ang edad nito at nag aaral pa.
Ngumiti at tumango lamang ako at deretsong nag martsa patungo kay Mommy. Naka ngiti pa siya habang tinitignan ang pictures sa isang laptop.
"Mommy!" Nakangiting bumaling si Mommy sakin.
"Come here, Althea! Look at Lio's pictures! He improved... a lot!"
"What?! Akala ko po ba ay sa banda nyo nalang siya isasama? Hindi siya bagay mag modelo!"
May ilang napapalingon sa gawi namin. Naka busangot lamang ako at umiirap.
"Ano ka ba, anak! Magaling si Lio at kitang kita ang pagsisikap niya makapasok lang sa AIA." Depensa ni Mommy.
I can't really believe it! Lio sucks when it's all about cameras and modelling. Ngayon kasama na siya sa top 10 namin?!
Lalo siyang mapapalapit sakin at halos araw araw na rin kami magkikita dahil dito na sya sa building namin papasok. Araw araw rin ako mababadtrip.
"Oh eh ayaw mo ba n'on? Atleast lagi kang may kasama diba! Plus di pa boring dahil tatalak siya ng tatalak." Nakangising sabi ni Hazuki.
Niyaya ko sila dito sa restaurant sa baba lang ng bagong hotel na tinutuluyan ko ngayon. Sa tito kase ang mayari non, binigyan niya ang ng eksklusibong suite para may matuluyan ako. Malapit kase ito sa AIA kaya dito ko naisipang manatili.
"Ayaw mo ba kay Lio? 4 months na siyang nanliligaw ha?" Nakangusong tanong ni Hikaru.
Naka akbay sa kanya si Jericho habang naka upo. Si Hazuki naman ay nakikipag chikahan pero may ka text naman.
"You're so insensitive, Karu. Alam mo namang ano diba..."
Hindi na tinuloy ni Hazuki ang sasabihin niya ng uminom ako ng tubig at nag iwas ng tingin.
Walong buwan na kaming walang komunikasyon ni Mighty. Ayoko rin naman makita siya pero hindi ko itatangi na namimiss ko siya. I hate myself for loving him too much!
RIIINNGGG!!
Tumunog ang cellphone ni Hazuki. Kaagad niya itong sinagot. Sinenyas niya pa sa amin na sasagutin niya muna iyon, tumayo na siya at lumayo.
Bumalik siya ng naka ngisi. Abot tenga ang ngisi niya kaya kumunot ang noo ko.
"Geh iwan ko na kayo! Lalabas kami ni Kian e."
Ngumiti sya at bumeso sa amin. Bebeso dapat siya kay Jericho pero tinampal ni Hikaru ang pisngi niya.
"Alis na! Chupi!" Pagtataboy ni Hikaru. Natawa nalang ako.
"Una na rin kami ni Jericho, Althea. Iniwan lang kase namin kay Indai si baby Jharick."
Nagpaalam na rin ang dalawa kaya't naiwan nalang akong mag isa dito. Mabuti at nag iwan naman ng bayad yung mga iyon.
Tatayo na sana ako ng mahagip ng mata ko si Mighty. Hindi siya nag iisa. Kasama niya si Arthur, Gerald, Limmuel at Derrick. Naka itim na tux sila.
Nakipag kamayan siya sa apat na lalaking mukhang naglalaro ang edad sa 35 to 45.
Malaking salamin ang nag hihiwalay samin. Kitang kita ko ang pormal na kilos niya. Ang sungit ng mukha niya. Parang laging nag hahamon ng away. Ang mga kaibigan naman niya ay naka ngisi lang habang nakikipagusap.
Lumabas ako ng restaurant at nag lakad papuntang lobby. Taas noo ko silang nilagpasan. Lumapit ako kay Sunny na nasa front desk.
"Anong meron diyan?" Tanong ko sa kanya.
Kumunot ang noo niya at tinignan ng maigi ang tinuro ko. Nanlaki ang mata niya.
"OMG!!! SILA YUNG SAMPUNG DIYOS NA NAHULOG MULA SA LANGIT!!"
Napa face palm nalang ako.
"Susan, umayos ka nga." Binatukan ko na siya. Kulang nalang kase ay mag laway siya at hubaran sila Mighty.
"Eto naman! Hindi ka ba naaakit sa kanila? Lalo do'n sa lalaking naka busangot. Si Kristopher Li! Siya kase ang bagong mayari nitong hotel!" Hinihingal pa siya ng tumigil sa pagsasalita, lumunok siya at medyo tinapik pa ako sa braso kong nakapatong sa front desk. "Gwapo 'no! Balita ko ay dito na rin siya tutuloy nang ma manage na maayos itong hotel. Ito kasi ang main." Tumango tango pa siya.
Binenta ito ni tito?
Matapos iyon ay naglakad na ako papuntang elevator. Sakto at naka harap ang elevator mismo sa spot nila Mighty. Naka talikod sa gawi ko ang apat na matanda. Sila Mighty ang naka harap sa gawi ng elevator.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa. Nag angat ako ng tingin. Nagulat ako ng makitang nakatingin si Mighty sakin. Para bang malalim ang iniisip.
Agad siyang nag iwas ng tingin. Pinatunog niya ang kanyang leeg at nakipag kamayan ulit.
Naglakad na sila palayo kasabay ng pag sara ng elevator.
Lalo kong narealize kung anong sinayang ko. Lalo akong nanghinayang. Ang dami kong mali. Pero kung kami talaga ay kami naman ang pagtatagpuin diba? Mahal ko siya hanggang ngayon, hindi ko lang alam kung ganoon rin siya.
Napakalaking pader na ang nag hihiwalay samin. Matibay ito. Mahirap ng sirain at gibain. Pero kug kami talaga ang para sa isa't isa ay tadhana na mismo ang sisira non.
Napailing nalang ako ng maramdamang derederetso na pala ang pagbuhos ng luha ko. Agad ko itong pinunasan gamit ang likod ng palad ko pero tuloy parin ang agos nito. Humikbi lang ako ng todo ng nasa suite ko na ako.
Fuck this shit! Damn! I really hate myself for regretting all of my decisions when I really did my best to choose what's the best for us. Pero bakit parang mali nanaman ako? Bakit?!
BINABASA MO ANG
Book 2: Where Everything Starts (ON-GOING)
RomanceAlthea is a strong and lovely woman. But how being hurt from the past can change her? She became more strong and firm. That strong girl became a strong lady. Years passed, her heart never changed. She's still madly in love with the man she left year...