Chapter 38
NOT NOW!
"Ano ba talagang meron sa inyo ni Zoe ha?"
Nag mamaktol na ako dahil ayaw talagang sabihin ni Mighty. Sinasabi lang niya na kakilala niya si Zoe kahit kitang kitang may something yung gagang iyon sa kanya.
"We're nothing. Why you suddenly asking? You jealous?" Ngumisi siya at shinake shake yung kilay niya. Abnormal.
"Assuming kang tapaklong ka!" sinapak ko na siya sa braso sa sobrang gigil. Tawa lang siya tawa.
"Ohh, look at my little cuttie bunny. My girl's jealous." nag pout siya at nag pacute ng todo. "ARAYYYY!" ayan, nakurot ko na ang nguso niya.
"Bahala ka diyang halimaw ka." umirap ako at nag tungo sa kwarto niya. Napapadalas na ako sa suite niya.
Gusto ko rin sana siyang tanungin about doon sa sinasabi ni Dad nung nakaraang linngo, pero nawalan ako ng lakas para ungkatin pa yung topic na iyon kaya pinili kong manahimik nalang.
Kahit pumapasok ako sa AIA ay hindi ko rin naman nakikita si bitchesang Zoe kaya tuwang tuwa ako kapag papasok. Mabuti nalang talaga at lagi kong kasama si Sunny. Hohoho!
Binanggit ko na rin kay Mighty yung babaeng nakita ko nung sinagip nya ako. Sabi niya ay baka namamalikmata lang ako dahil iniwan niya si Zoe sa AIA noong gabing 'yon. Ilang beses ko siyang sinabihan na imbestigahan o pasundan si Zoe pero ayaw niya dahil hindi daw magandang tignan na pinagdududahan namin siya.
Nakakapikon pero naiintindihan ko naman kaya isinawalang bahala ko nalang. Pero ng maalala ko yung death threats niya nung umagang nag breakfast kami ni Mighty ay hindi na ako mapakali.
Pakiramdam ko ay may nakasunod at nag mamasid sa akin lagi. Nasisiraan na ata ako ng ulo. Lalo na ngayong naalala kong hindioa nahahanap si Rex. Kinikilabutan tuloy ako, lalo kapag ako lang talaga ang mag isa.
"Huwag ka kasing praning." sabi ni Sunny habang ngumunguya ng brownies.
"Paanong hindi e iyong kontrabidang Zoe na 'yon ay halos isumpa ako!" sagot ko naman.
"Diba pinabantayan mo namn na siya sa agents ng tito mmo at kay Marquin?" nakataas ang isa niyang kilay habang kumakain parin.
"Tsk! 'Yon nga eh! Wala naman daw kinikilos na kakaiba. Pero iba talaga ang nararamdaman ko..." seryosong sabi ko.
"Iba napraramdaman mo? Pacheck up ka na kung ganon."
Halos mabatukan ko siya kung hindi lang umiwas. Seryoso akong nag kukweto tas nananarantado naman itong isang to!
"Pero kung tingin mo talaga ay may mali, pwede akong mag masid sa kanya. Lagi naman namin siyang kasama sa studio eh." sabi niya ng nakatingin sakin ng deretso.
Sumangayon ako sa plano niya at agree naman din siya.
Pinoproblema ko pa si Dad at ang relasyon niya sa kompaniya ng mga Li. Lalo kay Mighty at sa parents niya. Ni katiting ay wala akong ideya. San ay magkwento si Mighty sa'kin. Ayoko kasing ako ang mag open sa kanya ng topic na 'yon.
Bumaba ako ng AIA ng mag lunch time na. Ayokong mag sama ng kung sino ngayon kahit na nangangamba parin ako.
Patawid na san ako papaunta sa kakainan ko ngayon ng mahagip ng paningin ko si Zoe na palabas na rin ng AIA. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya dahil ayaw ko ng eye contact. Deretso lang ang lakad ko.
Pagpasok sa restaurant na iyon ay sa two seater ako umupo. Binigyan agad ako ng menu ng isa sa mga waiters na medyo kilala ko na dahil dito na ako kumakain halos araw araw.
BINABASA MO ANG
Book 2: Where Everything Starts (ON-GOING)
RomantiekAlthea is a strong and lovely woman. But how being hurt from the past can change her? She became more strong and firm. That strong girl became a strong lady. Years passed, her heart never changed. She's still madly in love with the man she left year...