CHAPTER 4 : INDEED

2.1K 71 1
                                    

Choi's POV

Pagkadating namin sa mansyon ay kaagad kaming sinalubong ng ilan sa mga katulong. Inutusan ko sila na maghanda ng mainit na maiinom at ihatid sa aking silid. Nagpakuha din ako ng gamot.

Sa aking silid ko dinala si Rei. Ako mismo ang nag-asikaso sa kanya. Kung tutuusin ay maaari ko namang iutos iyon sa mga katulong pero ewan ko ba. Hindi ko maintindihan basta ayaw kong may ibang mag-aasikaso sa kanya.

He was half-awake, I guessed.

Pagkatanggal ko sa kanyang suot ay pinunasan ko siya ng tuyong tuwalya. But it didn't work out because he vomited. Pati ako ay nasukahan din. Dumiretso kami sa banyo na nasa loob din ng aking silid.

Iniupo ko siya saglit sa sofa pagkatapos niyang sumuka. Binuksan ko ang gripo ng bathtub at tinimpla ang tubig. When the water was enough I helped him get in.

Napailing ako. It's not like he could clean himself in his current condition.

What the hell? Magkakasunod akong lumunok at nagtanggal na din ng aking suot saka sinamahan siya sa bathtub para tulungang maglinis.

"Choi..." bulong ni Rei.

"Hmmm?" What the hell? Why did I suddenly got nervous? He has that bedroom voice.

Mariin akong umiling.

"Choi..." He started to hiccup. "Kashalanan mo... Hik! Hindi na ako makakapa-aral. Hik! Bugbugin kita. Hik!"

Lasing pa rin siya. I just shook my head.

Walang kontrol sa sarili na humarap siya sa akin. Mabuti na lamang at naalalayan ko siya. Ayun pa rin ang mapupungay niyang mga mata.

He started punching my right shoulder. Even though in his state, there was still enough force on the light punches he gave. Dahil na rin sa kalasingan kaya kung tutuusin ay mahina pa rin ang suntok niya.

Pipigilan ko sana siya pero hindi ko ginawa nang makita ko muli siyang lumuha. "Ako dapat...hik!...ang valedictorian...hik! May scholarship sana ako. Hik! Makaka— hik! Makakapag-aral sana ako."

Damn that title. Maliit na bagay lamang iyon sa ibang tao. But for Rei, I realized that his life was at stake for it.

Malaki ang atraso ko sa kanya. Sa halip na matulungan ko siya kagaya ng ginawa niya sa akin ay perwisyo ang aking naidulot.

Dahil kay Rei kaya muli akong nagka-interes na sumaya sa buhay . Gusto ko siyang maging kaibigan para masuklian iyon. I just need one chance and I'll do my best to be his friend.

Nang magsawa siya sa pagsuntok sa aking balikat ay saka ko itinuloy ang pagbabanlaw sa kanya. He was starting to doze off. Sumubsob na siya sa balikat ko. I could feel the warmth from his body even though we're both wet.

Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Siya ang masasabi kong life savior ko kahit hindi niya alam iyon. An angel in disguise, indeed.

It all started five years ago...

Summer noon at kakagraduate lamang namin ni B sa elementarya. She was my bestfriend. Mula pagkabata ay kaibigan ko na siya at magkasundung-magkasundo kami. Anak siya ng dating mayor ng probinsya namin. mula din siya sa may kayang pamilya. At magkaibigan ang aming mga magulang.

Simula ng kindergarten ay naging magkaibigan na kami. Magkasabay na pumapasok at uuwi. It was either we'll ride on her service or mine. Ni hindi nga kami mapaghiwalay.

Medyo chubby kasi si B kaya madalas siyang tuksuhin ng mga kaklase namin. At ipinagtatanggol ko naman siya. I always protected her and did not tease her figure. I always find her cute instead of fat.

We Are Not In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon