Rei's POV
[FLASHBACK]
Naalimpumgatan ako mula sa aking pagkakatulog. Nakabukas lamang ang isang maya ko na dumako ng tingin sa labas ng bintana.
Madilim pa.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako kagabi. Pero anong oras? Hindi ko matandaan.
Hindi ko maalala maliban sa nag-toothbrush ako pagkatapos kong kunain ng candy. Ang balak ko ay mag-aral pa sana dahil ilang linggo na lang ay final examination week na.
Pero hindi ko talaga matandaan na nagdesisyon na akong matulog.
Weird.
Babangon sana ako pero nakaramdam ako nakaramdam ako ng pananakit ng aking katawan. Hindi ko maipaliwanag basta pakiramdam ko ay nakipaglaban ako. Masakit ang kasu-kasuan ko.
Nahihirapan akong bumangon at unti-unti kong naramdaman ang panginginig ng aking kalamnan. Parang ang lamig. Subalit sa pagkakatanda ako ay hindi ko nilakasan ang aircon sa kuwarto.
Pinipilit kong bumangon nang makita ko si Choi na natutulog sa sahig.
"C-Choi..."
Nagtaka ako dahil pati pagsasalita ko ay apektado. Parang nilalamig ako ng todo at parang paos ang boses ko. Ang init ng pakiramdam ko na nilalamig. Para akong inaapoy ng lagnat.
Naalimpungatan siya dahil naramdaman yata niyang gising ako.
"Good morning, sleepy head," ngumiti siya kahit hindi pa tuluyang naimunulat ang nga mata.
"Good morning din... Dito ka natulog?"
Sinubukan kong kalmahin ang aking sarili. Bago ako tuluyang makabangon ay may naramdaman akong masakit. Parang may sugat ako sa puwet.
Napakamot siya sa ulo. "Oo, alam ko naman ang passcode eh ng kuwarto mo di ba? But don't get the wrong idea. Hindi naman talaga ako dito dapat matutulog. Nang pumunta ako dito kagabi ay hindi ka sumasagot. Yayayain sana kitang mag-dinner para mag-celebrate. But when you weren't answering I invited myself in. Nakita kitang tulog na... Ayos ka lang ba?"
Bumangon siya sa pagkakahiga sa sahig at sinenyasan ko siyang maupo sa kama. Bumangon din ako at naupo pero hindi ko ipinahalata ang tindi ng sakit. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam mo.
"You're sleeping like an baby." Ginulo-gulo niya ang buhok ko. "I don't want to disturb you. So I just carried you and lay you down here in bed. Hihintayin sana kitang magising kasi baka pag gising mo gutom ka kaya nag-order na lang ako ng dinner."
Itinuro niya ang pagkain sa study table.
"Pero mukhang pagod ka sa pag-aaral. Hindi din ako nakakain maliban sa chips at candies mo sa drawer," sabi ni Choi.
Para siyang batang umaamin sa kasalanan. Yung takot pero sinusubukang mag-pa-cute para hindi mapagalitan. At kahit wala akong balak magalit sa kanya ay umeepekto sa akin ang ginagawa niya.
"Hindi naman pang dinner ang sitsirya," sabi ko pagkatapos ay naubo.
"I know, Rei-Rei... Pero matitiis ko bang ako lang ang kakain ng dinner habang tulog ka?"
BINABASA MO ANG
We Are Not In Love
RomanceStrangers can be friends. Friends can be bestfriends. But can bestfriends fall inlove with each other? Ito ang kuwento ng pagkakaibigan na nauwi sa pag-iibigan nina Choi at Rei. Subalit sapat ba ang pagiging magkaibigan nila para maging pundasyon ng...