CHAPTER 43 : SIGN

1K 29 0
                                    

Rei's POV

[PRESENT DAY]

Sabi nila ang kapatawaran daw ay kusang matatagpuan mo sa sarili mo at hindi iyon hinihingi sa taong nagawan mo ng kasalanan.

Iyon marahil ang dahilan kaya sa paglipas ng panahon ay hindi ko na makapa ang galit na nararamdaman ko kay Choi sa nagawa niya.

Sa isang banda ay naisip ko din na marahil ay hindi naman talaga ako galit. Marahil ay sadyang nagkaroon lamang ng malaking epekto sa akin ang trauma na naidulot sa akin ni Song. Dahil sa impluwensya niya noong mga panahong iyon kaya nagdilim ang paningin ko at literal na nasaktan ko si Choi para makaganti.

Idagdag pa doon na hindi ito nawala sa isip ko kaya kinailangan ko ng atensyong medikal. At kaya dinala din muna ako ng aking ama sa Korea. Tanging panahon nga lamang talaga ang makakapagsabi kapag natagpuan mo na ang kapatawaran at lakas ng loob para kailmutan na ang mapait na nakaraan.

Kaya nauunawaan ko si Choi kung bakit umiwas siya. At alam kong pinili niyang dumistansya sa akin.

Pagkatapos nang gabing nalaman niya ang totoo ay nagkaroon iyon ng epekto sa kanya. Hindi man niya maalala ang nakaraan pero alam kong sa puso niya ay binabagabag siya nito.

"Talaga bang nagawa ko iyon?" tanong niya sa akin ilang araw pagkatapos kong maikuwento ang lahat sa kanya.

"..."

"H-hindi ko maalala pero nararamdaman kong h-hindi ka gumagawa ng kuwento..."

Nahihirapan ako pero ayaw kong magsinungalin sa kanya.

"H-hindi ko din naman alam ang bagay kung hundi lang..." Napabuntong hininga ako ng hindi ko matapos ang aking dapat ay sasabihin sana. "Gusto kong sabihin na hindi mo kasalanan pero... It's just that..."

Muli na naman akong napabuntong hininga. Kahit sa isip ko ay marami akong gustong sabihin ay hindi ko naman mapalabas iyon sa aking bibig.

"Ramdam ko dito"—itinuro niya ang kanyang dibdib—"na baka iyon ang dahilan kaya sa mahabang panahon pagkatapos nang aksidenteng iyon kahit hindi ko maalaala ay palagi akong malungkot at nagsisisi. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay may nagawa akong malaking kasalanan... at mukhang nasagot iyon ng dunating ka lalo na ng sinabi mo ang totoo."

"Parehas tayong biktima..." sabi ko dahil iyon ang totoo.

Ang totoo ay parehas kaming lulong sa impluwensya ng droga noon gawa ni Song.

Si Song ang may kagagawan ng lahat; sa candy na palagi kong kinakain which turned out to be a sleeping drug hanggang sa inom ni Choi na may halo ding droga.

Lumabas sa imbestigasyon na dinroga din ito ni Song noong may ginawa siya sa akin dahil iyon ang gabi kung saan sila nag-usap sa isang bar.

Ang itinurok naman sa akin noon ni Song noon pagkatapos kong mapanood ang video clip ay isa ding uri ng droga para maging high ako. When a memory blasted in my head like a bomb that Choi forced himself to me... I guessed.

It's just that, there's another possibility on what happened really might have happened.

Ayon sa imbestigasyon ay maaaring wala naman talagang ginawa si Choi sa akin—na hindi niya ako pinagsamantalahan. Maaaring pinalabas lamang iyon ni Song base sa video clip at sa gamot na itinurok sa akin.

We Are Not In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon