Rei's POV
[FLASHBACK]
Wala akong nagawa nang isama ako ni Felix sa mga dance videos niya na pino-post niya online. Alam ko naman na marami siyang subscribers at followers sa kanyang mga social networking accounts. Ang hindi ko inaasahan ay ang positive feedback nila sa akin.
Hindi naman sa pagmamayabang ay marunong din akong sunayaw at kumanta.
Kagaya ng sinabi ni Felix ay hindi lamang dumami ang followers ko kundi nakatulong iyon sa akin para ma-divert ang atensyon ko sa ibang bagay.
Ilang linggo pa lamang ang nakakaraan magmula ng ipost ang unang dance video namin ni Felix ay na-recognize agad ako ng mga subscribers niya. Pati sa campus ay ganoon din.
Hindi ko din kasi masyadong naiisip si Choi.
Totoo! Minsan na lang.
Minsan kapag halimbawang nakasalubong ko siya.
Minsan kapag nasa iisang classroom kami dahil parehas kami ng mga klase.
Minsan kapag natatanaw ko siya.
Minsan kapag bago ako matulog.
Minsan kapag bago ako kumain.
Minsan pag-gising ko sa umaga.
Minsan ko na lang talaga sya naiisip. Promise!
Masaya naman ako. Idagdag pa doon na nagkaroon din ako ng ibang mga kaibigan—isa na doon si Song.
Although minsan ay nagiging extra sweet siya sa akin. Si Felix naman ay kinukumpirma iyon kaya kulang na lang ay ilagay niya ako sa maleta kapag lumalapit si Song.
Ewan ko ba sa kanya at nagiging over-protective. Kung hindi ko lang siya kilala at kaibigan ay iisipin ko ng may gusto siya sa akin.
Pero ang kapal ng mukha ko kapag ganoon. Minsan nga ay sinabi ko sa kanya at nawindang ako sa sagot niya.
"Malay mo may gusto nga ako sayo. Ikaw kasi puro na kang si Choi ang nasa isip mo."
Binundol ako ng malakas na kaba n'on dahil sa sinabi niya. At halos maniwala na ako sa kumag mabuti na lamang at kaagad siyang bunawi.
"Joke lang yun. Ano ka ba?" sabi niya sabay humalakhak.
Kaya ang ending binatukan ko siya ng makailang ulit dahil sa kalokohan niyang iyon.
Hindi ko lang kasi ma-imagine na magkakagusto siya sa lalaki dahil katulad ng kapatid niya ay nag-e-enjoy siya sa atensyong ibinibigay sa kanya ng mga fans niyang mga babae.
Mahirap paniwalaan pero meron talagang mga babaeng nagka-camping sa labas ng campus makita lang ang kambal na sina Calix at Felix.
Pero kagaya nga ng sabi ko imposibleng magkagusto kami ni Felix sa isa't-isa.
Subalit sa isang banda ay iba ang kaso ni Song.
Mabait siya. At alam ko iyon kaya lamang ay nagiging extra sweet nga siya minsan. Idagdag pa doon na bigla na lang niya akong hahawakan sa balikat minsan kapag sinasabayan niya akong maglakad.
BINABASA MO ANG
We Are Not In Love
RomanceStrangers can be friends. Friends can be bestfriends. But can bestfriends fall inlove with each other? Ito ang kuwento ng pagkakaibigan na nauwi sa pag-iibigan nina Choi at Rei. Subalit sapat ba ang pagiging magkaibigan nila para maging pundasyon ng...
